HOW? 1

62 2 0
                                    


Isang mahangin na umaga ang naramdaman ko habang ako'y naglalakad papunta sa punyeoh, sorry. Sa bagong building na 'to.


Actually, hindi siya bagong building. Lumang building na raw 'to sabi ng mga 4th year. Dito raw mas nagpaparamdam ang mga multo kapag seven ng gabi.


Alas otso pa lang ng umaga, eight-thirty ang klase ko. Nakaka-kaba lang dahil ako lang ang mag-isa ngayon.


Hindi na akong Electrical Engineering student. Isa na akong Accounting Technology student. Nakaka-iyak, hindi na ako magiging engineer. Isa na akong office girl!


Napatingin ako sa ID at registration form ko. Nag-iba ang course ko, ganoon pa rin naman ang student number ko. Pati mga subjects ko, iba na rin.


Nang makarating ako sa third floor, napa-upo ako sa sahig, sa tapat ng room na papasukan ko mamaya. Ako lang ang tao rito sa hallway. Buti na lang may saksakan kaya icha-charge ko muna 'tong phone.


Dati, hindi kami dumadaan dito. Isang beses lang, hayan 'yon final examination namin sa Analytical Geometry, taena talaga.


Ganito 'yon feeling no'ng first day ko rito, literal na first year, kinakabahan kasi hindi ko alam kung ano'ng mangyayari. Magkakaroon ba ako ng mga bagong kaibigan dito? Sana naman may pogi, kaso, nasa business course ako. Expect kong puro babae ang mga tao rito.


Kumusta na kaya silang lahat? Lahat sila, pasado. Ako lang 'tong bagsak sa tatlong Math subjects. No'ng sinabi ko kay nanay na bagsak ako, sinabi niya na mag-shift na 'ko para hindi ako tumagal sa college. 


Kaya ko naman kasi ituloy. Kaya lang... kainis. Mahuhuli kasi ako sa kanila. Baka may major subjects na ang iba sa kanila. Kaasar. Hanggang ngayon, ang sama pa rin ng loob ko.


Pero, sabi nga ni Clara, heto na lang ang paraan para makapagtapos ako.


Kaso, wala naman akong kakilala rito! Ahuhu.


'Di bale, magkakaroon din naman ako. Hindi ko alam kung kailan, basta.


"I love you, babe."

"I love you, too."


Eww, sa'n ba galing 'yon? Bakit umecho sa hallway?


Napansin ko ang mag-jowa na 'to sa isang classroom, isang lalaki na marine student at isang ordinaryong student na babae ang magkayakap ngayon. 'Yon lalaki ang nasa loob ng classroom. 


Late na siya ah, bakit nagagawa pa niya makipagyakap sa jowa niya ngayon? Ay teka, late ba talaga siya o wala pang tao sa classroom na 'yan.


Actually, unting-unti na nag-iingay dito sa third floor. Puro ingay ng mga lalaki, particular, mga naka-uniform na pang-marine engineering. Sabay-sabay sila nagtatawanan habang naglalakad papunta sa room na... nandoon ang mag-jowa na magkayakap kanina.

How To Write A Love Story?Where stories live. Discover now