HOW? 3

42 2 0
                                    


Nahihirapan na ako mag-type. Hindi naman masakit ang mga kamay ko pero...


"Putangina! Sa kabila!"

"Sabi nang sa kabila, e!"

"Oh, oh! Do'n nga!"

"Anak ka talaga ng puta, ang bobo!"

"Gago!"

"Ang bobo niyo!"


Maliliit ang boses nila. Sa pagkakaalam ko, katabi ko ang mga kalaban nila ngayon na, tahimik lang naglalaro.

Bakit?

Dahil mga matatanda ang naglalaro sa tabi ko ngayon. Feeling ko, nasa 20s na ang mga 'to. Kalmado nga nila, e.

Sa likod lang ng mga PC na 'to naglalaro ang mga bata na ang lalakas ng mga boses, liit naman nila.


"Hindi ka makapagsulat 'no?"

Napatingin na lang ako sa katabi ko sa kanan, ako ba kausap niya?

"Dapat doon ka sa likod pinaupo, e. Maiingayan ka talaga sa mga batang 'yan," aniya.

"Putangina niyo!"

"Hoy! Ang ingay ng bunganga mo, bata!" sigaw na ng lalaki na nasa kaliwa.

"Mag-suot ka ng headset para hindi mo sila marinig," sabi pa ng lalaki na katabi ni kuya na kumausap sa akin, "malakas ang sound ng headset diyan sa PC."

Wala kasi ako tiwala sa mga headset na 'to lalo na kung ang mga gumamit ay mga batang kasing-dugyot ng mga nasa tapat namin.

"Maniwala ka sa amin, miss. Malinis ang mga headset dito sa linya natin."

Pa'no naman niya nasabi?

"Siya kasi ang may-ari ng computer shop na 'to, miss." Napatingin agad ako kay kuya na nasa kaliwa ko.

Tinignan ko naman si kuya na nasa kanan ko, naka-focus na siya sa monitor ngayon. Napatingin ako sa mga kamay niya, ang bilis niya magpipindot.


May hitsura pa naman 'to, konti nga lang.


Sinuot ko na lang ang headset ko, nagpunta sa website ng Youtube at naghanap ng latest ng kanta ng Kpop ngayon. Playlist ang lumabas kaya pinakinggan ko na lang.


Sa apat na kanta na narinig ko, may kanta na nag-catch agad sa tenga ko. Kaya, hinanap ko ang title.


"Taena, pa'no basahin 'to?"


Pa'no ba naman kasi, naka-korean or Hangul ang sulat tapos "the Best" ang sumunod. Mamamoo ang kumanta.


Mamamoo? Putek, sino ba ang mga 'yon?


Napatingin na lang ako sa right corner ng screen, shit, 5 minutes na lang pala ako. Kaka-extend ko lang ng 15 minutes, e.

Hayup, kung kailan malapit na ang ending ng novel ko, saka naman ako naubusan ng mga salita.

Nag-log out na lang ako at pinatay ang PC. Iingay pa rin ng mga batang 'to, sila talaga ang may kasalanan kung bakit hindi ako makapagsulat.


Napatingin na lang ako sa langit, madilim na pala. Pero, mas dumami ang mga tao ngayon dito. Lalo na 'yon mga nag-iihaw.

How To Write A Love Story?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon