Ngumiti ako kay Noli.

"Pumayag kang pagaralin ka ng Tiyuhing Nelson Noli," udyok ko sa kaniya.

"Pero paano ka nga?"

"Paanong ako? Bakit kailangan ako?"

Mabilis niyang iniwas ang paningin sa akin.

"M-mawawalan na tayo ng oras sa isa't-isa."

Iyon din ang nasa isip ko Noli. Gusto ko sanang isatinig pero pinigilan ko ang sarili. Ayokong magalala siya sa akin.

"Magkikita pa din naman tayo kapag wala kang pasok eh."

"Hindi Myrna...."

Malungkot na tinignan niya ako.

Bigla akong kinabahan sa nakikita kong emosyon sa kaniyang mga mata.

"Gusto akong isama ni Tiyuhing Nelson sa Maynila Myrna at doon pagaralin ng kolehiyo." Malungkot na pahayaga niya.

Nanigas ako. Napalunok. Napatitig sa kaniya ng matagal.

Mag-aaral si Noli sa Maynila?

Inalis ko sa kaniya ang paningin at tumingin sa bandang ibaba ng mga bundok. Natatanaw ko mula roon ang buong siyudad ng Ramon. Napakagandang pagmasdan. Ngunit kabaligtaran naman iyon ng aking nararamdaman. Napakabigat.

"Sumama ka sa Tiyuhing Nelson mo Noli, Mag-aral ka doon. Panigurado kapag nakapagtapos ka mas gaganda ang buhay mo." Wika ko ng hindi siya tinitignan.

"Myrna..." usal niya sa pangalan ko.

"Huwag—mo akong intindihin Noli. Makakapagaral din ako. Hindi man ngayon, Siguro sa ibang panahon."

Pilit kong tinago sa lungkot sa aking boses sa pamamagitan ng pakikipagsimpatiya sa kaniya. Ayokong mahalata niyang may bigat sa aking dibdib.

Tulad ko,

May mga pangarap din si Noli.

Pangarap niyang makapagtapos sa pagaaral. Pangarap niyang maiahon sa hirap ang kaniyang pamilya sa kahirapan.

Iyon din ang lahat ng pangarap ko sa buhay.

Kaya naman hindi ko siya pipigilan.

Humakbang siya papunta sa harapan ko. Hinawakan ako sa magkabilang balikat. Tinitigan sa mukha. May dumaanv emosyong sa kaniyang mga mata.

"Myrna..."

"Mag-aral ka Noli. Mauna kang abutin ang mga pangarap natin." Hindi ko na napigilan ang pag garagal ng boses ko.

Ang mga mata ko hindi na napigilang ang panunubig. Hindi ko na naitago sa kaniya ang totoong nararamdaman ko ng mga oras na iyon.

Kinabig niya ako at kinulong sa kaniyang mga bisig at niyakap ng mahigpit.

Tahimik lang akong lumuha.

Masakit pero kailangan ko muna siyang hayaang........unahin ang kaniyang pangarap.

•••

Akala ko kapag pinapasok ko si Noli sa buhay ko, Habang buhay na akong masaya. Kasi...nariyan na siya at katuwang ko. Pero...hindi pala.

Kahit anong saya ninyong dalawa. May mga tao paring hindi masaya para sa inyo. Mga taong hadlang sa kakarampot ng mayroon kayo.

Hindi natuloy ang binabalak na pagpapaaral ni Tiyuhing Nelson sa pamangkin niyang si Noli.

Hindi pumayag si Noli na mag-aral sa Maynila.

Tinanggihan niya ang alok na pagpapaaral sa kaniya ng matandang lalaki.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now