Nag-igting ang panga ko nang umandar na ang sasakyan at titigan niya ako gamit ang rear view mirror.

"You want to say something?" he asked, his voice was mixed with sarcasm and authority.

Imbes na sumagot ay itinaas ko na lang ang kamay ko para ipakita sa kanya ang aking middle finger. He just smirk and shook his head before his eyes went back on the road.

I was still shocked and couldn't moved on from the scene. Pag-uwi sa bahay ay sa kwarto na kaagad ako dumiretso. Gusto ko nang kalimutan at bumalik sa aking huwisyo pero hindi ko magawa.

He spanked me. My bodyguard fucking spanked me!

Oo nga't hindi naman na bago sa akin iyon at may mga nakahawak naman na sa pwet ko pero ito na yata ang pagkastigong sa unang beses ay naging effective sa akin.

Iyon pa rin ang laman ng utak ko habang naliligo. I even checked my butt to see some mark and it has. Kaunti lang pero sa lakas ay may marka pa ring naiwan. It was not that hard na ikaiiyak ko at ikagagalit, but just enough to really shut someone up. And it worked. I have a fair skin kaya halata kaagad ang pamumula.

I was silent during the dinner. Mommy was happy I was there to dine with them, but I don't feel like talking. I felt like traumatized.

"Is there any problem, Saryna?"

"Nothing, mom. I'm just tired because of school."

Nagliwanag ang mukha niya. My mother, Soraia Esquire Rozovsky, the only woman who could make my father literally crazy was now smiling from ear to ear after hearing me say that. Sa unang pagkakataon pagkatapos ng mahabang panahon ay parang ngayon ko na lang ulit nakita sa kanya ang mga ngiting iyon. It was so sweet that even though I am not feeling it, napangiti pa rin ako.

My mother was always beautiful. She was part of the reason why my beauty was the standard to all the boys in Enderun International University. I looked like her, but my features were bolder and intense like my father.

Lahat naman kami actually ay namana ang lahat ng mga magaganda sa aming mga magulang. Ate Somerset, the middle child also became the hottest girl here and abroad. Kaliwa't kanan nga ang offer niya noon sa mga TV commercials at kahit sa modeling industry lalo na't ang best friend niya ay mayroong modeling agency pero isang beses niya lang iyong pinagbigyan. And that photo was still viral until now with almost a million likes and thousands of shares and comments.

Ate Nia was also good-looking and her body was bomb, too! Sa aming tatlo ay siya ang may pinakamalaking boobs at pwet pero dahil may pagka-conservative manamit ay paniguradong ang magiging asawa niya lang ang makakakita no'n. But even without showing too much skin, she was still admired and adored by men. She was hot as fuck, too. Kaliwa't kanan ang mga manliligaw na hindi kaagad naba-basted dahil sa sobrang bait hindi gaya ni ate Somerset na kapag ayaw niya ay binabara na kaagad.

And lastly, my only brother, Kuya Euxerre became the biggest heartthrob in Enderun, too! Ilang beses siyang naging prom king at Mr. Enderun simula pa lang noong junior year niya. He has the most admirers than us. Palibhasa over-achiever rin at masipag talaga sa lahat ng bagay ay pansinin ito bukod pa sa hitsura.

I remember my uncles teasing him about having a lot of girlfriends. Dahil sa kakisigan ay mukhang mas marami pa nga raw itong naging girlfriend kay daddy pero hindi ako naniniwala. I always thought my brother as the responsible one like ate Nia, his twin sister. Sa pamilya ay silang dalawa talaga ang pinakamatino at pagdating sa amin ni Ate Soms ay naubos na ang lahat ng katinuan sa egg cell at sperm cell ni mommy at daddy kaya ganito ang kinalabasan.

"It's good to see you dine with us, Yna. It's been a while since you joined us here and you came home early so I'm really happy about it. Mukhang tama ang desisyon ng daddy mo tungkol sa pagkakaro'n mo ng bodyguard."

Muntik na akong mabulunan dahil doon. Daddy smiled at my mother. Mas lalo namang naging glowing si mommy.

Love, ewww.

"How's your bodyguard? Okay lang ba siya? What was his name again?"

"Raglan." walang gana kong sagot.

"I thought it's Hozier?" singit ni Ate Nia na ngayon ay nakakunot ang noo.

"It's his second name. He doesn't look like a Hozier to me. Parang pang mababait na tao lang ang pangalan na 'yon. He's more of a Raglan. Mas bagay sa kanya. Like a rat na pilit nagsusumiksik sa buhay ng iba..."

Marahas akong napalunok at natigil dahil sa malakas na pagtikhim ni daddy na ayaw nang marinig pa ang mga sinasabi ko lalo na't nasa hapag si mommy.

Right. I need to make this work dahil kung hindi at sa kanya pa rin babalik ang lahat.

"He's just my age dad, right?" pormal na singit ni Kuya Nio sa usapan.

Daddy nodded. Nagpatuloy ang pag-uusap nila tungkol kay Raglan pero ang utak ko ay nasa ibang dimension na naman habang pilit na inuubos ang aking pagkain. Kahit na gustong-gusto kong magsumbong sa nangyari kanina ay pilit kong itinikom ang aking bibig.

Akala ko ay makakatakas na ako sa anino ng lalaking iyon at sa lahat ng mga nangyari kanina sa club dahil gusto ko na lang ring ibaon ang lahat sa limot at mag-isip ng panibagong strategy kung paano siya mawawala sa buhay ko pero hindi ko inasahang doon at doon lang rin iikot ang buhay ko sa mga sumunod na linggo simula nang magkita kami ulit ni Damien.

"Why didn't you told me that your bodyguard spanked you Saryna?" salubong niya sa akin dahilan para mapaawang ang aking bibig.

"What are you..."

"Why did he touched you?"

Natigil ako sa paglalakad sa napagtanto.

What the hell... Did Raglan told him that? Was I involved with another scandal again? And with that man?! Shit!

The Man In Red Suit [The Rozovsky Heirs 6]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon