All I want right now was to get away from this house even though my bruises were still fresh. Bukod sa nananakit ko pa ring kamao ay may bakat pa rin ang aking leeg ng kamay. Wala na akong masyadong matandaan simula ng mag-black out ako dahil doon pero wala na rin akong pakialam. Ang tanging dapat ko na lang alalahanin ay ang pagbabalak ng mga magulang kong higpitan ako or worst, talagang huwag na akong payagang umalis ng bahay pagkagaling ng eskuwela. That would be the death of me.

"Holy shit Saryna you're out!" nanlalaki ang mga matang hiyaw ni Holly matapos akong matanaw na pumasok sa loob ng coffee shop na aming tambayan malapit lang sa university.

Ilang araw na akong hindi nakapasok dahil nga sa nangyari pero dahil bored na bored na ako ay narito ako ngayon kahit na hindi pa rin ako pinapayagan ng doctor at ng mga magulang kong bumalik.

Nakangiti ko silang binati. I'm glad they're still in Starbucks. Kung saan kami tumatambay minsan kapag sandali lang ang free time.

"How are you? Akala ko ba next week ka pa papasok?" Andrea asked after hugging and kissing me.

"I got home yesterday. I'm okay."

Queeny bought me my favorite green tea drink and a blueberry cheesecake. Prente akong naupo sa couch at hinintay iyon. I pulled my shades up to my hair and then use the screen of my phone to check the bruise on my lips.

"The bitch got me good." Mabagal kong sambit habang sinisipat iyon.

Holly chuckled. "You want me to ask someone to put some bruise on her lips too while she's still in the hospital?"

The side of my lips rose at that.

"Stop it, Holly! Hindi na nga raw makilala ang mukha, eh! Saryna got her good, too!" Andrea interjects.

Inis kong kinuha ang drink na inilapag ni Queeny sa aking harapan.

"What's up? You okay?"

Umiling ako. Nangunot ang mga noo nila. I don't want to talk about the conversation I had with father, but I need to let it all out. Baka kung saan na naman kasi mapunta ang init ng ulo ko at natatakot ako para sa sarili ko kung ano man 'yon.

"I am not. My father is finally mad at me and my mom..." napalunok ako nang maisip siya. "She's real mad."

"That's not good, Saryna."

"I know, Holly. I'll kill that bitch if I see her again."

"Chill naman! Hindi pa nga nakakalabas ng hospital at baka naka-wheelchair pa 'yon paglabas!"

"Any news about Valeron? That son of a bitch."

"You said he sent you flowers while you were in the hospital? He didn't contact you?"

Nag-igting ang aking panga dahil doon. Normal na matakot siya sa nangyari pero imbes na umiwas ay sana nag-effort man lang siya maliban sa putang inang bulaklak na 'yon dahil baka ipakuha ko pa yon sa dumpsite at ipalamon sa kanya. Tangina kumukulo ang dugo ko!

"I'll deal with it, Saryna. Do you want him to end up in the hospital, too? habang naro'n pa ang girlfriend niya?"

Andrea and Queeny laughed at that. Hindi ko na kailangan pang sumagot dahil nakuha na kaagad ni Holly ang ibig kong sabihin. Tumango lang ito.

"I still can't believe someone finally put you on the hospital! Akala ko mapupunta ka lang do'n kapag manganganak ka na." Holly joked after minutes of casual catch up.

"Gago."

We all laughed at that. Wala naman akong masyadong na-missed at kahit na mayroon ay kayang-kaya ko naman iyong habulin. Kung hindi, then I'll make my grades adjust to me. That was just one of the Rozovsky's perks that I haven't used yet.

The Man In Red Suit [The Rozovsky Heirs 6]Where stories live. Discover now