Chapter 15

198 8 6
                                    

Kirsten's POV:

"Move in with me, Ophelia."

Hanggang ngayon parang sirang plaka na paulit-ulit sa utak ko ang sinabi sa akin ni Pearce few days ago. I wasn't able to give him a clear answer. I told him na pag-iisipan ko. We've been keeping in contact since then.

Nasa apartment ko pa rin ako tumitira ngayon pero kasama ko si Betty. She decided na samahan ako tumira sa apartment ko tapos hati kami sa bills kahit sabi ko naman na 'wag na. Rest day namin ngayon and umuwi muna siya sa bahay nila to get some things, sinundo siya ng kapatid niya kanina. Ayokong maiwan sa flat ko kaya ginawa kong tambayan 'yong 7/11 na malapit lang sa apartment complex ko, 'yong dapat pagbibilhan ko ng ice cream that night.

"Kirsten?", tawag sa akin.

Kunot noo akong napalingon. Agad akong napaupo ng maayos at ibinaba ang kinakain kong sandwich nang makita si Sean.

"Ui.", bati ko sa kanya.

"Ba't dito ka kumakain?", tanong niya at napatingin sa paligid. "Mag-isa ka lang?", dagdag niyang tanong.

Tumingin din ako sa paligid bago mapatango. "Tumatambay lang.", maikli kong sagot na may kasamang maikli ring ngiti.

Awkward pa rin ako around Sean. Hindi ako aware noon pero nang e-point out sa akin ni Pearce that time sa conference room, hindi na ako naging komportable around Sean. 

I took a sip of a canned soda na binili ko together with the sandwich nang maglakad papalapit sa akin si Sean dahilan para mabuga ko ang iniinom. Natapon ito sa damit ko.

Ophelia, hindi ka naman halata na kabado 'di ba? 

"Sh*t.", mura kong tingin sa natapunan kong damit. Hindi naman manipis suot ko kaya wala akong problema na may mabakat or something, ang akin lang is ang pangit tignan ng stain sa suot ko. Maglalakad pa naman ako pabalik sa flat ko.

"Here.", abot bigla ni Sean nang suot-suot niyang jacket sa akin.

"No, it's okay.", I declined politely, pero kinuha niya ang kamay ko at pinahawak sa akin 'yong jacket bago niya ako iwan at lumabas ng 7/11. Wala akong nagawa kundi sundan siya ng tingin palabas.

Napatingin ako sa jacket niya, nagdadalawang isip kung susuotin ko ba o hindi. But then, napatingin ako sa suot ko.

"I guess... I can borrow it for now. Ibabalik ko nalang sa kanya.", I said to myself.

Inubos ko ang kinakain na sandwich kanina, 'yong soda ko naubos ng suot ko. Lumabas ako ng 7/11 after. Napatingin ako sa daang tinungo ni Sean kanina nang umalis siya. 

He even helped me the other night. He drove me back sa harap ng tower ko while I'm shaking in fear. He helped me again today. Hindi ko na alam iisipin ko, if we judged him wrongly, pati si Betty ayaw na sa kanya. 

"Sino tinitignan mo?"

Gulat akong napalingon nang may magsalita mula sa likuran ko. Nanlalaking mga mata akong napatingin kay Pearce na kunot noong nakapamulsang nakatingin sa kung saan ako nakatingin kanina.

"Anong ginagawa mo dito?", parang kakapusin ng hangin sa gulat kong tanong sa kanya. Nerbyosa na talaga ako dahil sa mga pangyayari sa buhay ko ngayon.

Lumipat siya ng tingin sa akin, "Hannah's with her Dad right now. Umalis muna ako so that they can spend time alone.", sagot nito sa akin.

"Papunta ako sa apartment mo nang madaanan kita. Anong iniisip mo at sa harap ka pa talaga ng 7/11 lutang?", tingin niya ulit sa tinitignan ko kanina.

"May binili lang ako sa 7/11 ng saglit. Pabalik na ako sa apartment ko.", I expained dahilan upang mapatingin siya sa mga kamay ko at nakitang walang akong dala-dala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Ex-Girlfriend's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon