Chapter 4:

137 20 3
                                    

Kirsten's POV:

Magkasalungat ang mga kilay ko na napalapit sa station ni Betty nang mapansin ko na panay silip ang ibang mga kasamahan namin sa quarter ni Pearce, mostly mga kasamahan naming mga lalaki.

Hindi ko na kailangan magtanong pa kay Betty kung anong meron kasi kusa akong hinila ng babaeng 'to nang makita niya akong papalapit sa kanya.

"Andito 'yong fiancee ni Boss Clarence. Tignan mo ang mga kumag na 'yan, porket may maganda, silip ng silip.", chismis agad ni Betty sa akin sabay turo ng saglit sa mga kasamahan naming lalaki.

Oh diba? Pinanganak talaga ang babaeng 'to upang ipagkalat ang Marites Nation.

Napadako ako ng tingin sa istasyon ni Pearce at nakababa ang mga blinds nito. Baka may ginagawang milagro sa loob?

Patago akong napangisi. Tama talagang hindi ko muna ibinalik kay Pearce jacket niya, alam kong magagamit ko rin ito sa madaling panahon. At ang panahon na 'yon ay ngayon.

"Hindi naman ganoon kaganda fiancee ni Boss Clarence, overacting lang talaga mga kumag na 'to.", mahinang dagdag ni Betty.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya.

"Tapos ka na ba sa Inventory Report mo?", I promptly asked at namilog ang mga mata ni Marites.

"Hindi pa, diyan ka na muna!", mabilis na bitaw niya sa braso ko na may kasama pang tulak.

Oh diba? Inuna ang chismis kesa sa gawain niya.

I sauntered my way to my station, which is just right at the corner of Pearce's quarter.

Huminto ako sa likuran ng mga kasamahan kong kanina pa tingin ng tingin sa istasyon ni Pearce. Tumikhim ako, dahilan para mapalingon sila sa akin.

"Ui, Kirsten!"

"Ahaha Kirsten, ikaw pala! Kumusta?"

Nginitian ko sila.

"Nakalimutan niyo ata na ngayon ang Innovation meeting natin, ah? O baka tapos na kayo sa mga gawain niyo?", may matatamis na ngiti kong tugon.

Katulad nang naging reaksyon ni Betty ay agad silang nagsitakbuhan patungo sa mga istasyon nila. Sinundan ko sila ng tingin bago ko naisipan na magpatuloy sa istasyon ko.

May kinuha ako sa drawer ko, it's Pearce's Jacket.

I laid it gently on my right arm, then I fondled the topcoat as if it's a pet. I grinned.

Nagtungo ako sa quarter ni Pearce. Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok at saka pumasok.

"Oh, my bad. Hindi ko alam na may bisita ka.", kunwaring reaksyon ko nang makita si Hannah at Pearce na nag-uusap.

Napatingin silang dalawa sa akin.

Akala ko may maaabutan akong milagro. Nag-uusap lang pala.

"I'll just come back later on.", sambit ko at akmang lalabas na nang pigilan ako ni Pearce.

"What do you want?", he asked straight away.

Napangisi ako ng saglit bago ko sila harapin ulit.

Naglakad ako palapit sa kanilang dalawa, magkatapat silang nakaupo sa sofa ng visitors area nitong opisina ni Pearce.

"It's not that important, gusto ko lang ibalik ang jacket mo.", abot ko kay Pearce no'ng topcoat niya.

Taas kilay na napasunod ng tingin si Hannah dito.

"Thank you for letting me borrow it. You're still using Le Labo's Another 13 perfume pala? Some things never change, I guess.", banggit ko nang inaabot ko 'yong topcoat ni Pearce sabay siningitan ng saglit na tingin si Hannah.

The Ex-Girlfriend's RevengeWhere stories live. Discover now