Chapter 5:

138 15 2
                                    

Kirsten's POV:

I suddenly laugh out of disbelief in the middle of giving Pearce a razor-sharp look. He's utterly oblivion of his surroundings.

Can you imagine? Kanina ko pa siya binibigyan ng matatalim na tingin, wala man lang ba siyang nase-sense? Kung sabagay, he's inside his office, while I'm at my station.

I'm still in so much incredulity with what happened 2 days ago, nang ihatid niya ako pauwi.

I invited him inside my apartment, diba? I had so much confidence that time, tapos know what he did? I got no answer from him. Isinara niya 'yong bintana tapos pinaharurot 'yong kotse niya paalis.

Like WTF? What was that behavior, Arturo?

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang mapatingin sa gawi ko mula sa loob ng opisina niya. Agad akong napayuko at nagkunwari na may tinitignan sa laptop ko.

Huli pero hindi kulong 'yan, Kirsten?

Hindi ko maintindihan. Ang hirap niya landiin pero nagpapalandi siya sa iba? Ano 'yon? Ano ako kanta? The only exception?

I cautiously looked at Pearce's direction again, at nanigas ang ninang niyo kasi nakatingin pa rin pala sa akin si Pearce kaya nahuli niya ako.

"Come here.", basa ko sa bibig niya.

He even gestured his forefinger na lumapit ako.

"Ano ba 'yan, ano ba kailangan ng kupal na 'to sa akin.", mahinang reklamo ko muna bago ako mapatayo mula sa istasyon ko at tinungo ang opisina ni Pearce.

Kumatok ako sa babasaging pintuan ng opisina niya bago pumasok.

"You called for me?", kunwaring parang walang nangyari na tanong ko sa kanya pero kung alam niya lang, sumasabog na dibdib ko sa kaba.

"Natapos mo na ba pinapagawa ko sayo?", tanong niya na hindi ako tinitignan.

"Have you checked your mails today?", I responded just a second after his question.

Oh diba? Matapang si Ate girl niyo. Sinagot ng isa pang tanong ang tanong ng boss niya. 'Wag tularan hahaha.

Parang napahinto siya sa binabasa niya mula sa screen ng laptop niya, at saka napadako ng tingin sa akin.

"Does that mean a yes?", a tasteless response, with a dull expression evident on his face.

"What do you think so?", I answered with a grin.

Napapikit siya sabay buga ng hangin. A muscle in his jaw twitched. He's losing his patience, I'd love to see that.

"Stop answering my questions, with another question, will you?", he commanded, almost like a hoarse whisper.

Nagkibit balikat lang ako.

Ibinalik niya ang tingin sa screen ng kanyang laptop at may parang may chene-check.

Maya-maya lang ay napatingin ulit siya sa akin.

Kanina pa ako tapos sa pinapagawa niya, I sent the file sa email niya. He should regularly check his mails, hindi 'yong papalapitin pa ako. Mukha ba gusto kong makita siya lagi sa malapitan? Nate-tempt lang akong ibalibag siya papuntang pluto.

Akala ko may ibabato na naman siya sa aking salita nang mapatingin siya sa akin, ngunit bigla na laman siyang napatayo sabay ayos ng jacket niya.

Dumikit ang tingin ko sa necktie niya, maliban sa tabingi ito, ay hindi rim tama ang pagkakatali nito. Ganyan rin necktie niya nang una kaming magkita ulit dito sa loob ng opisina niya.

The Ex-Girlfriend's RevengeDär berättelser lever. Upptäck nu