Chapter 6:

119 18 2
                                    

Kirsten's POV:

*9 Years Ago*

"Hindi mo ba nakikita? Ginagamit pa ng squad namin ang basketball court?", hila ko kay Pearce palayo sa mga kaklase namin, kasi ayokong magsagutan kami sa harap nila.

Baka gawin na namin kaming center of chismis.

"Ano ngayon? Aren't you being too frivolous right now? Ang laki ng basketball court, what's wrong with sharing it with my team? At isa pa, basketball court nga diba? Mas may karapatan kami gamitin 'to.", mutawi niya at ipinaskil pa 'yong dala-dalang bola sa noo ko.

Hinampas ko naman ito, muntik niya nang mabitawan.

"Wala akong pake, nauna kami dito. Nag-iisip ka ba? Nagpra-practice kami ng sayaw tapos maglalaro kayo? Pa'no kung matamaan kami ng bola?", pahayag ko.

He shrugged pagkatapos niya mag-make face sa harap ko.

"Wala rin akong pake. It's either you guys leave, or share it with us.", matigas niyang deklara.

Kumulo talaga dugo ko ng bongga. Kasi how does that even makes sense tho? If you play basketball, literal sasakopin nila ang buong court! Saan kami lulugar ng squad ko niyan? Sa bleachers?

Nagpra-practice kami ng squad ko sumayaw para sa isang upcoming event ng University. Umuulan kasi ng malakas so na-stuck kami dito, so we had no choice but to practice here tapos biglang dadating 'tong si Pearce kasama teammates niya para maglaro.

Nabwi-bwis*t talaga ako!

"Hindi pa ako tapos makipag-usap sayo.", hila ko sa kanya pabalik sa harapan ko nang lagpasan niya ako na may kasama pang pagbundol sa balikat ko.

"Well, tapos na ako.", mataray na sagot nito sa akin, kalalaking tao sana.

Tuluyan na nga niya akong iniwan. Binalikan niya ang teammates niya, nag-usap sila saglit bago nila simulan ang maglaro.

Napaatras naman kami ng squad ko, sa takot na baka matamaan kami ng bola.

Imbes na mag-practice kami, ang naging ending ay nanood 'tong mga babaeng 'to sa laro tapos may pa-cheer pang nalalaman.

"Bukas nalang tayo mag-practice ulit. Mukhang hindi natin maso-solo ang court.", deklara ko sa kanila.

"Ikaw ang bahala, uuwi ka na?", tanong ng isa kong kasamahan.

"Oo, kesa magtagal ako dito.", sagot ko at saka napadako ng tingin kay Pearce at sa teammates niya na naglalaro.

"Umuulan ng malakas. Wala kang payong, diba?", paalala niya sa akin.

Napatingin ako sa labas at ang lakas nga ng ulan.

"Bahala na, tatakbuhin ko na lang. Sige na. Una na ako sa inyo!", paalam ko sa kanilang anim, pito kasi kami sa dance squad namin.

Kinawayan lang nila ako, 'yong kalahati pa nga ay walang pake. Focus na focus sa laro.

Napailing na lamang ako at saka kinuha 'yong backpack ko.

Naglakad ako patungo sa labasan ng court, at napahinto doon ng saglit.

Maliban sa extra na damit na susuotin ko sana pamalit after ng practice namin ay wala na ibang laman ang backpack ko.

Buti nalang talaga at naiwan ko cellphone ko sa bahay, kundi baka thank you talaga 'yon dahil sa ulan.

Imbes na sa likuran, ay sinabit ko sa aking harap ang backpack ko. Binuksan ko 'yon at isinuksok ang wallet ko sa extrang damit na aking dala-dala para hindi ito mabasa.

The Ex-Girlfriend's RevengeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora