Chapter 18: Help Me

Start from the beginning
                                    

Nasaan ba ako? Bakit siya nandito sa bahay ni Reed?

"Hakdog. Sana kaya pa today?" Sarkastikong sagot niya habang naglalakad patungo sa direksyon ko.

"Bakit ba? Paano ka nakapasok dito eh ako lang may spare key?" Tanong ko ulit. Siguradong ang lalim na ng pagkakakunot ng noo ko sa mga sandaling ito.

"Shunga. Wala ka sa bahay ni Reed. Nasa hospital ka oi." Sambit niya sabay kaltok sa noo ko.

Bahagya akong napa aray dahil sa ginawa niya na ikinatawa lang niya ng bahagya. Abnoy.

Nakasimangot na hinimas ko ang parte kung saan niya ako kinaltukan at doon ko lang nakita ang dextrose na nakakabit sa kanang kamay ko.

"Paano ako napunta dito?" Kunot noo ko pa ring tanong.

Hindi agad sumagot si Cyane dahil abala siya sa pag hahalungkat ng kung anoman sa basket na dala niya.

Nang mahawakan ang mansanas ay nakangiting bumaling siya muli sa akin.

"Nag sleep walking ka." Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwal o hindi kay Cyane dahil sa tingin na ipinupukol niya sa akin. Mukha siyang seryoso na ewan. Parang inosente na kailangan mong paniwalaan dahil kapag hindi ay bigla nalang iiyak at magsusumbong sa bipolar niyang asawa.

Kidding.

"Seryoso kasi, Cyane." I impatiently uttered. Napaka abnoy kahit kailan. Kahit kailangan maging seryoso nagagawa niya talagang isingit mga kaabnormalan niya sa mundo.

"Tinatawagan ka namin noong isang gabi dahil hindi ka na sumasagot sa messages ko. Amaya got worried and hindi siya mapapalagay kaya napa biyahe kami papunta dito sa Pampanga para puntahan ka. At tama ang kaba ni Amaya dahil natagpuan ka naming walang malay sa bahay ni Reed. Isang buong araw kang tulog kahapon. Doctor said it's due to high fever, stress, and fatigue." Litanya niya habang nagbabalat ng mansanas.

Nagtaka pa ako dahil may kutsilyo siya sa bulsa. Abnoy talaga.

"Isang buong araw akong walang malay?" Pag uulit ko. Baka kasi mali ang narinig ko diba, mag assume na naman ako. Ang sakit kaya mag assume tapos ang ending, waley.

"Oo nga, kakasabi ko lang. Paulit ulit?" Taas ang isang kilay na sagot niya matapos itigil ang pagbabalat ng mansanas.

"Sorry na, bingi ka lang talaga." Ganti ko.

Gusto kong matawa dahil mas tumaas pa ang kilay niya pero hindi ko nalang ginawa. May hawak siyang kutsilyo, baka bigla nalang niya yan itarak sa noo ko. Hindi pa po ako ready makipag kamay sa chicken joy ni St. Peter.

"Pasalamat ka hindi ako pumapatol sa mga may sakit." Bulong na angil niya na ikinatawa ko ng bahagya.

"Tama. May sakit ako. Ang sakit ng puso ko, Cyane." Alam kong walang halong biro ang sinabi ko. Ang sakit naman kasi talaga.

Kumikirot siya mga kapatid. Pati nga mga egg cells sa ovary ko umiiyak dahil na broken din sila. Na-orient ko na kasi sila na si Reed ang magiging Mommy nila. Pero hindi na yata mangyayari.

Mga egg cells ni Mommy Chance, sorry ah. Sorry kasi ibang cell yata ang nais ni ex-Mommy Reed. Pero wag kayong mag alala, makakalabas din kayo sa ovary ko. Tiwala lang!

Triple heart break. Para sa akin bilang manliligaw, para sa mga anak kong hindi pa naman nabubuo, at para sa pagkakaibigan namin.

Mapapa kanta ka nalang ng it really hurts habang kumekembot at nakanguso with matching turo ng baril sa sentido. Hays.

Take a Chance (GxG)Where stories live. Discover now