Chapter 18: Help Me

2.6K 131 47
                                    

A/N: Wag kayong magdabog 🥺 Char. Dabog well. HAHAHAHA

----

Chance

White ceiling welcomed my sight as soon as I open my eyes.

Sandali akong natulala sa puting kisame at pinakiramdaman ang sarili.

Nasaan ako?

Ang huling natatandaan ko lang ay nasa Pampanga ako, sa property ni Reed. May binabasa akong record. Medical records to be exact. Pero kakatwang punit ang bahagi kung saan dapat nakalagay ang pangalan ng kung sino mang may ari ng mga records na iyon. Ang ibang bahagi ay may kaskas na marka. Tila ba sinadyang burahin upang hindi malaman ng kung sino kung kanino ang mga yon.

But I found them inside Reed's house. Is it safe to assume that it's hers?

What? Is Reed pregnant? Kanino? Ayon ba yung babe niya? Kaya ba hindi niya masabi kasi ganoon kabigat ang problema niya?

Ang sakit. Punyeta, para akong pinag lalaruan ng tadhana. Kung totoo mang kay Reed yon, ano pang magagawa ko? Bata na yon eh. Buhay na nilalang sa sinapupunan niya. Wala na, talo na ako.

Pero sana sinabi niya. Sana sinabihan niya ako. Sana pinatigil niya ako. Dahil nandito na ako sa point kung saan hindi ko na kayang tumigil. Hindi ko na kayang tumalikod.

Naka set na kasi ang utak at puso ko papunta sa direksyon niya eh. Wala na daw U-turn, wala nang atrasan. Pero pano naman kung ibang direksyon pala ang tinatahak niya at hindi ang direksyon papunta sa akin?

Wala. Wala akong magagawa kung hindi ang tumanggap.

Mahirap siyempre. I've been loving Reed since we're kids. I'm loving her everyday. Stopping this will be impossible. Magmamadre nalang siguro ako.

Wala na eh. Talo na ako. Talong talo na kahit anong laban pa ang gawin ko. And I'm not a fool to try and win a fight that I know in the end, I'll end up at the losing side. Kung noon mataas pa ang confidence ko na balang araw kung hindi man masuklian ng buo ay maibabalik din ni Reed ang feelings ko. Kahit kaonti magiging masaya na ako doon.

But we ended up like this. I ended up defeated. Worst is I don't even know what's really going on. All I know right now is Reed chose to run away with whomever is the father of her child. Leaving me rather, leaving us questioning where she is and why did she chose to lie and hide everything to us.

The fuck. I don't even know what the hell I am feeling right now. Naghalo halo na. Mahal ko siya, mahal na mahal ko pa rin siya. Pero ang pakiramdam na parang trinaydor niya kami, ako, ay unti unting lumalago sa loob ng aking puso. And I hate that. I don't want to think that Reed betrayed me.

She can't do that. She will never do that. She's still our bestfriend, isang kapatid. And I fucking hate myself for thinking that she's setting us aside.

Kahit gaano katagal, I'll wait for her explanation. But for now, I think I need to fix myself first. Pakiramdam ko nauubos ako sa mga nangyari at patuloy na nangyayari.

I want to cry. To shed all the tears I have buy my body's not cooperating.

Alam mo yung pakiramdam na naiiyak ka pero ayaw naman lumabas ng luha mo? Ganun ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Punong puno akong what ifs, whys, and how.

Tupang ina.

"You're awake. Thank God." Mula sa pagkakatitig sa kisame ay napabaling ang paningin ko sa direksyon ng bumukas na pinto.

Cyane, holding a basket of assorted fruits, stood there with a relieved expression.

"Ha?" Wala sa sariling tanong ko.

Take a Chance (GxG)Where stories live. Discover now