Chapter 5: Revelation.

Start from the beginning
                                    

Umigting ang tenga ko dahil sa narinig.

"A-aray p-po.."

"You deserve this! Magnanakaw ka!"

"Hindi ako magnanakaw!"

"Magnanakaw ka!" sabay ng apat.

"S-sa Mama ko 'yan! Nakuha ko 'yan no'ng nasagasaan siya ng kotse!"

Biglang tumigil ang paligid. Naramdaman ko din ang pagluwang ng kamay ng Madrasta sa likod ko. Malakas niya 'kong tinulak na ikina-upo ko sa sahig.

"Sa 'yo po ba ang diamanteng 'yan?!" naiiyak na tanong ko sa kanya habang sapo ang buhok.

"Yes? Bakit?!" mataray pa din siya.

"S-so.. I-ikaw ang pumatay sa.. M-mama ko?! I-ikaw ang.. Ikaw ang bumangga sa kanya?" tinayo ko ang sarili at sinugod siya, "Wala kang Awa!" pero nahawakan ako ng apat.

Hinarap nila ako sa madrasta at ito ay sumampal sa 'kin. Direktang umikot sa kanan ang paningin ko.

"Tanga!" sinampal niya ulit ako, "Oo! Ako ang pumatay sa Mama mo! Because your Mother doesn't deserve your father! Mga bwisit kayo!" sinampal na naman ako, "Pinatay ko siya dahil buntis ako no'n kay Ella! Nabuntis ako ng Tatay mo! At alam mo bang niloko niya ako? Niloko niya ako! Nawalay siya ng labing isang taon sa buhay ng anak naming si Ella dahil sabi niya magtatrabaho daw siya, pero nalaman kong may anak din pala siya sa iba!" biglang siya tumawa ng malakas. Pero saglit lang ay huminto siya at sinampal ako, "Pinatay ko ang Mama mo! Hahahahahaha!" tawang mala-demonyo, "Masakit ba sa bahagi mo na ako ang pumatay sa Mama mo? Hahahahaha! Magsama kayo!"

Ang bagal promoseso sa utak ko ang lahat ng sinabi ng Madrasta sa akin. Nanghina agad ang tuhod ko nang tumatak na sa isipan ko na siya ang pumatay sa magulang ko. Ang sakit. Ang sakit sakit. Hindi ako makapaniwala na sa loob ng anim na taong pagtatanong na kung sino ang pumatay sa Mama ko, ay kasama ko lang pala.

Bakit? Wala namang kasalanan si Mama ah? Bakit siya pa ang pinatay niya? Mahal ko si Mama at hindi ako halos makatulog no'n sa kakaisip na ako na lang mag-isa sa kwarto dahil wala pa si Papa no'n. Ako na lang mag-isa ang bumabangon sa sarili ko at nagpapakain. Ako na lang mag-isa ang humaharap sa lamesa para kumain, at sa tv para manood ng programa. Bago bumalik si Papa sa akin, ako lang mag-isa sa bahay. At walang hupa ang pag-iyak ko. Hindi tumitila. Pero no'ng bumalik na si Papa, nag-iba naman ang ihip ng buhay ko. Naging alila at kawawa. Ang sakit. Nararamdaman ko na parang may nakabarang kahoy sa lalamunan ko dahil sa sakit na nadarama. Hindi ko na kaya.

Nabalik ako sa sarili nang malaman kong inangat ng madrasta ang plantsa mula sa kabayo at aktong isasampal sa akin.

"Wag poooooo!"

"CINDERELLA!"

Pagdilat ko sa mata, nakita ko si..

"Papa!" swerteng nakawala ako sa mga kamay ng apat. Mabilis akong tumakbo kay Papa at yinakap siya ng mahigpit. Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa bugso ng damdamin. Muntik na masira ang mukha ko. Hindi. Ayoko.

"Anong ginawa nila sa 'yo?!" gulat ang tono ng pananalita ni Papa na may halong pag-aalala, "Anong ginawa niyo sa anak ko?!"

"Hindi namin sinasadya, Virgilio!"

"Hindi sinasadya?! Baka nga kung hindi ako nakadating, nasunog na ng plantsa ang mukha ng Anak ko!"

"P-papa.. S-siya ang pumatay kay Mama.. S-sinabi na niya sa.. A-akin. Ayoko na po dito!" kumawala ako sa yakap ni Papa at iniwan siyang gulat doon. Tumakbo ako palabas. Muntik pa 'kong matumba dahil sa dami ng maletang nakaparada sa labas.

Hindi ko alam kung nasaan na ako. Wala akong pakialam sa paligid kung sa'n man ako mapadpad. Takbo lang ako nang takbo. Umiiyak.. Hindi makapaniwala. Siya! Siya ang pumatay kay Mama!

Napahinto ako sa pagtakbo. Nalaman ko nalang na nasa loob na pala ako ng yakap ng isang matangkad na lalaki.

"Okay ka lang, Cinderella?"

"P-prince.."

Mas hinigpitan niya ang pagyakap sa akin.

"Okay ka lang?"

"Oo."

"Hindi. Hindi ka okay."

Idinikit niya ako sa pader habang yakap pa din. Nakasubsob ang mukha ko sa leeg niya. Teka? Ba't ang init niya?

"M-may sakit ka.. B-ba?"

"May problema ka ba?"

"Hindi. S-sagotin mo muna 'yong tanong ko. May lagnat ka."

"Oo, pero wag mo nang intindihin 'yan, Cinderella. Mawawala din 'yan dahil andito ka na."

"Anong ibig mong sabihin?"

Lumuwang ang yakap niya kaya hinarap ko siya. Naglabas naman siya ng kwentas mula sa bulsa. Parang pamilyar sa 'kin ang kwentas.

"Di ba.. Sa 'yo 'to, Ella?"

Pa'no niya nalamang ako si Ella?

Umiling ako, "H-hind-"

"Bawal ang magsinungaling, Ella ay este.. Cinderella. Alam kung sa 'yo 'to."

"Paano mo nalaman na ako si Ella?"

"Nahulog 'to noong hinabol kita sa palasyo. Hindi ko nga alam kung bakit hinabol pa kita pero ang alam ko, papangit ang gabing 'yon kung hindi ka babalik. Kaya ayon.. Dalawang araw akong nagkasakit. Hindi talaga ako masaya at interesado na makipagkilala sa iba't-ibang mukha ng babae sa Ball. Hinintay ko kasi ang pagdating mo."

"T-teka.."

Sinuot niya sa 'kin ang kwentas, "Kilala kita, Cinderella. At sa mga mata mo, nalaman kong ikaw si Cinderella no'ng gabing nagpakilala ka sa 'kin bilang Ella. Kaya kinabukasan, sinundan kita sa palengke."

"Ginawa mo 'yon?"

Ngumiti siya sa 'kin saka tumango. Naramdaman ko tuloy na nag-init ang mga pisngi ko kaya tumingin ako sa sahig para 'di niya makita ang pamumula ko.

"Mahal kita." sabi niya, "Mahal kita hindi dahil nakilala kita sa Ball, kundi dahil nahulog na ang puso ko sa 'yo noong araw na nagkatutukan tayo ng mata sa bahay niyo." butterflies flew in my tummy, "Mahal kita, Cinderella. Mahal kita kahit sino ka man."

"Prince.."

"Ikaw ang babaeng hinahanap ng Dad ko. Ang babaeng makakasama ko buong buhay. At ang babaeng magiging asawa ko sa takdang panahon."

Napatingin ako sa nagniningningan niyang mga mata. Iba-iba ang emosyon ko ngayon. Masaya, Malungkot, gulat, pero isa lang ang alam ko. Umiiyak ako.

"Cinderella." hinawakan niya ang dalawa kong kamay, "Mahal mo din ba ako?"

Mas humagulgol ako ng iyak sa tanong ni Prince. Gwapo siya at matangkad. Mayaman. Artistahin at matipuno. Crush ko siya at noong nagkita kami sa may harden, mahal ko na din siya.

Kahit umiiyak, ngumiti ako. Tumango ako at dahan-dahang sinabi ang limang salita na alam ko, ito'y magpapasaya sa kanya.

"Oo, Prince. Mahal din kita."

The End~

*****

MAY EPILOGUE PA PO ^•^

When Cinderella Never Left Her Shoe (COMPLETED) #JustWriteItWhere stories live. Discover now