"Saka na kapag may isang taon na kami." Wika ko.

Parehong nanlaki ang kanilang mga mata.

"Ang boring mo Myrna ah!"

"Hay naku!"

Napanguso lang ako at hindi pinansin ang pagrereklamo nilang wala pa kaming kissing-scene daw ni Noli. Teka ano bang ibig sabihin ng kissing-scene? Iyon ba yung parang nasa TV? Yung—laplapan?!

"Naaaay! Ayoko ng ganon! Mauubos ang labi ko!" Bulalas ko ng kinagulat ng dalawang kaibigan ko.

"Anyare Myrna? At anong pinagsasabi mong mauubos ang labi mo?" Nagtatakang tanong ni Wilma habang kunot-noong nakatingin sa akin.

Si Almira bahagyang natawa. Inakbayan pa nito si Wilma.

"Bes, Si Myrna, Nagiimagine." Nakangising sabi nito sa babae. Nilingon siya nito habang nakanganga.

Mayamaya ay ibinaling sa akin ang tingin ni Wilma.

"Punyeta Myrna! Totoong nagiimagine ka? Anong iniimagine mo? Naglalaplapan kayo ni Noli?" Nakalabing sambit na iyon ni Wilma.

Pinamulahan na naman ako ng mukha.

"Ay gaga!" Sambulat pa ni Wilma ng makumpirma. Si Almira naman ay tawa ng tawa habang ako hiyang-hiyang nakayuko!

"Yaan mo na Wilma Bes, Minsan lang magkaroon ng magandang senaryo ang kaibigan natin sa pagiisip. Suportahan nalang natin siya." Nakatawang sabing iyon uli ni Almira.

Napailing naman si Wilma.

Nagkwentuhan pa kami ng kung ano-ano. Minsan ay napaguusapan namin ang tungkol sa paghinto namin sa pagaaral sa kolehiyo. Nakakapanghinayang man pero iniisip pa ding namin makakapasok pa din kami ng kolehiyo.

Si Loklok. Madalas ng kasama nila Denver at Mark at si Aries na kakabalik galing sa Ilocos. Kaibigan din nila. Tulad ng ibang lalaki. Maloko din ang isa. Madalas ang mga ito sa karayan. Kung minsan naman ay sa basketbolan.

"Uuwi na ako. Magluluto pa ako ng hapunan namin." Paalam ko sa dalawa.

"Ako din. Baka hinahanap na din ako sa bahay." Wika din ni Wilma.

"Sige, Bukas nalang uli." Ani Almira.

Sabay na kaming lumabas ng bakuran nila Almira at saka naghiwalay ng nasa daan na kami.

•••

Kinabukasan, Araw ng Sabado.

"Mahal?"

"Bakit hindi mo ako pinapansin?"

"Uy Mahal, Kanina pa ako dito oh,"

"Mahaaaaaal."

"Pwede ba Noli! Ang ingay-ingay mo naman eh! Kitang naglalaba yung tao eh!" Singhal ko sa magsasaka. Kanina pa kasi niya ako binubuliglig!

Tanong ng tanong kung bakit raw hindi ko siya pinapansin!

Hindi ba pwedeng nagpopokus lang ako sa paglalaba ko para matapos na? Ang dami kasi. Karamihan roon ay mga damit ng makukulit kong kapatid lalo na si Marlon. Ang dami niyang maruruming damit. Tapos iyong mga puti niyang damit puro mantsa ng tsokolate. Siguro ay nagkakain na naman ng chooey choco tapos kapag nabahiran ang kamay saka ipupunas sa damit.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now