CHAPTER 33

773 32 0
                                    

Matagal bago ako nakakuha ng sagot sa kanya, huminto na din ang pag-iyak ko pero hindi ko pa din matanggap na nangyari ulit to sakin. Magaling na naman ako eh magaling na ako, nakakaalala na ako ng mga nangyari noon saakin at hindi na kailangang maranasan ko to ulit!

"A-ano ang nagtrigger sayo Namarih? Ang sabi ng nurse parte pa din ng amnesia ang nangyari sayo kanina."

Napahinto ako sa sinabi niya, pinilit kong huwag masyadong isipin ang nangyari kanina dahil ayukong sumakit pa ang ulo ko. Umiling ako sa kanya na ikinabagsak ng mukha niya. Patawad Mark pero hindi ko gustong sabihin sayo sapat na na alam mo ang kondisyon ko.

Isa sa dahilan kong bakit ako lumipat ng university ay dahil palaging sumasakit ang ulo ko sa former school ko, nagwawala ako at hanggang sa nakakasakit na ako ng ibang tao. Sa dati kong school palagi akong may naaalala na sobrang labo palagi akong nakakarinig ng boses na hindi ko alam kong nasaan galing gusto ko mang pigilan pero parang sinasabi din ng isip ko na hayaan ko dahil kasama yun sa pagkatao ko, may mga araw na hindi yun nangyayari saakin pero may mga araw talaga na nararanasan ko yun sa dati kong school. Sa una, hinayaan ko dahil sabi ko siguro part yun ng paggaling ko pero ng sa huli tumuloy-tuloy na yun at dumating sa punto na nahihirapan na ako. At kanina nalang ulit nangyari ang ganong pangyayari kung saan sobrang sakit ng ulo ko siguro kong hindi ako naalis ni Mark doon at narinig ko pa ang boses niya magwawala na ako.

Magpapasalamat ako dahil natanggal sa utak ko ang boses ng taong yun, ayaw ko na siyang marinig o makita pa. Hindi ko siya kilala at higit sa lahat hindi siya parte ng buhay ko.
Naguguluhan ako sa lahat at nahihirapan akong sabihin kung ano talaga ang pinupunto ng mga nangyayari saakin, para akong sinusundan ng nakaraan ko, nakaraan na hindi ko magawang alalahanin sa lahat.

"Sir, pwede nyo na pong iuwi yung pasyente, give her some time to rest." maya-maya ay rinig kong salita ng nurse. Pinilit kong ngumiti sa kanya ng tumango at magpasalamat si Mark.

"C'mon let's go home, ihahatid na kita." bakas sa boses niya ang lungkot habang inaalalayan akong tumayo.

"P-pero may pasok pa tayo.."

"Narinig mo yung sabi ng nurse? Kelangan mo ng oras para magpahinga."

Tumango nalang ako sa kanya dahil wala akong ganang magsalita, pakiramdam ko ang lungkot lungkot ko tapos pakiramdam ko ang hina hina ko, parang hinigop ng taong yun kanina Ang lahat ng lakas ko. Kung sino man siya sisikapin kong hindi na ulit magtatagpo ang landas namin, gusto kong patunayan sa sarili ko na magaling na ako at hindi na parte ng amnesia ang nangyari saakin, magaling na ako bago pa ako lumipat dito.

Siya na ang bumitbit ng bag ko at inaalalayan niya ako palabas ng clinic, nakahawak siya sa bewang ko habang naglalakad kami, ramdam ko ang ingat niya saakin kaya pinilit ko ang ngumiti bago siya hinarap.

"Thank you ah!" pilit ko ang sigla sa boses ko.

Nagulat ata siya dahil bigla pa siyang napatalon. "W-what?"

Napangiti ako. "Thank you sabi ko." malambing kong saad sa kanya na ikinangiti niya.

"As I said, I'll be with you forever. Even you hide so many things to me, I'll stay." tumango ako sa kanya. Ang swerte ko dahil naging kaibigan ko siya. Pangako, darating ang oras na masasabi ko na lahat sa kanya kahit pa ang pinakatatago kong sekreto sa buhay ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa gate, magtatanong na sana ako sa kanya kung papayagan ba kami ng guard pero nahuli ko siyang nakatingin ng diretso saakin.

"Mark bakit?" takang tanong ko.

Umiling siya. "Wala, wag mo lang walain yung tiwala mo saakin palagi." huling saad niya bago ginulo ang buhok ko.

Last Section Innocent DemonTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang