CHAPTER 6

994 44 10
                                    


Palihim akong napakagat sa labi ko tsaka tumingin sa kanya.

"So that's why, when you call his name he immediately run into you and help you without thinking that Sen might be mad at him, I don't know too, nagtaka din ako sa nangyari. I think he knows that I give you food." Mahabang saad niya. Napayuko naman ako.

Nasigawan ko pa sya kanina, kung Hindi dahil sa kanya baka tuluyan na akong nabilaukan at napatay.

"I'm sorry Geo akala ko kasi eh ikaw yun, ayaw naman kasi sakin ng mga kaklase mo at ikaw lang—"

Agad akong naputol sa sasabihin ng bigla siyang magsalita.

"If you're thinking that i like you kaya kita binigyan ng pagkain then your wrong, like them? I don't like you too." Sabi niya tsaka binuksan ang pintuan pero bago pa sya makalabas ay may sinabi pa siya.

"And don't ever think again that I'm Paulo cause i already told you i will never be Paulo. Thank him for saving you." Huling sinabi niya tsaka iniwan na ako.

Nanlumo ako sa narinig ko, akala ko gusto niya ako kasi mabait siya sakin na gusto niya akong maging friend hindi gaya nina Drey at sen tsaka nung iba pa na ayaw sakin.

Napatampal naman ako sa noo ko.

"Si Paulo pala ay si Mr.Dejas na nabigay sakin ng tubig." Pagpapaliwanag ko sa sarili ko, buti nalang ako lang mag isa dito ngayon. "Tapos ang inakala kong si Paulo ay si Geo!" Napangiwi naman ako.

"Hahaysstt ang gulo talaga ng buhay ko." Napailing kong saad at pinilit na tumayo.

Pasasalamatan ko nalang si Paulo kapag nagkita kami ulit sa susunod, sa ngayon uuwi nalang muna ako. 2pm na din naman at hindi na ako babalik dito bukas, takot na ako at baka sa susunod gilitan na ako ng leeg lalo na ni Drey.

Napangiwi ako ng makaramdan ng kirot sa braso at likod ko.

"Siguro bukas abangan ko sa gate si Geo para ibalik yung baunan kasabay ng Tumblr ni Paulo at sulat ng pag t-thank you ko sa kanya." Mahinang bulong ko sa sarili.

Napabuga naman ako ng hangin ng makatayo ako ng maayos, agad kong sinuot ang bag ko at lumabas na sa clinic.

Marahan akong naglakad sa hallway patungong gate, pakikiusapan ko nalang yung Guard. Gusto ko sanang makita pa si Geo kaso mukhang umalis na siya at bumalik dun sa mga unggoy na kaklase niya.

Napanguso ako. Pagnakita ko sila sa susunod ipapatuklaw ko sila sa alaga ko.

Napahagikhik naman ako, sigurado matatakot sila lalo na si Thea. Mwhehehe.

Nang nakarating ako sa Guard ay mahaba haba pang pakiusap ang sinabi ko bago niya ako pinalabas ng tuluyan, syempre ginamitan ko siya ng charms ko.

Agad akong nag abang ng tricycle at ng may huminto ay agad akong sumakay dito at nagpahatid sa bahay, makalipas ang mga 20minutes ay nakarating na ako. Hindi pa nga makapaniwala ang driver ng dito ako nagpahatid eh akala niya siguro binudol ko siya na hindi ko bahay to.

Siguradong wala pang tao dito dahil nasa trabaho pa silang lahat. Napangiti naman ako at pumasok na sa loob ng bahay namin.

Simple lang naman ang bahay namin mga limang buong plaza lang kung pagtatabihin ang laki.

Agad akong nanakbo papunta sa isang silid na nilock ko at hindi na ininda ang sakit sa katawan ko.

"Petonn?!" Agad kong tawag ng nakapasok ako sa kwarto at hinalughog ang mga kumot na nakakalat sa sahig.

Hinalughog ko ito ng hinalughog hanggang sa makita ang hanap ko.

"Ahah! Andito kalang pala ah!" Napapakagikhik na sabi ko.

Last Section Innocent DemonWhere stories live. Discover now