CHAPTER 18

820 38 1
                                    


Ng nakapasok kami sa room ay tumigil sila sa kanya kanyang ingay at ginagawa nila. Doon ko napansin ang babaeng nakalingkis kay Sen. No other than Thea.

"Look bro, multo na ata nila yan!" 

"Ohh, am i dreaming?"

"HAHAHAHHAHAA ang aga naman nilang magmulto!"

Rinig kong mga sinabi nila. Ako at si Mark ay tinatago ang pagtataka sa mukha. Multo?

"Pre..." tawag nung katabi ni Duke sa kanya. "Ginahasa siguro si Namarih, kaya ganyan yung suot. Infairness pre....may shape!" Nakatayo lang kami sa harapan nila habang patuloy sila pagsasalita.

"Anong multo ang pinagsasabi niyo?" Hindi ko napigilang itanong.

Pero imbes na sumagot sila ay nagtawanan lang silang lahat, namuo ang munting galit sa dibdib ko. Hindi ba sila marunong sumagot? Pero ilang sandali lang ay natigil sila ng biglang magsalita si Sen.

"Duke... akala ko ba may ipagmamalaki ka." natahimik bigla ang lahat.

Tumayo si Duke sa kinauupuan niya. "Ano Sen??" Tanong nito.

"Wala kang kwenta." napasinghap ako sa biglaang sinabi ni Sen. Maging ang iba ay nabigla din.

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Sen pero ng binaba ko ang tingin ko ay nakita ko ding kumuyom ang mga kamao ni Mark.

"They're not even affected!" sigaw nito.

"Tangina!"

"So hindi gumana?!"

Napaatras ako ng bigla silang sumeryuso lahat. Pero ang ikinagulat ko ang biglang paghatak sa akin ni Thea Mula sa likod ni Mark. Huhu, kailan pa siya nakatayo.

Napadaing ako ng isandal niya ako sa blackboard. Akmang kukunin na ako ni Mark pero sinenyasahan ko siya na huwag sa pamamagitan ng pag-iling.

"How dare you?!" kasunod nito ang isang malutong na sampal.

Huhu, ang sakit. Agad na pumunta si Mark sa harap ko pero itinulak ko siya.

"Namarih!" saway niya sa akin ng tumama siya sa upuan ng isa naming kaklase.

Oopss! Hehe malalakas 'ata pagtulak ko.

Lumipat ang tingin ko kay Thea, hindi ko iniinda ang medyo mahapding pisnge ko."Ohh, andito kana pala?" Nakangiting banggit ko.

"How dare you!" muling sambit na naman niya.

Gusto kong mapakamot sa ulo ko dahil ilang 'how dare you' niya na ba yan?

"You think hindi ko alam na yung ginawa niyong dalawa?!" umalingawngaw sa loob ng room ang boses niya.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, yung dahan-dahang tingin na may halong pangungutya, ilang beses ko pa yung inulit bago tuluyang huminto ang tingin ko sa mukha niya, bakas ang irita doon. "Bakit ka naka jogging pants? May kati ba yung legs mo?" saad ko.

"You....." tinuro niya ako. "I'm sure you'll regret what you did to me! To us!" napangiwi na ako.

Grabe naman kasi yung boses niya eh, pakiramdam ko magsisiliparan lahat ng uwak na meron sa room kung meron man.

"Bakit ko naman pagsisisihan ang ginawa ko eh ginusto ko nga eh."

"So ikaw nga ang may gawa samin 'nun! Putanginamo!" hindi ko pinansin ang kung sino mang nagsabi nun.

Napasulyap ako kay Sen na sa akin din nakatingin. Hala! hindi ba niya pipigilan 'tong girlpren niya? Akala mo naman din ikukulong ako ng ilang taon sa bodega kung makatingin.

Last Section Innocent DemonWhere stories live. Discover now