CHAPTER 24

794 47 6
                                    

Ilang beses akong napakamot sa ulo ko bago binasa ng paulit-ulit ang nakasulat, bakit naman kaya magpapa activity si Sir sa rooftop?

Nag isip ako ng pweding dahilan at dahil busy akong tao ay wala akong may maisip kung kayat inihakbang ko nalang ang magaganda kong mga paa patungo sa rooftop pero hindi pa ako nakailang hakbang ay biglang pumasok sa isip ko ang text ni Geo na huwag daw akong pumunta sa rooftop.

"Pero ano namang konekk nun sa activity ni Sir, diba?" alanganing tanong ko sa malamig na simoy ng hangin.

Mwehehe, wala ngang konekk. Mabilis akong naglakad patungong rooftop, pero habang naglalakad ako ay may bigla akong naisip na dahilan kaya nagpa activity si Sir sa rooftop.
Tumango tango ako, bat kasi ngayon ko lang naisip yun? Hays.

Wala sigurong pera si Sir kaya sa rooftop siya ngayon magpapakain, kasi baka palibutan siya ng mga kapwa niyang teacher at coke at tasty bread lang pala yung handa niya. Napailing ako, oo, ang naisip kong dahilan ay birthday ni Sir ngayon.
Naalala ko tuloy ang teacher ko nung nasa elementary ako ganyan din yung ginawa niya eh kasi daw wala siyang pera.

"Ikaw si Namarih diba?" napatigil ako sa paglalakad ng may humarang sa daanan ko.

Abah! Walang sinuman ang pwedeng humarang-harang sa daanan ko! Ako ang hari dito! Jk.

Ngumiti ako ng matamis. "Opo, bakit po?"

Bahagya pa siyang ngumiwi, maganda naman siya kaso buhok niya ay green. "May nagpapabigay nito oh." sabay abot niya saakin ng isang papel.

Naks! Mala sinaunang panahon tayo ah, ang pag-iibigan ay dinadaan sa sulatan.

"Kanino to galing Miss?" tanong ko bago kinuha ang sulat.

"Uhm, I don't know inabot lang sakin eh, btw I'm Clarence." sagot niya bago inilahad ang kamay niya sa harapan ko.

Pinakpak ko ang kamay ko bago inihipan at iniabot sa kamay niya. "Hehe, ang ganda naman ng pangalan mo pero bakit green ang buhok mo?
naitanong ko sa kanya habang nagkakamayan kaming dalawa.

"Oh, you don't need to know, bye." at agad na siyang umalis.

"Eh?" kamot sa ulong sinundan ko siya ng tingin.

Sana all estitik manamit. :-)

Bago ko pa man makalimutan ay  ibinalik ko na ang atensyon ko sa papel na binigay nung Clarence saakin.

"Love letter to siguro." usal ko habang binubuklat ang mga nakatuping pahina.

Napaikot ko tuloy ang mata ko dahil napapansin kong medyo nagiging makata na ako, sana hindi ko to madala sa birthday ni Sir mamaya kasi baka Sabihin niyang ako ang nawawalang anak ni Jose Rizal.

Nag mabuklat ko na ang papel ay agad ko itong binasa.

    "It's nice to see you again."

                                -B

Yan ang nakalagay sa sulat.

Sino kaya yung nagbigay nito? Tsaka anong nice to see you again? Nagkita na ba kami? Nahiya pa siyang doblehin ang B ah baka naman kasi Berto ang kanyang name.

Saktong may lumang upuan sa gilid ko kaya mabilis akong umupo doon at kumuha ng ballpen sa bag. Bibilisan ko kasi baka maubusan ako ng pagkain ni Sir. Malakas talaga ang aking hinuha na ngayon ay kanyang kaarawan.

    Hello po, sino po kayo? Nagkita na po ba tayo? Message niyo nalang po ako sa pesbok ko "Namarih kjskjskjs".

Last Section Innocent DemonWhere stories live. Discover now