Chapter 18

2K 89 4
                                    

𝙎𝙞𝙖

"Hi mga babies ko! Good morning!" Masayang bati ko sa t'yan kong medyo maumbok na. One month na silang dalawa! Ang bilis! Tumayo na ako sa higaan ko. Napatingin ako sa pwesto ni Kendra na mahimbinf parin natutulog.

Nagluto ako adobong sitaw at apat na itlog. Tuwing isang linggo kasi ay dumadalaw dito si Andrew at may dalang mga pagkain. Minsan nga naaawa ako kasi ang layo ng capiz sa maynila. Ilang oras s'yang nakaupo at bibyahe para lang magdala ng pagkain dito.

Dibale balang araw makakaganti ako sa kabutihan n'ya.

"Ate!"

"Nandito sa kusina!" Sigaw ko. Isa pa 'tong si Kendra. Iiyak kapag wala ako sa tabi n'ya. Nakasanayan na kasi n'ya na tumabi sa akin. Mabango daw ako, amoy baby HAHA.

"Kain na tayo!" Sabi ko. Umupo s'ya sa tabi ko at nagsandok ng pagkain. Hindi nagtagal ay natapos na din kaming kumain. Ako lahi ang naghuhugas ng plato habang s'ya ay naglilinis ng bahay. Minsan tinutulungan ko s'ya pero sabi n'ya, wag na daw kasi baka mapagod ako. Kaya wala akong nagawa.

Lumipas pa ang ilang araw, linggo, at ngayon ay tatlong b'wan na akong nandito sa capiz at tatlong b'wan na din akong buntis. Ang t'yan ko ay medyo lumaki na. Tapos ang sabi ng iba ay tumataba na daw ako. Hindi rin maalis ang paglilihi ko. Minsan si Kendra ang napaglilihian ko, lagi kong kinukurot ang pisngi n'ya. Tapos minsan ang kalalakihan dito ay binibigyan ako ng manggang hilaw pati na ang bagoong.

Magpapacheck up naman ako dito sa pinakalapit nilang clinic at healthy naman daw ako saka sina baby.

Mababait ang mga nakatira dito. Akala ko nga hindi eh, kasi nung una king araw dito ay ilang sila tumingin sa akin.

"Sia, ito oh para sayo!" Sabay bigay ang isamg supot na mangga.

"Salamat dito, Adong."

"Walang anuman Sia." Anya at umalis. Ako naman ay pumasok na sa bahay nahil napapagod na akong maglakad. Nakita ko si Kendra na naglalaro sa cellphone ko.

"Aarghh! Nakakainis ate! Yung laro mo dito ang duga!" Ang tinutukoy n'yang laro ay ang mobile legends. Lagi daw s'yang namamatay, kaya ayun defeat ang grupo n'ya.

"Tigilan mo na 'yan baka lowbat na 'yan."

"Sige po."

************

Tanghali ngayon kaya masarap tumambay sa ilalim ng puno. May duyan do'n na ginawa ni Adong, kaya minsan ay do'n ako nakakatulog.

Pumunta ako sa duyan at saka humiga. Napaisip ako bigla kay Clyde.

Kamusta na kaya s'ya? Siguro sila na ni Samantha. Hmp! Mabulok sana silang dalawa!

Napahawak ako sa t'yan ko.

"Babies sana lumabas na kayo para makita ko na ang cute n'yong mga muka. Saka kung sino ang kamuka n'yo." Mahinang sabi ko sa t'yan ko. Hindi ko alam nakatulog na pala ako at nagising nalang ako ng may pumapatak sa pisngi ko.

Umaambon!

Dali dali akong tumayo sabay hawak sa t'yan ko. Ayaw kong nababasa ang damit ko! Marahan akong tumakbo papunta sa bahay. Pagkapasok ko ay nakita ko si Kendra na natutulog.

Alas sais na pala ng hapon.

Ininit ko ang ulam namin kanina na hindi naubos at pagkatapos ay nagsaing na. Ginising ko na si Kendra dahil kakain na kami.

Habang kumakain ay nagsalita ito.

"Ate bukas pupunta ako sa kaibigan ko sa kabilang baryo, ang tagal na kasi naming hindi nagkikita eh."

"Sige be ingat ka do'n ah!"

Natapos na kaming kumain kaya nagligpit na kami, s'ya naman daw ang naghuhugas ng pinggan kaya ako na ang naglinis ng bahay.

************

Kinabukasan ay umalis na si Kendra. Kaya ako akng mag isa dito sa bahay. Bago ako magligpit ng bahay ay naglakad lakad muna ako. Nakasalubong ko pa si Adong na may dalang manok na patay. Sabi n'ya ay kakatayin daw ito para sa ulam nilang tinola.

Kawawang manok. Napagdiskitahan ng walang kamalay malay ang buhay HAHAHAH.

Malapit na ako sa bahay ng makita kong may awang ito.

Baka kapitbahay namin, may kinuha lang.

Kahit kinakabahan ay nagtukoy pa din ako sa pagpunta sa bahay. Pagpasok ko ay agad kong chineck ang lahat ng bagay. Sa sala ay wala naman kulang. Sa kusina wala. Sa silid tulugan nalang. Kinuha ko muna ang walis tambo namin dahil nakita kong may nakalatag sa sahig na banig.

Dahan dahan akong pumunta sa kwarto namin. Pagpasok ko ay may agad na humigit sa akin. Sisigaw sana ako nang magsalita ito.

"Don't move."

************************

AUTHOR'S NOTE.

Feel ko ang lame ng chapter na 'to. Basta vote and comment nalang kayo. Byeee! Mwwaapps!!



ate_pinya

THE STEPBROTHER OBSESSION [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora