Matagal siya bago sumagot.

"They know that i will protect you at sa oras na yun hindi maiwasang masaktan din nila ako." huminto muna siya sa pagsasalita bago yun itinuloy ulit. "And duke never let that happen, he won't allow someone to hurt me except him.

Napakamot ako sa ilong ko, andami ko pa nga talagang hindi alam tungkol sa kanila at kahit kay Mark, pakiramdam ko tuloy tunay nga akong hindi bagay sa school na ito, napakadami namang isipin eh! Kaya minsan ayuko na mag-aral mag sawa nalang ng arabo. Hi dear! HAHAHA.
Magtatanong pa sana ako sa kanya pero bigla kong naramdaman ang pagbitaw niya sa kamay ko.

"Sht, I'm going to pee!" nagmamadaling saad niya at naramdaman ko nalang na hawak ko na ang bag ko habang nakatingin sa kanya na naghahanap ng kung hindi ako nagkakamali ay cr. Nang makita siya sa di kalayuan ay mabilis niya akong tiningnan.

"Wait me here, iihi lang ako!" hindi ko na magawang sumagot pa sa kanya o kahit tumango man lang dahil mabilis pa kay flash siyang tumakbo papuntang cr. Napakamot ako sa batok ko at napasabunot nalang sa pader na malapit saakin, binabangga bangga ko doon ang likod ko para pampalipas ng oras, hehe magaling na yung pasa ko dyan eh matagal na din nung pareho akong napasaan at nasugatan sa braso dahil kina Drey.

"Tagal niya naman umihi." pagmamaktol ko dahil baka malate kami sa klase at baka makita ko ulit yung mga panget na tauhan daw pala ni Duke, pwede namang grupo yung sabihin ni Mark kanina eh, tauhan pa talaga, para tuloy silang nagtratrabaho. Patuloy ako sa pagbabangga-bangga mg likod ko sa pader ng biglang inagaw ang atensyon ko ng isang malamig na tinig at tunog ng gitara. Napahinto ako.

Naging malikot ang mata ko at hinanap kong saan galing ang tunog at boses na iyon hanggang sa ilang sandali lang ay natagpuan ko ang sarili ko sa gilid ng pintuan sa gilid lang ng pader na sinasandalan ko kanina, hindi ko napansin na nasa tapat na pala kami ng music room.

"But if you like causing trouble up in hotel rooms,
and if you like having secret little rendezvous,
if you like to do the things you know that we shouldn't do,
baby I'm perfect......baby I'm perfect for you...."

Nangilabot ako sa muling pagkarinig ko sa boses at sa kantang yun, p-parehong pamilyar. Kasabay ng pagbigkas ng malamig ngunit magandang boses niya sa liriko ng kanta ay ang pagsabay naman ng pagpitik sa gitara.

"And if you like midnight driving when the windows down,
and if you like going places we can't even pronounce,
if you like to do whatever you've been dreaming about,
Then baby, you're perfect,
Baby, you're perfect......so let's start right now.."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko pagkatapos niyang kantahin ang linyang yun, mabilis akong sumilip sa pinto upang makita ang magmamay-ari ng boses na yun at natagpuan ng mga mata ko ang isang bulto sa unahan na nakatalikod saakin.

Unti-unting nanlabo ang mga mata ko at sumikip ang dibdib ko dahilan para mapahawak ako doon at isang malabong pangyayari ang unti-unting pumasok sa isipan ko.

"I might never be the hand you put your hand in,
Or the arms that hold you anytime you want them....."

Tumulo ang masaganang luha sa mga mata ko. Bakit?!

"But that don't mean that we can't live her in the moment,"

Ang malamyos na tinig na yun ang mas nagpagulo sa sistema ko. Bakit? Bakit pamilyar?

"Cause I can be the one you love from time to time.."

Kasabay ng muling pagpitik ng gitara ang muling pagbuhos ng mga luha sa mata ko.

"I promise I won't tell anyone about what you did!"

"Talaga ba?"

"Oo! Kasi.....kapag sinabi ko na nagcutting tayong dalawa pareho tayong mananagot! HAHAHAHA".

Last Section Innocent DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon