Nakakagulat na marami sa kanila ang kulang pa sa training. Marahil ay hindi talaga nila sineryoso ang mga training noon kaya hirap na hirap sila ngayon.

"Let's go."

Tumayo na ako sa upuan ko nang tapikin ako ni Tom. Mukhang kailangan na naming pumunta sa plane field para sa activity ngayon.

Tahimik na naglalakad ang lahat papunta sa dulo ng training ground ng Military Department. Napakalaki kasi ng A.I.A. kaya hindi na nakakagulat na may malawak na lupain sa likod ng department namin.

Kumbaga nakareserba na talaga ang lugar na 'to para sa ganitong klase ng training. Heh! Iba talaga kapag napakayayaman ng mga may-ari!

"Captain Jerry!"

Napalingon ako sa tumawag sa'kin at doon nakita si Clara na nakangiting naglalakad papunta sa tabi ko.

"Good afternoon, Clara." Bati ko sa kaniya nang makalapit na siya sa'kin.

"Good afternoon!"

"So, bakit mo 'ko tinatawag?"

"Wala naman..." Nag-aalinlangan niya pang sabi na para bang may gusto talaga siyang sabihin.

"Oh talaga ba, Clara? Huwag kang sinungaling dahil nakikita kong kating-kati na yung dila mo na ilabas 'yan." Nakataas-kilay kong sabi na kinatawa niya na lang.

"You see..."

"Hindi ko nakikita."

"Stop joking around with me, Captain Jerry!" Nakasimangot niya nang sabi.

"Then you better stop what you're doing and say what you want to say, 1Lt. Clara!" Panggagaya ko sa tono niya kanina na parang batang nagrereklamo dahil sa binully siya.

"May balita ka na ba kay Lady Heavenhell? Kailan kaya siya babalik?" Tanong niya sa'kin na kinakunot ng noo ko.

"Bakit mo tinatanong? At bakit ako ang tinatanong mo?" Naghihinala kong tanong sa kaniya.

Umiwas siya ng tingin sa'kin kaya hinawakan ko siya sa baba para makita ko ang mukhang niya. Hmm... This girl is suspicious!

"Of course, I'm concerned about Lady Heavenhell that's why I'm asking you, Captain!" Seryoso niyang sabi na kinatango ko na lang.

"Oh, I see! I don't have any news about her. Maybe she'll be back tomorrow." Sabi ko na lang na kinangiti niya na.

"Okay, thanks!"

Hinawakan ko siya sa pisngi at lumapit sa mukha niyang kahina-hinala. Gusto kong mabasa kung ano ang naiisip niya at bigla na lang nagiging wirdo.

"You're suspicious, you-"

"I-I'm not like that!" Nauutal niyang sabi na pinagtaka ko. Anong koneksyon non sa sinabi ko ngayon lang?

"Huh?" Tanong ko sa kaniya na agad niyang kinailing. Mabilis niya ring tinapik ang kamay ko at naglakad na palayo sa'kin.

"B-bye, Captain!" Nagmamadali niyang sabi.

"Where do you think---Arggh!" Hindi ko na natuloy ang paghablot sa kwelyo ni Clara nang may humila sa braso ko.

"What?!" Inis kong tanong kay Captain Wood nang makita na siya pala ang walang hiyang nanghila sa'kin. Hindi ko tuloy naimbestigahan ang wirdong si Clara!

"Stop flirting and focus on your duty." Seryoso niyang sabi bago naglakad na paalis. Ako naman na natulala ay huli nang napagtanto ang ibig niyang sabihin.

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossKde žijí příběhy. Začni objevovat