Kasi naman no? Bihira lang naman talagang magkaroon ng mga malfunction ang main parachute, maliban na lang kung sinadya. Malay mo may galit pala sa'yo yung nag-ayos ng d-bag mo at gusto kang mamatay, kaya sinadya niya 'yon.

Heh! Nakakatakot kung iisipin, diba? Kaya dapat mabait ka lang para iwas sa mga ganitong aksidente!

Napatigil na lang ako sa pag-iimagine nang may humawak sa balikat ko. Tsk! Sino naman kayang istorbo ang bigla-bigla na lang pumuputol sa ginagawa kong solong brainstorming, huh?!

Inis akong lumingon sa humawak sa'kin at nang maging si Tom lang pala ang walang hiya ay sinamaan ko na lang siya ng tingin. Ano na naman kayang kailangan nito at bigla-bigla na lang nanghahawak diyan?

"Problema?" Nakataas-kilay ko pang tanong sa kaniya.

"Anong iniisip mo?"

Napakunot ako ng noo sa narinig. Kailan pa naging sagot sa tanong ko ang tinanong niya?

"Bakit mo naman tinatanong?" Nang-aasar kong tanong na kinangisi niya lang.

"Mukha kang tanga."

Ngingisi na rin sana ako, pero nang mapagtanto ko ang ibig sabihin nung sinabi niya ay agad akong napasimangot. Damn!

"Mas tanga ka kasi..." Putol kong sabi na kinakunot ng noo niya. P-pfft!

"Kasi ano?"

"Ikaw ang iniisip ko. P-ppft! Hahahaha! Aray!" Agad kong reklamo nang batukan niya na naman ako. Hayys! Nakakailang batok na 'tong pusa na 'to sa'kin ahh!

Well, pusa ang tawag ko sa kaniya noong highschool kami dahil takot siya pusa. May trauma kasi siya doon, kaya sa tuwing makakakita siya ng pusa ay tatakbo siya papunta sa'kin. Tsk!

Tignan mo kung gaano kakapal ang mukha nitong lalaking 'to? Ako ang shield niya noon, tapos binabatok-batukan lang ako ngayon?! Hindi makatarungan dapat siyang patayin!

"P-pfft! Baka kapag nalaman niya ang iniisip ko ay ako pa ang mapatay niya. Wala pa naman siyang puso, puro laman at buto lang!"

"Tommy babe, chill ka lang! Hindi ako nag-iisip ng ibang lalaki, kaya huwag ka nang manakit-Aray ahh!" Natatawa kong sabi nang makatanggap na naman ako ng malutong na batok mula sa kaniya.

"Tsk! Mapanakit na nilalang, hindi dapat tinutularan!"

"Tumahimik ka na kung hindi-"

"Ano? Papuputukan mo na naman ako? Ng ano... ng baril kuno sa ulo ko? Hahahaha! P-ppft! Joke lang! Ito naman hindi mabiro." Pigil tawa kong sabi nang makitang sinamaan niya na ako ng tingin. Ang pikunin! Amp!

Hindi na siya nagsalita kaya nagpokus na lang din ako sa mga trainee na nag-uumpisa na sa kanilang training. Inuna nila ang mag-rappel sa wall na may taas na 50 feet o lagpas 15 meters mula sa lupa. Ito ay exercises pa lamang dahil ang tunay na activity ay gagawin sa helicopter.

Kung tama ang pagkakarinig ko kay Wood ay may taas na 100 feet ang rappelling na gagawin ng mga trainees mamaya. My goodness! Mukha lang siyang mababa kung papakinggan, pero kapag nandoon ka na sa helicopter at titingin ka sa baba ay siguradong mahihilo ka sa taas.

Good luck na lang talaga sa mga trainees! Sana lang ay walang takot sa kanila pagdating sa heights. Dahil kung nagkataon ay mapapasabi ka na lang talaga ng, "conquer your fears!"

Makalipas ang halos dalawang oras na pagti-training nila ay natapos na rin silang lahat. Nasa 110 na lang kasi ang bilang nila kaya mas mabilis natapos kaysa noon. Hayys! Ang tatlong daang bilang nila ay nasa isang daan na lang ngayon!

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang