CHAPTER 1

10 1 0
                                    

CHAPTER 1

KUMUSTA na kaya sina Al?, tanong ni Ann sa kanyang sarili .

Agad na kinuha ng dalaga ang kanyang telepono at naisipang tawagan ang kaibigan .

“The number you have dialed is unattended” hindi sumasagot si Allena kaya naisipan ni Ann puntahan nalang ito sa kanilang bahay .

Ng makarating si Ann sa bahay ay hindi si Allena ang nadatnan niya kundi ang kakambal nito na si Anthony , matagal ng may gusto ang dalaga sa binata ngunit tinatago lang niya ito .

“Hi “ nahihiya niyang binati si Anthony .

“Hi napadaan ka ?” tanong ni Anthony .

“Kanina ko pa kasi tinatawagan si Allena kaso hindi siya sumasagot kaya naisipan ko na lang dalawin siya “ sagot ng dalaga , tumingin muna si Anthony sa loob ng kanilang bahay .

“Ah kanina pa siya umalis may lakad daw sila ni Evan sa malapit na park  kaya siguro hindi siya sumasagot mahina kasi ang signal doon “ sabi ng binata .

“Ah kaya pala “ sabi ng dalaga , napa yuko siya habang si Anthony naman ay tahimik na napa kagat sa pangibabang labi dahil nagiisip siya kung ano ang pwedeng maging  dahilan para manatili muna ang dalaga sa bahay nila .

“Um why not wait for her?” tinaasan ni Ann ng kilay si Anthony .

“Padating na siguro sila halos limang oras na mula ng umalis sila saka malapit lang naman ang pinuntahan nila pasok ka muna ng handa din kasi si mom ng meryenda “ sabi ni Anthony nahihiyang tumango si Ann , pero agad din itong pumasok .

“Upo ka muna “ sabi ni Anthony , umupo si Ann sa couch at nilibot ang tingin sa buong bahay napa ngiti ang dalaga ng makita ang kanilang larawan noong graduation nina Allena , nakita din niya ang pitcture nila Allena kasama ang buong pamilya nila na ngayon ay completo na napansin din niya ang picture ni Allena kasama ang pamilya ng kanyang biological father .

Masaya si Ann dahil hindi ng tanim ng galit ang kaibigan sa mga tao sa paligid niya kahit pa sobrang grabe ang dinanas niya physically and emotionally , hanga si Ann kay Allena dahil sa tapang niya .

“Uh meryenda ka muna “ inilapag ni Anthony ang isang tray na may dalawang  juice at dalawang slice ng banana flavored cake , palihim na napangiti ang dalaga dahil isa sa mga  favorite niya ang banana cake lalo pa kapag si tita Johana ang may gawa , nalaman din niya kasi na favorite pala ito ni Anthony kaya pala gumagawa si tita Johana ng banana cake .

“Salamat “ sagot ng dalaga  , nagsimula na silang kumain at pareho lang silang tahimik hanggang sa may biglang nagsalita sa kanilang likuran .

“Oh nandito pala si Ann bat hindi mo ako sinabihan?“ napa tingin ang dalawa kay Jared .

“Good after noon po kuya “ bati ni Ann sa kanya .

“Good afternoon din Ann , kumusta nalaman ko kay Anthony na you’re taking up law pala “ sabi ni Jared agad na tumango ang dalaga .

“Yes kuya I’m taking law yun din kasi ang gusto ni Dad “ sabi ni Ann, kahit pa marami ang mga negosyo nina Ann mas pinili ng mga magulang niya na mag law ang dalaga dahil ang nakakatanda niyang kapatid na lalaki ang maghahawak ng kanilang mga negosyo .

“That’s great to here , para naman may mag tangol sa kumpanya niyo if ever nagkaroon ng problema , law related “ sabi ni kuya Jared , ngumiti lang ang dalaga sa sinabi ng binata .

MAKALIPAS lang ang halos 20 minutes ay biglang narinig ni Ann ang boses ni Allena .

“I’m home “ masayang sabi niya , agad na tumayo si Ann sa pagkakaupo  .

Bad boy series #3 My Bestfriend's Brother Where stories live. Discover now