TPD.16

60 1 1
                                    

RAFFA'S POV.

Week's pass naging sobrang busy na ako, nandiyan yung magpapractice for stage play at para sa swimming team coz you know that was My Sport.

Sa isang araw na ang intrams namin kaya kahit si Calyx busy din sa basketball.
Pero kahit ganon napaka consistent nitong lalaking to,
Kasi kahit after ng training niya inaantay niya padin ako.
Nandiyan yung ang tiyaga niyang antayin ako hangang 12am midnight para sabay kami kumain o di kaya maihatid niya ako sa bahay.

Hays yun lang kapag ihahatid niya na ako sa bahay nakakatulog na ako sa pagod.

So bilang pambawi naman sa kanyang effort at pagtiyatiyaga narin sa aking kasungitan. (lagi ko din kasi siya nasusungitan lalo na kapag pagod Ako. 😔).
Ito pinagluto ko siya nang Sisig.
Nagpaturo ako kay daddy kung paano siya gawin kasi hindi niyo na itatanong My Dad is not just a Doctor He is also a Chef.

Tapos na ako sa training kaya pinuntahan ko na siya sa Gym basketball court and as always, taga cheer lang naman ako.

CALYX POV.

"Ok guy's ganyan ah kung ano ang training ganon din dapat sa Instrams alalahanin niyo magaling din ang mga taga Max well"

"Yes coach! Go Winning Team!!"

Hays finally natapos na din ang training makakapag pahinga na din, pero ito talaga yung pahinga ko eh My number 1 Cheerleader.

"Hiii Lyx tapos na training niyo?" saad niya naman ay pinunasan ako nang pawis.

Diba partida manliligaw pa lang ako niyan!

"Yes Bear Finally makakapag pahinga na din! Teka anong oras na pala?"

"Hmm 10pm"

"10 pm? Diba curfew mo na yun bear? Sorry ah Di bale tatawagan ko kaagad si Sir. Gomez." nag aalalang saad ko dapat kasi kanina ko pa siya nahatid since kanina pa tapos training niya.

"Alam ni Daddy na malelate ako tsaka ok lang naman daw basta ikaw daw yung naghahatid sakin.
nga pala Lyx nagluto ako ng Sisig kaso hindi na mainit eh" saad naman niya.

"Wow Talaga bear?" Neexcite na saad ko.

Sobrang Favorite ko kasi yung Sisig lalo na nung pinagluto ako nang Daddy niya nung nakaraan.
Ay jusko napaka sarap!!

" Oo nagpaturo ako kay Daddy. Pambawi ko sana sa 3weeks na pagiging masungit ko sayo" saad niya na may lambing.

"Ngiti mo lang ngayong gabi Ok na ok na ako, bawing bawi na ang 3 week's na pagiging masungit mo sa akin." saad ko naman at hinalikan siya sa Noo.

"Ikaw wag mo kaya ako sinasanay sa ganyan mo"

"Oh edi masanay ka, kasi habang buhay ko naman gagawing to sayo"

Ngumiti lamang siya sa akin tapos Lumabas na kami ng Gym at dahil Gabi na nga sa kotse na lang namin naisipan mag food trip. kasi medyo Scary na sa loob ng campus madami na nakapatay na ilaw tanging sa Auditorium na lang Ang Hindi.

I called Sir Gomez and informed him that Raffa and I would be getting home late. but of course I gave assurances that Raffa and I Were not doing anything bad and We are both safe.

"Sobrang sarap nito Bear, thank you sa effort" saad ko habang kumakain nang mga niluto niya nagluto din kasi siya ng Garlic Rice perfect partner sa Sisig.

Sobrang sarap tapos mainit init pa kasi yung Tupperware na pinaglagyan niya pala naka secured talaga, so kahit umaga mo lutuin mainit padin siya kahit sa gabi.

"Wala lang yan effort ko compare sa effort mo sakin, lagi ka kayang late umuwi tsaka matulog para lang maihatid ako nang safe sa Daddy ko. Plus yung patience mo sakin kapag nagsusungit ako. napaka laking effort na hindi mo ko pinapatulan Hahaha." natatawang saad niya.

"Bear kasi sa akin ka pinagkatiwala nang Daddy mo, And That's my Job to protect you from any harm.
Kasi Mahal kita. At yung pag susungit mo? Hindi na bago sakin yun dun din naman kita nakilala ano."

RAFFA'S POV.

Pinagmamasdan ko lamang si Calyx habang kumakain siya, nakangiti siya at Masaya.

"Buti nagustuhan mo talaga yung luto ko"

"Ito yung pinaka the best na Sisig na natikman ko Maraming salamat talaga bear ah nabusog ako"

Nang matapos na kaming kumain ay niligpit naman na niya ang mga kalat namin.

Bigla naman bumuhos ang Malakas na Ulan na labis kong kinabahala.

"Raffa Ayos ka lang?" pagtatanong naman niya

Napansin niya siguro na natahimik ako at nanginig bigla.

"U-uwi na tayo Lyx ayaw ko sa ulan" naiiyak na saad ko.

Kaya ito dali dali naman niya pinaandar ang kotse.

Habang nag babiyahe kami pauwi ay hawak hawak niya lang ang kamay ko.
Pina automatic niya ang andar ng kotse para mahawakan ako.

(A short story Why I'm scared sa Rain.
kasi nung bata ako nakalimutan akong sunduin ni Mommy sa school tapos hangang sa mag gabi wala sumundo sakin.
And then ayun bumuhos yung malakas na ulan tapos may nakikita akong shadow na mga lalaki sa School namin.
Kaya ayun simula noon natatakot na ako sa ulan. Galit na galit pa nga si Daddy kay Mommy nun doon ko unang nakita ang pagaaway nila).

"Raffa it's ok Nandito ako, hahawakan ko lang kamay mo para alam mong safe ka at may kasama ka." saad naman niya.

Ngumiti lang ako kasi he never failed to protect me and calm me down lalo na kapag natatakot ako.

Hawak niya ang kamay ko hangang sa makauwi ako sa bahay ni Daddy.

"Raffa wag ka muna Bababa ah kukuha lang akong payong" saad naman ni Calyx.

Bumaba siya habang bumubuhos ang ulan kasi nasa likod pala ng kotse niya ang Payong niya.
So ayun siya yung basang basa.

Inalalayan niya ako makababa sa sasakyan hangang sa makapasok kami ng bahay.

Agad ko din naman siya pinakuha ng tuwalya kay nana.

"Basang Basa ka tuloy "

"Ok lang Basta di ka mababasa tsaka ililigo ko na lang din naman to pag uwi" saad niya na nanginginig.

Malamig kasi sa bahay since fully air-conditioned tapos umuulan pa.

"wag ka na muna umuwi kakausapin ko si Daddy na dito ka na muna, ang lakas ng ulan e" pag aalalang saad ko naman.

Maya maya naman ay dumating na din si Nana na may dalang tuwalya at mga damit.

"Oh ayan Iha pinahiram ng damit ni Sir Rafael si Calyx. Dito ka na daw muna Calyx mag stay delikado daw kasi kapag umuwi ka pa." saad naman ni Nana.

Napangiti naman ako sa sinabi ni Nana.

"Nasaan si Daddy Nana?"

"Nasa kwarto niya Anak nag papahinga pero baba din daw siya, pagtitimpla ko muna kayo ng mainit na gatas ah" pagpapaalam naman ni Nana.

"Sige po Nana maraming Salamat po.
Oh Tara dun ka na maligo sa Room ko kasi may mainit na shower dun, malamig kasi ang tubig dito sa baba e"
Pag aaya ko naman kay Calyx.

"Baka pagalitan tayo ng Daddy mo"

"Hindi ako bahala pagpapaalam kita"

Tumango lamang siya at umakyat na kami sa kwarto ni Dad para magpaalam.

"Daddy?"

(to be continued).

Sorry po sa medyo flop na update.

THE PRESIDENT'S DAUGHTER. Where stories live. Discover now