TPD.13

63 4 5
                                    

CALYX POV.

After nang aminan namin ni Raffa ay Nandito kami ngayon sa likod nang raptor ko nakaupo, Nanonood kami nang Fireworks habang kumakain nang Ice Cream na Favorite niya.
Pagtapos kasi namin mag aminan biglang nag fireworks.

Kita ko naman ang pagkamangha niya sa mga fireworks kaya di ko maiwasan hindi tumitig sa kanya.

Pinagmamasdan ko ang visuals niya, grabe the more I look the more I find the Reason's why I'm so In love with this Woman.

"Ang ganda nang mga Fireworks no? " saad naman niya habang nakatingin sa kalangitan.

"Sobra" nakatitig ko naman na saad sa kanya.

''Hindi ka naman sa fireworks naka tingin e, sa akin" saad naman nya sakin.

"Eh sa nagagandahan ako sa babaeng katabi ko ngayon e"

"Bolero ka talaga"

"Huy hindi ah Maganda ka talaga, The more I look The more I Fall in love "

She just rolled her eyes and smiled.

"Hay nako wag mo masyado titigan baka mag sawa ka bigla" saad naman niya.

"Hinding Hindi ako magsasawa diyan"

"Mahal mo ba ako kasi maganda ako? "pagtatanong niya naman.

"Mahal kita, bukod sa maganda ka alam kong deserve mong mahalin nang tapat at totoo"

Ngumiti siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Salamat ah kasi consistent kang magpakilig " natatawang saad naman niya.

"Hindi naman ako mag sasawang pakiligin ka, lalo na ngayon na mutuals ang feelings natin sa Isa't - isa" saad ko naman habang nagkakatitigan kaming dalawa.

RAFFA'S POV.

Kakauwi ko lang at dito ako sa bahay ni Daddy Mag s-stay kasi isang buwan mawawala si Mommy e.

Agad ko naman sinalubong si Daddy dahil nakita ko siya na nagkakape sa sala.

"Daddy!" yakap ko naman sa kanya.

"Oh, Hi My Little Pumpkin.Mukhang masaya ka yata ngayon ah? baka gusto mo mag kwento bakit ganitong oras ka na umuwi?." sunod sunod naman na tanong ni Daddy sakin.

Nakalimutan ko na curfew ko nga pala ang 11pm kapag dito ako kay daddy matutulog. tapos saktong 11pm ako nakauwi.

"Ah eh Dad nakalimutan ko po kasi yung oras ng curfew ko"

"So sino ang dahilan nang mga ngiti na yan?"

RAFAEL'S POV.

Dapat kanina pa ako tulog eh kaso nga wala pa pala si Raffa kaya inantay ko makauwi. yung bata na yun talaga minsan may pagkapasaway din eh.

Nagkape na lang ako para hindi ako antukin kakahintay sa Kanya.

Maya maya naman ay narinig ko na bumukas ang pinto.

"Daddy!" Salubong naman na bati niya sakin.

Kitang kita ko ang mga ngiti niya na maganda, hmm mukhang masaya yata ang Little pumpkin ko.

"Oh, Hi my Little Pumpkin, Mukhang masaya ka yata ngayon ah? Baka gusto mo mag kwento bakit ganitong oras ka na umuwi? " sunod sunod na tanong ko naman.

"Ah eh Dad nakalimutan ko po kasi oras ng curfew ko" pagdadahilan niya.

"So sino ang dahilan nang mga ngiti na yan? "

Alam kong tunay na masaya siya dahil ang mga ngiti niya ay umaabot hangang sa mata.

"Daddy" nahihiyang tugon niya.

"Halika mag kwento ka kay daddy kung ano ang nagaganap sa buhay mo ngayon"

Pinaupo ko siya sa sala at excited naman siyang nag kwento sakin.

" Daddy hmm, nahihiya ako pero Dad may gusto po sana ako ipakilala sa inyo soon, may nanliligaw na po kasi sakin e"

Nasamid naman ako sa sinabi niya, teka manliligaw? Noooo baby ka pa eh.

"Dad a-are you Ok?"

Tumango lamang ako bilang tugon.

"Anak Gusto ko makilala ang lalaking yan bukas na bukas din."

Kita ko naman ang gulat sa mata niya.

"B-bukas po agad?"

"Nauutal ka pa, syempre gusto ko makilala yung lalaking nanliligaw sa baby ko kung mapagkakatiwalaan ko ba siya o ano"

Tanging tango lamang ang naisagot niya sakin.

"Bukas Dumaan ka sa clinic ko at isama mo yung manliligaw mo, Ok my Little Pumpkin? "

" Opo Daddy " nakangiting saad naman niya.

"sige na matulog ka na at maaga pa ang pasok mo bukas, sweet dreams my Little Girl" saad ko naman at hinalikan ang noo niya.

****

Pagtapos ko naman uminom nang kape ay dumiretso naman ako sa kwarto ni Raffa just to say Good night pero naabutan ko na siyang mahimbing na natutulog.

Inayos ko naman ang kumot niya para icover sa kanya pagtapos ay hinaplos haplos ko ang buhok niya.

Hindi ko mapigilan na hindi siya titigan, She's a Grown up lady grabe Time flies so fast May nanliligaw na sa kanya dati binubuhat ko lang to eh.

"Good night Raffa, I'm so Happy that you are Happy Now. I love you My Little Pumpkin"

THE PRESIDENT'S DAUGHTER. Where stories live. Discover now