TPD. 12

65 2 11
                                    

RAFFA'S POV.

After a long and tiring day, dahil sa mga ganap eh finally makakauwi na din.

"Lyx mauna na ako umuwi pagod na kasi ako e"

" Ahh ganon ba? Teka hahatid kita"

"Hindi na may practice pa yata kayo eh"

Mahaba kasi ang practice nila ngayon since malapit na din ang intrams at isa syempre ang basketball sa inaabangan.

"Hahatid na kita" Pag insist niya.

"Hindi na bro ako ang mag hahatid kay Raffa" pagsabat naman nang isang lalaki sa likuran ko si Terrence.

" Mas lalo yata na kailangan kitang ihatid Raffa, halika na" seryosong saad ni Calyx.

"Ako nga sabi diba?!" nanlilisik na saad ni Terrence.
"Tama na baka mag away pa kayo e" pag aawat ko naman sa kanilang dalawa.

"Sige na Calyx si Terrence na maghahatid sakin"

"Raffa?!"

" I'II be fine I promise trust me, kakausapin ko na din siya about sa amin dalawa I guess it's time" hinalikan ko naman siya sa pisnge at nagpaalam na.

Alam kong hindi siya comfortable na kinakausap ako ni Terrence after nga nung nangyari sa amin.

But I guess ito na yung tamang panahon para maging malinaw na sa amin kung ano kami, ayaw ko na mapalapit kay Terrence gusto ko na itigil ang kung ano man ang namamagitan samin, kahit dalawang buwan na kaming hindi nag uusap.

***

Pinagbuksan naman ako nang pinto ni Terrence at pumasok na nga ako sa loob nang kotse niya.

Walang umiimik samin dalawa hangang sa itigil niya ang sasakyan sa isang madilim na daanan.

" Rence bakit tayo tumigil?" pagtatanong ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"Raffa mag usap naman tayo please?" hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ko naman siya.

"Raffa nagsisisi ako sa nagawa ko sayo Mahal kita Raffa, patawarin mo ko kung hindi ko naipakita at napadama yun sayo pero please gave me a chance para magbago, Mahal kita" mahaba at naluluhang saad nya.

"Kung sa pagpapatawad napatawad na kita, parehas natin ginusto yun" ngumiti lamang ako sa kanya.

Dahan dahan naman niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko, hangang sa mahalikan na nga niya akong muli.

His lips, labing namimiss ko, labi na gusto kong halikan parati pero noon yun, hindi na ngayon.

Pinatigil ko siya sa ginagawa niya dahil bumababa na sa leeg ko ang mga halik niya.

" Terrence stop, Terrence hindi na natin pwedeng gawin to ulit, Mahal ko si Calyx at hindi deserve ni Calyx ang maloko, ayoko na muling manloko this will be our last"

" Pero Raffa Mahal parin kita"

Hindi pa kami tapos mag usap ni Terrence ay May nagbukas naman nang pinto ko at hinila ako pababa nang kotse.

"Calyx" gulat na saad ko.

Wala siyang sinabi kay Terrence bagkus nakatitig lang ito nang masama sa kanya tsaka niya ako pinasakay sa kotse niya.

Nag drive lamang siya pero walang ka imik imik alam kong galit siya sa nakita niya, pero di ko naman akalain na susundan niya kami dalawa ni Terrence eh.

CALYX POV.

Dahil nga si Terrence ang maghahatid kay Raffa ay sinundan ko na sila, wala na ako tiwala sa Pinsan ko lust lang naman ang habol niya kay Raffa at wala nang kahit ano pa.

Nakita ko naman na papasok sila sa madilim na lugar kaya don sinundan ko sila, tumigil ang kotse ni Terrence sa isang tabi at don pinagmasdan ko muna kung ano ang gagawin nila.

Tss hindi nga ako nagkamali alam ko na ang gagawin nito kay Raffa. Naghalikan sila kaya naman agaran akong bumaba para hilahin si Raffa pababa nang kotse ni Terrence.

"Calyx" saad ni Raffa.

Wala akong naging sagot bagkus tinignan ko na lang si Terrence nang masama.

Pinasakay ko si Raffa sa kotse ko at dun minaneho ko papalayo ang kotse ko.

Tahimik sa loob wala nang nagsasalita alam ni Raffa na galit ako sa nakita ko kaya maski siya tumatahimik.

Nang hindi na niya kinaya ang katahimikan ay siya na mismo ang humingi nang tawad sa nagawa niya.

"S-sorry Lyx " saad niya at hinawakan ang kamay ko.

Tinigil ko sa isang tabi ang kotse para makapag usap kami nang maayos.

"Raffa mahal mo pa rin ba siya?" naiiyak na saad ko.

Nasaktan ako sa nakita ko dahil Mahal ko siya e.

Tumingin ako sa kanya at kinuha ang kamay niya.

"Hindi mo naman na siya mahal diba?"

Hinalikan ko ang kamay niya at umaasang hindi ang isasagot niya.

"Hindi ko na siya Mahal Lyx, napaka special mo sakin hindi mo na deserve ang lokohin patawad sa nakita mo kanina" Umiiyak na saad niya.

Pinunasan ko ang mga luha niya at Hinalikan ko siya sa labi.
tumugon din siya sa mga halik na yun this Night was so very passionate and gentle with full of love and respect.

Tinigil ko ang paghalik at tinitigan siya.

"Mahal kita Raffa, Mahal na Mahal kita"

Pinunasan naman niya ang luha na pumatak sa mga mata ko at sinabing...

" Mahal na Mahal din kita Calyx"





Pasensya na kung panget po yung update. 😭😭

THE PRESIDENT'S DAUGHTER. Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα