TPD. 5

64 2 1
                                    

LEN'S POV.

Nandito ako sa kwarto at nag aayos, may dinner date kasi ako with my friend's na sina Risa and Pia kasama ang mga anak nila.

"Ma'am sobrang ganda niyo po" papuri naman sakin ni Nana.

"Talaga po ba Nana? " nakangiting saad ko naman.

"Si Raffa ba naka handa na? "

"Ay Ma'am President hindi ko po kasi alam kung sasama siya e, kumain na ho kasi si Raffa "

"Ano? Diba sabi ko Nana sa labas kami kakain?!"

"Sorry po Mam President wala naman po akong magagawa kung nagugutom po yung bata, pasensya na po" pag hingi naman niya nang paumanhin.

"Nandiyan ba siya sa kwarto niya? O nag lakwatsa nanaman? " naiiritang saad ko. Pasensya na maiksi lang ang pasensya ko talaga!

"Nasa kwarto po si Raffaella Ma'am" tugon naman niya.

Umalis na ako at dumiretso sa kwarto ni Raffa.

"Raffa are you there? Ready ka na ba sa Dinner natin Anak? " mahinahon na saad ko, hindi siya sanay na sinisigawan.

"Hindi ho ako sasama" pagsigaw naman niya.

Pinasok ko siya sa kwarto at nakita ko naman na nakahiga lang siya.

"Anak masama ba pakiramdam mo? " balot na balot kasi siya e, nakapajama tapos yung comforter niya naka balot din sa kanya.

"Ok lang po ako, hindi niyo kailangan magpaka nanay sakin Mommy I can take care of myself po! "

"But Raffa"

"I'm Fine! "

Hinayaan ko na lamang siya at hindi na kinulit pa, alam ko naman kasing gumagawa lang siya nang dahilan para hindi sumama sakin.

*****

Nakarating na ako sa meeting place namin dito sa east wood, nandito kami sa favorite Italian restaurant ni Raffa sayang lang at hindi siya nakasama.

Pagdating ko naman ay nandon na si Risa at ang kapatid niyang si Pia, kasama nga din pala nila ang mga Anak nilang si Terrence at Calyx.

"Good evening Madam President " sabay na banggit naman nila.

"Good evening " masayang pagbati ko naman sa kanilang lahat.

"Where is the Only Princess in the Family? " pagtatanong naman ni Pia.

Just a little story lang, Pia, Risa and I are best friends since High School 1yr gap lang sila kaya same ko naging close, and as you can see ang mga anak nila ay parehong boy tanging ang Raffa ko lang ang girl kaya Princess tawag nila.

"She's sick, but you know her, she can take care of herself naman daw"

"I hope maging ok na siya soon" anya naman ni Pia.

"She will, c'mon let's eat baka gutom na tong mga binatang to" sagot ko na lamang.

Pumunta naman na kami sa naka reserve na table para sa amin.

RAFFA'S POV.

Nang malaman kong nakaalis na si Mommy ay Agad agad naman akong nag Ayos para sa dinner namin ni Daddy.

"Nana sigurado ka wala na si Mommy ah? " paniniguradong tanong ko naman kasi baka mamaya nandiyan pa pala e.

"Nako Anak wala na si Mam pero bumalik ka kaagad ah mayayari ako kay Mommy mo kapag nalaman niyang umalis ka e" pag aalala naman ni Nana.

"Wag ka mag alala Nana babalik po ako agad"

Bakit nga ba hindi ako sumama kay Mommy sa dinner niya with her friends?
Well I know na kasama niya si Tita Risa ewan ko pero naiinis ako kapag magkasama sila!
I felt na there is something going on between them, isa pa wala din naman ako makakausap don at Ma O-out of place lamang ako.
Unlike kay Daddy he will do anything para maging secured ako at Hindi Ma Out of Place.

***

"Mam Raffa we're here na po"

"Thank you Kuya"

Inopen naman ni Daddy ang Door for me, sabi sa inyo e secured ako kay Daddy.

"Hi daddy!!" Excited na bati ko naman kay Daddy at Yumakap na.

"How was My Princess Raffa?"

" I'm Good Daddy nakasama na po kita ulit e" paglalambing ko naman.

"Nako Binobola mo nanaman ako Raffaella"

Niyakap na lang ako ni Daddy at sabay na kami pumasok sa Restaurant.

*****

Tahimik at maaliwalas, tanging tugtog lang Violin ang maririnig sa paligid.

"How are you Raffa? " pagtatanong naman muli ni Daddy sakin habang kumakain.

"Diba po natanong niyo na sakin yan? "

" I want the real Answer. " serious na pagkakasabi naman ni Daddy.

RAFAEL'S POV.

"How are you Raffa? " pagtatanong ko naman kasi alam ko na hindi siya ok ngayon dahil nga naghiwalay na kami ng mommy niya.

"Diba po natanong niyo na sakin yan? " sagot naman niya habang kumakain ng favorite niyang pasta.

"I want the real answer"

Kita ko naman na biglang nag iba ang awra niya, bigla siyang nalungkot sa tinanong ko.

"I'm sorry Princess" nakonsensiya naman kasi ako sa tinanong ko.

"It's Fine Dad I respect your desisyon for leaving My Mom, and I'm Fine"

Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain, I know that I'm the luckiest Father to have a Daughter Like her.
Matalino, Mabait at Understanding.

Tumahimik naman siya hangang sa matapos kami sa Dinner namin kaya niyaya ko muna siya mag ikot ikot Dito sa Sea side.

"Dad Ice Cream"

"Gusto mo? "

Tumango lamang siya sakin na parang bata na naglalambing, knowing her Ice cream talaga ang pampakalma niya comfort food ika nga.

Nang mabilhan ko na siya ng Ice Cream naisipan naman namin na tumambay na muna sa sea side maaga pa naman 8:30 pm pa lang at gusto ko pa makasama ang anak ko kasi hindi ko alam kung kailan mauulit ito.

"Dad" tawag naman niya habang kumakain ng ice cream.

"Yes?"

"Pwede po ba kayo mag kwento?"

"Ano naman kwento ang gusto mo this time? Horror? " mahilig kasi siya magpakwento kapag kumakain siya ng Ice Cream.

"Love story niyo ni Mommy" malungkot na saad niya na nakatingin lang sa 1/2Gallon na Ice Cream niya.

"Buong story ba anak?"

Umiling lamang sya sakin.

"Mahal mo ba si Mommy daddy?"
Tumingin siya sakin kaya alam kong seryosong usapan ang gustong mangyari nang Anak ko.

To be Continued.

THE PRESIDENT'S DAUGHTER. Where stories live. Discover now