TPD 1. (1st Met)

293 5 2
                                    

"Nandiyan na sila!!"

Agad naman nagtatakbuhan ang mga tao sa Corridor at mga nagsisigawan.

"Ano ba meron?" sabi ko na lang sa utak ko hays ang iingay kasi.

Pero bago ang lahat magpapakilala muna ako, Ako nga pala si Calyx Navarro anak ng Senator na si Risa Navarro Single Mom si Mommy at ako naman ay only child.

Bago lang ako sa University na ito balita ko nga dito din nag aaral ang anak ng President eh well napaka ganda naman kasi talaga dito sa Sacred Heart University hindi na ako magtataka kung madami dito ang mga anak ng senator na nag aaral at hindi na din ako magtataka kung bakit dito din nag aaral ang anak nang Presidente.

"Aray!" sabi ng isang babae.

Nang titigan ko ito ay masama ang pagkakatitig sakin.

"Hindi kita binangga, ikaw ang bumangga sakin kaya wag mo ko matitigan ng masama diyan"

Aalis na sana ako ng harangin ako nang mga kasama niyang lalaki.

"Boys alam niyo na" Naka smirk na saad ng babae.

Raffa's POV.

"Boys alam niyo na" naka smirk na saad ko naman.

"Teka sino ba kayo?!  Bitawan niyo ko!!"

buhat buhat nang mga boys ko ang lalaking nambastos sakin kanina, dito sa Sacred Heart eh ako ang Boss and I am Raffaella Gerona Gomez ang nag iisang anak ng Presidente na si Leonor Gerona Gomez.

"Teka sino ba kayo? Nagmamakaawa ako bagong estudyante lang ako hindi ko alam kung sino kayo" pagmamakaawa naman nang lalaking ito.

Hinawakan ko naman ang pisnge at bahagyang pinisil yun.

I just smirk at him.

"ok then you are free but next time know your place" And I smirked again.

"Boys let him out pero wag niyong aalisin ang mga mata niyo sa lalaking to simula ngayon! "

CALYX POV.

Grabe ang pa welcome dito akala ko mababait ang estudyante dahil isa tong sagradong eskwelahan pero grabe muntikan pa ako mabugbog e.

" Kamusta ka?" bati ng isang estudyante si Terrence. Kilala ko siya kasi anak siya ng kapatid ni Mommy na si Tita Pia.

"Ito ang agang pa welcome nung mga gangster sa school na to" Iritableng sagot ko.

"So nakilala mo na pala ang pinaka magandang babae dito?" naka smirk na saad nito.
Btw nandito kami sa corridor kaming dalawa lang kasi nalate kami so nasa labas kami.

"Sinong magandang babae? " nakasimangot ko pa na saad nang biglang may dumaan na babae sa harap namin at nakataas ang kilay na tinignan ako nito.

"S-Siya yung babae kanina" lumingon naman ang babae at nag smirk sa amin sabay irap at talikod.

Nakita ko naman nag smirk si Terrence.

"Ayun? HAHAHA leader siya dito nang gang. She is the boss here in Sacred Heart kaya nga kahit mag gala lang siya dito ok lang sa mga proffesor" saad naman ni Terr.

"Huh? It's not fair porke leader ng gang? Ano pati teacher takot sa kanya? " naiinis na saad ko.

"Hindi dude, matalino si Raffa pinag aaralan mo pa lang, siya alam na niya In short tapos na niya pag aralan ang lahat nang mga subject natin kaya kahit hindi siya pumapasok nakaka perfect siya sa exam"

" So Raffa ang name niya? "

weird kasi magandang babae siya gaya nga nang sabi ni terr siya pinaka magandang babae dito pero pang lalaki ang name?

THE PRESIDENT'S DAUGHTER. Where stories live. Discover now