Chapter 53 - Final

1.7K 82 43
                                    

This is the final chapter of Torn in Two.

Thank you so much for still reading up to this part. I salute you, nerdylover!


-----------------------------------------


CHAPTER 53

FINAL



Iris' POV


I smiled as I listen to Damian quietly snoring. Tulog na tulog siya na para bang sanay na sanay siyang matulog kayakap ako. I feel like I'm in paradise right now. Ang sarap sa pakiramdam. This is a first. Ngayon ko lang na-realize na napakarami pa naming hindi nagagawa.

 Ayoko na sana gawin ang mga plano ko pero kailangan. I won't change my mind now. Hindi maaaring panghinaan ako ng loob.


Dahan-dahan kong inalis ang braso niya mula sa pagkakayakap sa akin at tahimik na tumayo. Kinumutan ko siya at hinalikan ang pisngi pagkatapos ay tinitigan ko ang mukha niya. Inalis ko ang buhok na humaharang sa mga mata niya upang makita ko maigi ang itsura niya.

I have to stare at you now so I won't forget what you look like upclose...


"I'm sorry," I whispered.


Lumabas na ako ng kuwarto niya at nagluto pa ng almusal niya. I hope he eats first before he reads my letter.


Pagkapatong ko ng pagkain sa plato ay umupo muna ako saglit at nagsimulang magsulat.

I was crying while writing down everything my heart wants to tell him. Hindi ko inaakalang ganito ang kahahantungan namin.


It was just six in the morning when I stepped out of his condominium unit. Dumiretso agad ako sa bahay at kinuha ang mga gamit ko.

"Madame, sigurado ka na po ba?" Camille worriedly asked me.

Tumango ako. "This is for the better. You can stay here if you want. Hindi mo naman ako kailangang samahan."


Camille's going with me. Iyon na lang ang pinakahiling ng nanay ko. Pumayag na rin ako para hindi ako mahirapan at malungkot mamuhay magisa. But she's leaving her life here. Hindi niya obligasyong gawin iyon.

"Madame, kung saan ka ay doon po ako." Ngumiti siya at inilagay na ang mga gamit ko sa sasakyan ni Zin.


"Ate, aalis na ako."

Ate Irene hugged me. "Wag kang magpagutom at matulog ka ng maayos ha. Call me anytime."

"Of course."


Tiningnan ko ang buong bahay namin. I will miss living here.

Ngayon lang ako titira ng matagal sa ibang bahay...


"Can you promise me you won't tell Damian where I'll go? Alam kong pupunta siya rito upang hanapin ako. "

Torn in Two (Elite Girls 2)Место, где живут истории. Откройте их для себя