Chapter 19: Who's Back?

262 10 0
                                    

Third Person's POV

"Ano bang pumasok sa isip mo at ginawa mo yun?!"
Galit na sambit ng isang lalaki sa babaeng nasa harap niya


"Bakit mo pa ba ako ginugulo? Bakit hanggang ngayon pinanghihimasukan mo pa rin ang buhay ko?" Galit at medyo naluluhang tugon ng babae

"DAHIL WALA KA NA SA TAMANG KATINUAN!" sa sobrang galit ay sinipa nalamang ng lalaki ang maliit na bato na nasa paanan niya

"So this is what you're up to? This was your only reason why you came back here and tell me what's the right thing to do?"

Tuluyan nang naiyak ang babae habang malungkot at deretsong nakatingin sa mga mata ng lalaki

"Bakit mo pa ba pinipilit ang bagay na hindi naman talaga pwedi?" Malamig na tugon ng lalaki

-----------------------------------

Xian's POV

Hindi parin nawala ang inis ko sa lalaking yun kaninang umaga, I don't care if anong isipin nila.

Nang mag-dapit-hapon na ay nag tungo ako sa dalampasigan upang maenjoy ang napakagandang karagatan, it's so relaxing and peaceful kasi nga kami lamg naman ang tao sa resort na'to.

Naglalakad lakad ako nang makita ko ang isang pamilyar na babaeng nakaupo sa ilalim ng maliit na puno ng niyog at pinagmamasdan ang unti unting paglubog ng araw

Dahan-dahan akong lumapit sa gawi niya.

"Ang ganda 'no?" Tanong ko

"Ay palaka!"
Gulat na gulat nyang sambit, magugulatin pala ag babaeng 'to jusmeyo
Humagalpak nalang ako sa tawa nang makita ang reaction niya


"BAKIT KA BA KASI PASULPOT-SULPOT KUNG SAAN SAAN?!" Naiinis nitong sambit

"Ito naman, masyado atang malalim ang iniisip mo hindi mo na napansin ang paglapit ko nakakaloka ka" sagot ko at umupo sa tabi niya


"Hindi naman masyado" tipid niyang sagot na hindi man lang ako nagawang tapunann ng tingin dail lahat ng attensyon niya ay nasa magandang papalubog na araw.

"Namimiss mo na ba sya?" Tanong ko dahilan para mabaling ang attention niya sa'kin.


"Huwag ka ngang mag tanong ng gan'yan" nakakunot noo nitong sagot


"Bakit hindi? Eh diba sya naman talaga ang dahilan bakit oatuloy mo paring pinapanood na mag isa ang sunset?" Tanong ko, kitang kita sa mga mata niya ang pangungulila, lungkot at sakit


"Kahit anong gawin ko, wala na rin naman na lahat, wala na sya, wala na kami. Magkaiba ang mundo namin pati panahon, magkaiba ang takbo ng oras mula nung unang nakilala ko sya at magkaiba ang buhay na tinatahak namin. Kahit anong gawin ko, wala nang paraan para makita ko sya uli at mayakap, kaya sa paraang 'to nababalikan ko ang mga panahong magkasama at masaya kaming pinapanood ang papalubog na araw"
at sa pagkakataong 'to, nag siunahang kumuwala ang mga luha sa mga mata niya.

At sa pagkakataong 'to alam kong ito na yun

Niyakap ko syang mahigpit

"Dale..." Mahinang sambit niya

"Oo ako nga" kumalas sya pagkakayakap at kitang kita sa mukha nya ang gulat, ngunit ngumiti lang ako sa kaniya


"Paanong.... Diba kasi ano..." naguguluhan at di makapaniwalang sabi niya

The Man OF My Dream Season 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now