"Oh… Ano na?"

"Ah… may pinag-usapan kami ni Kuya kanina‚ naalala ko lang."

"Mind sharing bestie!" kumindat pa ito bago ako sinundot sa tagiliran. Mahina akong natawa dahil sa ginagawa ni Win.

"Shia someone's looking for you!" napalingon ako sa nagsalita‚ it was Viancy‚ our classroom president. Mapanuyang ngiti ang ipinupukol nito sa akin kaya napangiwi ako.

"Sino?"

"Si Vrix!" medyo pasigaw nitong wika tila kinikilig pa. Sino ba naman ang hindi hahanga kay Vrix? He's almost perfect. Paborito siguro ng Diyos.

Umakyat naman ang kakaibang kaba sa sistema ko‚ unti-unting namumuo ang mga pawis ko‚ maging ang mga paa ko tila nanghihina. So‚ ito ang epekto ni Vrix sa akin? Nakakahimatay. I can‘t take his presence. Damn him.

Sa kanya ko lang naranasan ang ganitong kaba‚ halos tumalon ang puso ko palabas ng dibdib ko. Arghhhhhh… mas kinakabahan pa ako sa presensiya ni Vrix kaysa sa reporting namin.

"Oh sige," walang gana kong saad kay Viancy. Before leaving‚ Viancy smiled at me maliciously at muling pag-ngiwi ang isinukli ko. Kung anu-anong iniisip‚ tsk!

Bakit ba kasi nandito si Vrix? Papansin talaga.

Luminga-linga ako sa paligid sakto naman ang paglapit ni Win kaya nabaling ang atensiyon ko sa kanya. "Narinig ko kayo‚ anong kailangan ni Vrix?" nagkibit balikat na lang ako sa kanya. Wala naman itong alam sa mga nangyari noong isang araw at kahapon kaya hindi na ito nag-abalang magtanong muli.

"Shia!"

"Hmn…?"

"Hindi na kita masasamahan kay Vrix‚ harmless naman siya‚ he won't hurt you." mahina akong natawa kay Win. As what she had said Vrix was really harmless. Anong iniisip ng isang to?

Bukod sa nakakahipnotismo ang titig ni Vrix at masyado itong walang pakundangan sa sinasabi niya‚ he's truly harmless.

"Okay," kunyaring nagtatampong saad ako. Tumalikod ako sa kanya bago kinuha ang bag ko. Sa totoo lang nakakatampo na si Win‚ she's always busy.

Sinundan ako ni Win bago kinalabit. I am trying ignore her at my very best. I hope it will work.

Humarap ako sa kanya. "Bolaga! Joke lang eh‚ ito naman!" she pouted her lips bago ako niyakap patagilid. Win is always sweet when it comes to me. Nakuntento nadin ako na siya lang ang kaibigan ko. Wala na akong hihilingin pa‚ she's more than enough!

"Sus‚ baka may date ka lang eh!" guilt flickered on her eyes‚ guni-guni ko lang siguro.

Judgerist ko naman masyado.

"Bye Shia!" kinuha nito ang bag niya at sinukbit sa balikat niya. Inayos ko naman ang bag ko bago nagpunas ng pawis. The sun was truly hot‚ feel ko nga parang nasa kabilang building lang ’yong impyerno.

Shit! Ang panyo ni Vrix‚ nakalimutan ko! Maybe 'yon ang sadya niya‚ but I had forgotten the handkerchief.

Lumapit ito sa akin. "Babawi ako!" after saying it‚ she kissed my cheeks at kumaway na paalis. I watched Win walked away bago ako lumakad palabas. Marahan lang ang bawat hakbang ko‚ mahinang umiihip ang hangin na naging dahilan para sumayaw ang ilang hibla ng buhok ko.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Kainis naman si Vrix‚ napaka-init.

Vrix was sitting on the bench‚ may malaking puno doon na tumatakip laban sa sikat ng araw. Maraming estudyante ang nakakasalubong ko sa daan‚ some of them are approaching me‚ some of them are smiling at me‚ as a respond I‘m just giving them a small smile. I don‘t want to look rude somehow.

Twisted Fate by LoveWhere stories live. Discover now