Tumaas ang kilay ko. Eh kinakausap mo din ako eh syempre bilang isang 4M na tao ay sasagot ako.

Alam niyo ba yung 4M? Naku! Uso sa skol yan. Always akong AO dyan eh. Mwheheheeh

Makadiyos.
Nakatayo.
Makabayan.
Makabansa.

"Why are you smiling?" biglang tanong niya.

Nangingiti ko siyang inilingan.

Nagpatuloy kami sa pagkain ng malaman kong saktong 6 palang pala ng umaga. Mas lalo akong napangiti dahil ang Ganda ng umaga ko kahit wala ako sa bahay at kahit pa si Sen ang kasama ko at medyo masama pa din ang pakiramdam ko. Tingnan niyo oh! Andito lahat ng gusto ko sa breakfast tapos saktong six am pa kami kumain, tiningnan ko si Sen at maayos lang naman siyang kumakain. Hihi

"After this, I'll take you home, mahina pa yung ulan at baka babalik mamayang hapon." saad nito sa kalagitnaan ng pagkain namin.

Tumango ako sa kanya at tumingin sa labas, mahinang mahina na nga yung ulan pero madilim pa din ang langit siguradong babalik nga yung ulan mamaya.

"Okay lang sayo na ihatid ako?"

"Unless you want to stay here more longer." sagot niya.

"Uwi na ako." nakanguso kong sagot.

Nagpatuloy ulit kami sa pagkain, andami kong nakain dahil nagustuhan ko yung mga niluto ni Sen. Mwheheh. Nang matapos kaming kumain ay siya na daw ang magliligpit kaya hinayaan ko na siya, binigyan niya din ako ng gamot at tinanong niya ako kung masama pa daw ba ang pakiramdam ko pero ang sinabi ko sa kanya ay hindi na kahit yung totoo ay masama pa din talaga yung pakiramdam ko.

Habang papaupo Ako sa sofa para hintayin siya ay hawak ko na ang bag ko kung saan nakalagay ang mga basa kong damit na hindi man lang niya nilabhan, nagtataka talaga ako sa kilos nitong si Sen eh sigurado akong may kapalit talaga to.

Inikot ko ang tingin ko sa bahay at kagaya nga ng unang kong expectation ay maliit nga lang ito at may dingding lang na kawayan. Pero hindi mo siya masasabing panget dahil maganda ang loob niya ewan ko lang sa labas.

Ganyan talaga eh, sa labas panget pero sa loob maganda meron ding sa labas maganda pero sa loob panget.
Parang yung sa tao.

Pero ibahin niyo ako kasi pure akong maganda inside and out.

"Lets go." napabaling ang tingin ko sa nagsusuot ng jacket na si Sen.

Hala ang bilis naman niyang maghugas. One banlaw siguro ginawa niya.

Sumunod nalang ako sa kanya dahil naantok na naman ako sinabi niya din na wala daw munang pasok ngayon dahil sa ulan. Nang makalabas kami ay tiningnan ko ang bahay at tama nga ako maliit lang siya at medyo hindi maganda tingnan sa labas.

"Sen saan to?" tanong ko habang papasok na sa cotse.

"One of my restplace." sagot niya.

Nang nakapasok na din siya ay nagsimula na siyang magmaneho nasa front seat ako kaya kita ko yung daanan pero hindi ko na maalala ang dinaanan namin kahapon.

Tinuro ko ang daanan pabahay namin at sa daan palang may mga parte ng nabahaan. Tahimik kami dahil hindi din ako nagsasalita, hanggang sa makarating na kami sa mismong bakod ng bahay namin. Hindi ko na siya hinayaang pagbuksan ako ng pinto dahil alam kong hindi niya gagawin yun.

Bago ko sinaraduhan ang pinto ay nagsalita ako. "Salamat sayo Ginoo ah, bye²" saad ko na tinaguan niya lang at mabilis na umalis, ngumuso ako at pumasok sa gate at sinarado ang pinto.

Papasok na ako sa bahay ng sinalubong ako ni mama.

"Oh anak andyan kana pala, naku! Mabuti naman hinatid ka ni Caren." Saad niya.

Last Section Innocent DemonKde žijí příběhy. Začni objevovat