Pagkimkim

0 0 0
                                    

"Masakit ba?" tanong na nakapagpatigil sa akin. Masakit nga ba? Hindi ko alam.
"Masakit para sa kaniya," sagot ko.
"Para sa 'yo?" Napaisip ako bigla.
"Masakit kung iisiping masakit," sagot ko na lang.

Lumipas ang ilang araw, nawala na ang usap-usapan. Di na napag-usapan pa, pero bigla akong natigilan. Kirot. Nakaramdam ako ng kirot. Masakit ba? Nagduda akong bigla sa sarili ko. Bakit laging huli na kung maramdamam ko ang sakit?
Kung tatanungin ulit ako . . .
Masakit, oo. Pero hindi ko dapat ipaalam.

At ngayon, nag-aalangan pa rin ako. Sasabihin ko ba? Aaminin ko ba? O hayaan na lang talaga?

(“There is no greater agony than bearing an untold story inside you.”
― Maya Angelou)

×××

a villein's memoirWhere stories live. Discover now