Iisang Direksyon

2 0 0
                                    

Nasa iisang direksyon,
Walang ibang gustong tahakin
Kundi ang tinatahak ng mga kaibigan.

Hindi niya kailanman inakalang magbabago ang lahat,
Dahil sa simpleng grupong mas nakilala at nagpalago.
Hindi niya kailanman inaasahan ang lahat,
Na ang dating katuwaan lamang ay naging buhay na niya.

Nasa iisang direksyon,
Mali pala ang kaniyang desisyon.
Nasa iisang direksyon,
Muli ay itinuro kung ano pa ang maaaring tahakin.

Sa panibagong daan ay may natuklasan,
Mga nararapat at hindi nararapat na gawi,
Mga karunungang hindi maituro ng unang daang tinahak,
Mga kaibigang totoong masasandalan sa anumang problema.

Nasa iisang direksyon,
Tama, iisa na lamang ang kaniyang tinatahak.
Hindi na ang nauna, iisa na lang.

Sa iisang letra—
Siyang naging gabay at masasandalan,
Kaagapay sa bawat pagkakataon,
Hinding-hindi nagkakanulo . . .
Sa iisang direksyon—
Panibagong daan ang tinahak at tatahakin pa.

***
#EEEBuhayNgIsangEsfera
#Tula

a villein's memoirWhere stories live. Discover now