Desisyon

0 0 0
                                    

Wala akong maisip, paulit-ulit na naririnig sa isipan.

Wala akong maisip na isusulat. Hindi ko alam kung hanggang kailan, hindi ko alam kung paano muling magsisimulang kumatha ng kuwento.

Pero sa totoo lang, gustong-gusto ko nang magsulat. Gustong-gusto ko na.

Hindi ko alam kung kailan nagsimulang matigil ako sa pagsusulat, noon bang nagsimula ang klase? Parang hindi naman.

O baka marahil noong nagsimulang dumami ang gawain, maski paghawak sa cellphone ay hindi na magawa.

Ngunit sino nga ba naman ang niloloko ko? Nakakahawak ako ng cellphone, siguro ay sadyang wala lang akong maisip.

O baka naman nawawalan na ng gana?

Nakakatakot, simula pa lang alam kong hindi na para sa akin ang pagsusulat, pero sinusubukan ko pa rin.

Gusto kong magpatuloy, gustong-gusto ko nang magsulat. Pero siguro nga, gaya ng lagi kong sinasabi, wala pa ako sa wisyo para magsulat.

Nakakatakot, ayokong dumating sa punto na dahil lang sa wala akong maisip ay hindi na talaga ako magsusulat.

Nakakatakot, pero habang tumatagal, mas nararamdaman ko ang kakulangan, isinisigaw sa aking "hindi ka para sa pagsusulat" ngunit kahit na ganoon, gusto ko pa ring subukan. Gusto kong punan ang kakulangan, lamnan ang walang laman at patuloy na linangin ang kakayahan.

Magsusulat ako, iyon ang naging desisyon ko.

***
#EEEWavingThroughAWindow

a villein's memoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon