Kabanata 7: Unang yakap

10 1 1
                                    


"Dalhin mo ito sa bukid ng iyong Tiyo Gaspar, hinihintay ka na niya roon, kanina pa." alas kuwatro pa lang ng umaga ay minanduhan na ni Pablo si Alejandro.

Napakamot sa ulo si Alejandro, ito na yata ang pinakamaagang paggising niya sa tanang ng buhay nito, 'yong buhay kasi ng isang Alejandro sa kasalukuyang panahon ay maluho, gigising siya kung kailan niya gusto, at kung sino man ang magtatangkang gambalain ang pagtulog niya'y tiyak na mananagot sa kaniya, pero 'di na uubra ang mga nakasanayan niyang 'yon sa panahon kung nasaan siya ngayon, hindi niya puwedeng suntukin o pagsalitaan ng masama si Pablo, dahil hindi 'yon ang klase ng Alejandro na kanilang anak, ginagampanan niya na ngayon ang papel ni Alejandro Robles at hindi ng isang Alejandro “Alej” Raldeuff. Inaantok pa man siya'y, wala siyang nagawa kung hindi ang uminom na lang ng mainit na kapeng barako upang magising ang diwa niya.

"Hindi ka na ba kakain, anak?" tanong ni Gabriella.

"Hindi na po, siguro mamaya na lang pagkauwi ko, i—ina." may halong kaunting hiya pa rin na sagot ni Alejandro.

"O siya sige, mag-iingat ka, anak." Lumapit si Gabriella sa anak at marahan itong hinalikan sa noo.

Nagulat si Alejandro sa ginawa ni Gabriella, kaya 'di ito nakagalaw ng ilang segundo, parang may humaplos sa puso niya, ngayon lang siya nakaramdam ng tunay na pagmamahal at pagkalinga ng isang ina, parang nararamdaman niyang paunti-unti, ay nalulusaw na ang kaniyang depensa, ang matigas na puso ng isang Alejandro Raldeuff ay lumalambot na.

Tumango lang ito at ngumiti sa ina, pagkatapos ay lumakad na.

Sa paglalakad niya patungo sa kasuluk-sulukan na kabukiran na pagmamay-ari ng kaniyang Tiyo ay natigil siya sandali, nakarinig ito ng kaluskos ng mga tuyong dahon na nalaglag sa lupa, taimtim niyang pinakinggan at dinama ang paligid, nakakarinig siya ng mabibigat na paghinga, hawak ang kahoy na may apoy ay humakbang pa siya sa direksiyon kung saan nanggagaling ang mga ingay.

Sa paglalakad niya'y hindi nito namalayan na natisod siya sa nakausling bato, nadapa siya, at sa pagkadapa niya'y nailawan nito ang dalawang pigura na nasa ilalim ng punong akasya, nag-uusap ang dalawang taong 'yon, dali-dali siyang bumangon, umupo ito at sumandal sa puno ng mangga na nasa likuran niya, naramdaman niya ang pagtulo ng likido galing sa kaniyang tuhod, nang tinignan niya ito'y, hindi nga siya nagkamali, nagdurugo ito, buhat ng pagkakadapa niya. Pumunit ito ng piraso ng kaniyang suot na damit at itinali sa tuhod niyang nagkasugat.

"Hindi ko 'yon sinabi, mali ang narinig mo."

"P—papaanong mali ang narinig ko at hindi mo 'yon sinabi gayong nasa tabi ko lamang si Grazilda nang sabihin mo 'yon."

Nang marinig ni Alejandro ang tinig na 'yon ay nanigas ang buong katawan niya, hindi siya maaaring magkamali, boses 'yon ni Virginia. Ano'ng ginagawa ng Binibini sa kabukiran ng ganito kaaga? Nang siyasating maigi ni Alejandro ang dalawang pigura na 'yon ay napagtanto niyang si Virginia ang babaeng nagsalita kanina, at ang kausap niya ay walang iba kung hindi ang kasintahan niyang si Alejandro.

"Hindi ba sabi mo, sa ganap na oras alas nuwebe ng umaga noong nakaraang linggo ay susunduin mo ako sa aming tahanan at nang makapamasyal tayo sa hacienda ng aking Tiyo Pacito?"

Napailing si Florendo sa narinig. "Wala ako'ng maalala na sinabi ko 'yon, baka guni-guni mo lang 'yon, hindi ba't nilagnat ka noong isang nakaraang linggo, kaya siguro kung ano-ano ang sinasabi mo."

Nasaksihan ni Alejandro ang biglaang pagnginig ng dalawang kamay ni Virginia. "Nilagnat lamang ako, pero hindi ako nakalimot, huwag mo namang itanggi, nangako ka nang linggong 'yon. Florendo, n—nangako ka." nanginginig ang labing saad ni Virginia.

My Sinisinta (TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE)Where stories live. Discover now