Simula

31 7 8
                                    

July 2 2022
9:45 P.M

"Dude, mamaya na pala matatapos 'yong pustahan natin kay Aika, nakaisip ka na ba ng way kung paano mo siya hihiwalayan?" ani Diego, ang kaibigan ni Alejandro. Kasalukuyan silang narito sa bar, kasama ang tatlo pa nilang kaibigan.

"Of course, kung gusto mo ngayon ko na gawin." nilagok ni Alejandro ang huling likido na natira sa baso niya.

"Paano naman 'yong plano mong supalpalin 'yong professor natin sa Ethics, bukas?" tanong naman ni Jason, ang isa rin nilang kaibigan.

"Don't worry, may idea na ako, kung gusto mo gawin ko na rin ngayon?" maangas na tugon niya, nagsalin na naman muli ito ng alak sa kaniyang baso. Nakakailang bote na sila, pero hindi pa rin halatang lasing ang mga ito.

"Chill, nag-aaya pala si Jackson, sa likod daw ng bar, drag race, ang matalo kukunin ang sasakyan, ikaw daw Alej ang gusto niyang kalaban, g ka ba?" wika ni Johanssen, ang pinakamatalik niyang kaibigan sa buong circle of friends niya, ito na rin ang nagsisilbing kanang kamay niya.

"G!" gigil at galit na ibinagsak ni Alejandro ang kaniyang baso sa lamesa. Hinablot din nito ang jacket niyang isinampay niya sa balikat ng waiter, muntikan pang matumba ang naturang waiter sa ginawa niya.

Lumabas na ang kanilang buong barkada sa loob at dali-daling nagtungo sa likod ng bar. Nang makarating sila doon ay nagsindi kaagad ng sigarilyo si Alejandro saka sumandal sa sasakyan niya, nasa gilid naman ang mga kaibigan nitong excited nang mapanood ang mangyayaring karera. Ilang sandali pa'y dumating na ang humaharurot na sasakyan ni Jackson, nasa likod nito ang mga kaibigan niya ring nakasakay sa kanilang sariling mga motor. Jackson, kalaban niya ito sa gang noong high school sila, kaya ilang beses na silang nagtuos.

"May the best bad boy, win." ngumisi si Jackson sa kaniya, habang isinusuot ang helmet nito.

"Walang iiyak, ha?" paghirit naman ni Alejandro, ginawaran niya rin pabalik si Jackson ng kaniyang pamatay na ngisi, parang ngisi ng isang kriminal.

Sumakay na sila sa kani-kanilang mga sasakyan, at nagsimula nang buhayin ang kanilang mga makina, pina-ingay nila ang mga ito ng husto, halos balutin na ng usok ang buong lugar. Nagsimula na ang karera, sa una'y patas pa lang ang laban, ngunit 'di nagtagal ay naging mainit na ang karera, nangunguna na si Jackson sa puntong 'to, kung titignan mo si Alejandro ay wala kang makikitang bakas ng takot o 'di kaya'y kaba sa mukha niya, kalmado lang ito sa pagmamaneho. Pinaharurot bigla ni Alejandro ang sasakyan nito'y doon na niya nalampasan si Jackson, ngunit, hindi nagpatalo si Jackson at pinaharurot niya rin ang kaniya, at ilang sandali pa'y natapos na nga ang karera, malas sa araw na 'to si Alejandro, dahil si Jackson ang unang nakarating sa finish line.

"Akin na sasakyan mo." ani Jackson pagkalabas niya sa sasakyan nito, inilahad pa nito ang kaniyang palad upang hingin ang susi ni Alejandro kagaya ng napagkasunduan.

Hindi naman nagpaligoy-ligoy si Alejandro at iniabot ang susi sa kaniya, pagkatapos iabot 'yon ay ngumisi niya, ngising hindi mawari kung ano ang ibig sabihin. Tinalikuran niya na ang nakangiting si Jackson, habang naglalakad siya pabalik sa mga kaibigan nito'y may kinuha ito sa kaniyang bulsa, isang remote, may pinindot siya roon, ilang minuto pa'y pagsabog ang narinig sa buong lugar, pinasabog ni Alejandro ang kaniyang sasakyan.

"Tangin*mo talaga Alej! Tuso ka kahit kailan!" nanggagalaiting sigaw ni Jackson.

Sumakay na si Alejandro sa kotse ni Johanssen at sabay-sabay nilang nilisan ang lugar.

******

"Aika, tapos na tayo." diretsong sabi ni Alejandro kay Aika, itinapon niya rin sa katabi lang niyang basurahan ang kabibigay lang ni Aika na cupcakes na siya rin mismo ang gumawa.

My Sinisinta (TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE)Where stories live. Discover now