CHAPTER 23

265 7 0
                                    

Chapter 23

HINDI KO INAALIS ang tingin ko sa mga bata na dating nakangiti pero nang makita ako ay nabura lalo na si Caly na tila humigpit ang pagkakayakap sa leeg ni Achie. Si Breil at Mark na nakayakap sa tuhod ni Achie. Si Rehan naman na nakangiti ding nakatingin sa mga kapatid niyang nakadikit kay Achie.

"Rehan!" tawag ko sa kaniya kaya agad na lumapit sa akin at alam kong kinakabahan na siya dahil namumutla na.

"Kayong tatlo? Hindi kayo pupunta dito? Ibibigay ko 'tong binili ko sa iba," seryosong saad ko.

"Maya---"

"Hindi kita kausap." Pinandalatan ko ang tatlo dahil hindi man lang gumalaw sa sinabi ko. "Isa." Pinandalatan ko ulit sila pero hindi pa din humiwalay sa kaniya.

"Ihh, Mama," ungot ni Caly at yumakap kay Achie. Kaya tinaasan ko ng kilay si Achie. Aagawin niya din mga Anak ko? Bumaling ang tingin ko kay Vix na halata namang walang nagugustuhan sa nangyayari. Halatang nayayamot sa akin at sa mga bata, well for her information din, nayayamot din ako sa kaniya, kala niya.

"Gusto niyo i-full name ko pa pagtawag sa inyo?" tanong ko. Hindi ko aakalaing iiyak si Caly sa bisig ni Achie kaya inis kong kinamot ang noo ko sa hindi ko malamang dahilan kung bakit doon. Wala, trip ko lang kasi pinagti-tripan ata ako ng mga batang ire.

"Can you give me back my daughter? I see you're back. I'm glad you're now okay and looks..." Pinasadahan ko ng tingin si Achie ay lumipat kay Vix na inikutan ako ng mga mata. "Happy...I guess," saad ko at bulong ang huling parte.

"Mama gusto ko sa kaniya," iyak ni Caly.

Sige magsama na kayong lahat. Tatampo na 'ko!

"Kayong dalawa din?" tanong ko kay Briel at Mark. Napahinga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko dahil sa sagot nilang oo.

"Sige d'yan na kayo," saad ko at tumalikod para maglakad papuntang exit ng Mall. Tinawag ako ni Rehan na patawa-tawa na ngayon kaya inirapan ko siya at nagpatuloy na maglakad hanggang sa naramdaman ko na lang na ibang kamay na ang nakahawak sa braso ko at nang tingnan ko kung sino ay si Achie iyon na seryosong nakatingin sa akin.

"Oh?" tanong ko sabay tanggal sa kamay niyang nakahawak sa akin pero binalik niya pa din. Parehas matitigas ang ulo.

"Let's talk."

Talk mo mukha mo.

I glance at Vix who's walking straight to us then grabbed Achie's hand away from me. "What are you doing," matigas nitong bulong kay Achie na narinig ko naman.

"Talking, obviously."

"Let's go. Leave those brats already." Tumaas ang isang kilay ko sa narinig. Mapapamura na lang talaga ako sa babaeng 'to eh. Kung may galit siya sa'kin bakit talaga laging sinasali ang mga bata.

Tumingin si Achie sa akin at kay Vix at balik sa'kin bago dumapo ang tingin sa kwentas ko na ikinangiti niya bago nagsalita. "Let's talk some other time, hmkay?" Hindi na ako nakasagot dahil hinila na siya ni Vix. Bago pa sila tuluyang umalis pataas sa second floor, dumaan muna sila sa mga bata at may sinabi na siyang ikinangiti ng apat bago tumango at tumakbo sa akin.

Tinaasan ko sila ng kilay at binigyan ng tingin na nagsasabing bakit kayo lumalapit sa akin ngayon? Akala ko ba gusto niyo sa kaniya?

"Hi Mama, hehe," saad ni Briel at yumakap sa tuhod ko na sinundan ng tatlo kaya ang ending ay natawa na lang ako. Alam na alam talaga nila kung paano ako palambutin eh.

"Uwi na tayo, Mama ko." Tumango ako at sabay kaming lumabas sa exit bago nag-para ng masasakyan pauwi.

Nang makauwi naman kami ay doon ko na napansin na tumawag pala si Nemesis. Nang tawagan ko ulit, sinabi nito na hindi daw sila makakauwi ngayon dahil ayaw umuwi ni Vitto ay gusto lang din kay Draco na siyang pabor na pabor. Pagkatapos ng tawag na 'yon ay ginawa na namin ang mga nakasanayan.

HER HALF (COMPLETED) Where stories live. Discover now