CHAPTER 8

343 5 0
                                    

CHAPTER 8

Dalawang araw na simula nang hindi ako pinapansin ni Achie. Hindi ko alam ang ginawa ko pero talagang hindi niya ako pinapansin, ni hindi niya ako tinatapunan ng tingin, hindi niya ako iniimik, hindi niya ako kinakausap at naiinis ako!

Tulad na lang ng nangyari kaninang umaga pagkapasok niya. Talagang maaga akong pumasok para lang ako ang bumungad sa kaniya pero.

"Good morning, Sir Achie!" maligaya kong pagbati pero tiningnan niya lang ako at itinulak ako papunta sa gilid para makaraan siya.

Hmp!

"Sir, gusto niyo po ng kape?" Tinatanggal niya na ang suit niya ngayon at naiwan ang isang sky blue na polo at tinupi niya hanggang sa siko niya. Idagdag pa ang sinag ng araw na tumatama sa kalahating bahagi ng mukha niya.

Ang gwapo!

Kaso bakla. Natigil naman ako sa naisip, oo nga pala. Lalaki din ang gusto ni Sir.

"Sir? Coffee?" Umiling lamang siya at hindi na ako muling inimik pa buong umaga. Pagkatapos ko namang kumain ay saktong may pumasok na babae at kilala ko iyon. Si Vix.

Sa ilang ulit niyang pagpunta dito, nakilala ko na siya kahit papaano. Ex girlfriend siya ni Sir na hanggang ngayon ay hindi pa din maka move on sa kaniya kaya naman laging napunta dito kapag walang ginagawa sa sariling kompanya nito.

"Hi Achie sweetie!" Gusto kong takpan ang tenga ko dahil sa tono ng boses niya.

Agad namang tumayo si Sir Achie at binati ito sa pamamagitan ng paghalik nito sa pisngi. Nagtataka talaga ako kung bakit ang ex ni Sir Achie ay babae gayong gusto niya ang mga lalaki ngayon. Pero baka ito din si Vix ang dahilan kung bakit bumaliko si Sir.

Tumingin muna siya sa gawi ko at nang mahuli kong nakatingin siya sa akin ay ibinalik niya ang tingin kay Vix at ngayon ay nakangiti na siya dito.

Pinili ko na lang na tumayo at bitbitin ang tray na pinaglagyan ng pagkain ko kanina at tahimik na umalis kahit na binati ako ng babae ni Sir na siyang sinagot ko lang din ng magandang hapon bago tuluyang umalis.

Pagkalabas ko sa silid ay parang may pumiga sa puso ko ay nahirapan akong huminga. Ilang beses pa ako huminga ng malalim bago tuluyang bumaba sa floor kung saan nakalagay ang munting kainan para sa empleyado.

Habang nasa may lababo ako, hindi ko mapigilan ang kung anong pwedeng gawin nilang dalawa habang wala ako doon. Syempre may 'gano'ng' part pa din si Sir at gano'n din si Vix. Lalo na at mag ex silang dalawa, baka may spark pa. Pero bahala na. Bakla naman si Sir. Baka ayaw niya na sa petchay.

Nanatili muna ako ng ilang minuto doon at uminom ulit ng tubig bago naisipang bumalik sa office. Nang nasa harap na ako ng pinto, napatingin ako sa gilid kung saan ako hindi marunong dati.

Hindi ko din maririnig ang nasa loob kaya naman ay nagdadasal ako na sana walang kababalaghan silang ginagawa pagpasok ko. Ay sa kabutihang palad wala nga, pero nasa kandungan naman niya si Vix pagpasok ko.

Akala ko ba bakla?

Humahagikhik pa siya habang pinapalo ang dibdib ni Sir Achie. Napatingin naman ako sa kamay niyang nasa beywang ni Vix. Panigurado tinitigasan na ngayon si Sir Achie at ramdam iyon ni Vix sa hita. Halatang sayang saya siya.

"You are so naughty, Achie," saad niya sabay hampas sa dibdib ni Sir Achie ay hagikhik. Napatigil naman siyang napagtantong naroon ako sa may pinto at agad niya akong tinaasan ng kilay kaya naglakad ako patungo sa mesa ko. Hindi din nakatakas sa paningin ko ang pagtingin sa gawi ko si Sir Achie.

"Annoying." Rinig kong aniya Vix.

Hindi ko na lang pinansin at sa halip ay kinuha ko an notebook na malapit na mapuno dahil sa kakasulat ko ng words at doon ko ibinuhos ang buo kong atensyon kahit na rinig ko ang panay na pagtawa ng naghaharutang dalawa.

HER HALF (COMPLETED) Where stories live. Discover now