CHAPTER 4

420 7 0
                                    

Thank you for reading and for voting<3!

This chapter is dedicated to my Ate Maia
mcmxcv09xx


CHAPTER 4

I have spent my days working in the Vasco Empire. It was peaceful the whole week not until Alexandria blurted out that I'm flirting with Sir which is a false. She's just so paranoid.

Hindi nga ako magkakagusto sa bakla.

Yes, confirmed. Sir Achie is gay. Why?

Una, ang galing niyang mag-ayos ng buhok. Parang sanay sanay siya. Siguro ginagawa niya iyong kapag nagwi-wig siya.

Pangalawa, natatawa siya palagi kapag nababanggit ko ang 150. Like, anong nakakatawa? Alam kong mayaman siya pero hindi ko lang talaga expect ang gano'n kamahal na panyo. At tsaka ayon lagi naririnig ko minsan, "Psst. 150."

Pangatlo, I saw him with a guy! I mean, pupunta sana ako sa taas kasi nga ihahatid ko iyong panyo since tapos na ang trabaho ko nun. Pero nang marating ko ang floor at sumilip ako sa pasilyo, nakita kong may kausap siyang lalaki at tsaka hinimas himas din ng kausap niya ang braso niya na ikinangiti niya tapos. Tapos pumasok sila sa loob!

Ano gagawin nila doon? Magbabato-bato pick? Hah! That happened a day after noong nagkasigawan kami doon sa medyo madilim na parte malapit sa lalagyan ng mga gamit ng trabahante.

Noong una, hindi ako naniniwala. Pero ngayon, naniniwala na'kong bakla si Sir. Comfort ko nga minsan. Baka kasi nahihirapan na siyang magpanggap na lalaki kahit gusto niyang mag palda at heels. Hays.

Okay lang 'yun Sir Achie.

Nagwawalis ako dito sa pwesto ko nang bigla kong narinig ang paparating na takong. Agad kong inayos ang damit ko at baka nalukot. Baka kasi pagalitan na naman ako kesyo ganto, ganiyan.

"Good afternoon, Ma'am."

Nang itaas ko ang tingin ko galing sa pagyoko ng unti, ay pagtaas na kilay niya akong tiningnan.

"May problema po ba?" panimula ko.

"Wala naman. Pero pinapasabi ni Sir Achie na lumipat ka ng floor," suplada niyang sagot.

Ang baklang 'yun? Ano na naman kailangan niya?

"Bakit daw po? Okay naman po ako dito," magalang kong saad.

Ang lakas talaga ng trip ng baklang 'yun. Siguro inggit siya sa buhok ko. Kasi sa kaniya maikli, tapos akin, hindi. Pero ayoko lumipat! Mas sasama mga tingin ng katrabaho ko.

"Lilipat ka o tatanggalin kita?" Bumilog ang mata ko at agad na binitbit ang dust pan at inipit sa kilikili ang walis.

"Itong si Ma'am hindi mabiro. Tara na Ma'am, baka pagalitan ako kapag late," dali kong saad dahil baka magbago pa isip ni Ma'am Kalim.

Buti nga at mabait ang pakikipag-usap niya sa'kin ngayon. Malumanay ang boses niya kahit may halong pagsusuplada.

"Maam, tara. Arat na," muli kong saad dahil nakatayo lang siya doon at nakatingin sa akin. At nang sinabihan ko siya nun ay umirap siya sa hangin na ikinangiti ko. At least hindi siya sobrang maldita ngayon.

Nakasunod lang ako sa kaniya na walang dala. Ipinabalik niya kasi iyong walis at dust pan ko sa storage room ng floor na 'to dahil may ibang trabaho daw ako doon sa taas.

Sa langit daw. Joke.

Sinabi niya lang ang mga rules doon. Ang mga dapat kong gawin at hindi kapag nagta-trabaho na ako.

HER HALF (COMPLETED) Where stories live. Discover now