35. Tattooed

65.9K 2.4K 251
                                    

Hearing her voice, I felt my left body shiver. Parang naalala ko pa kung paano niya ako multuhin dati pagkatapos ko siyang gapiin.

"M-Manya?" Nangangatog ang aking tuhod nang tawagin ko siya. Siya lang ang kinatatakutan kong halimaw na nasa aking braso dahil sa kakayahan nitong maari kong ikamatay. A monster with pernicious way of destruction. Kaya ako nitong patayin without any trace. The monster can controll and take over my body after the silent kill. Mukhang nagsisimula na siyang agawin ang katawan ko!

"Hindi mo na ako kailangang ikulong pa. Kusa na akong lumabas para tulungan ka Master Laurent." Sarkastiko ang pagkakasabi niya. Sinundan pa 'yon ng nakakatakot niyang tawa na dahilan ng panginginig ng kaliwa kong katawan na siya kong kontrolado.

"Anong binabalak mo?" pigil hinga kong masambit habang sinusubukang ibalik siya sa isang sulok ng aking braso kung saan siya nakakulong ng ilang taon. There is an ongoing battle inside me which the external force doesn't know.

Tumawa ito. Nakakapanindig balahibong tawa na umabot sa buo kong kalamnan. "Huwag kang kabahan bata. Ngayon pa lang ay pasasalamatan mo na ako dahil bigla akong sumulpot para tulungan ka. Ang iba mong halimaw na halos kasinglakas ko lang ay pawang mga duwag lang at nagpapaalipin sa isang katulad mo. Sa isang mahinang katulad mo."

Pagkasabing-pagkasabi niya 'yon ay biglang umunat ang aking kanang braso. Ramdam ko parin ang paggalaw ng bawat laman nito pero hindi ko na ito kontrolado. Naging mas malaki at mas mahaba ang braso kong nangingitim na parang tinubuan na ng mga kaliskis at mahahabang kuko.

"Groooarh!" Isang malalim na alulong ang pinakawalan ng kerberus bago ko napansing nagtawag ito ng frozen balls at ice shards mula sa kalangitan. Lahat ng 'yon ay nakadireksyon sa kinaroroonan ko.

The ice shards and huge icy balls travelled fast and hit me with a single blow. Pero hindi nangyari 'yon dahil mabilis na pinaghahampas ng monster arm ni Manya ang mga nagsidatingang pag-atake. Ice shards and balls break like snow flakes and turned into a dusty fog.

"Dodge!" Sigaw ng kalahating bahagi ng aking katawan ng magpakawala ng isang higanteng apoy ang kerberus. I dodge a few meters. Then with a sudden stop, I clasped my fist on a hard rock and rotate a solid three hundred sixty degrees. After the full rotation I threw Manya's hand towards the kerberus. The monster arms extended like rubber a meter away from the three headed monster.

Pinadaloy ko ang magkasamang fire and dark energy papunta sa kanan kong braso habang nakatukod ang kaliwa kong kamay sa lupa. I needed a strong grip bago ko pakawalan ang napakalakas na combination. The dark and fire energy traveled the nerves from my head and chest to the lenght of Manya's right arm. Huge electrifying dark fire ball formed on the right palm as I struggled to release my combined keeps.

Napasigaw pa ako nang maramdaman ko ang kirot sa bawat ugat na dinadaanan ng fire and dark energy. Napakapit ako ng mahigpit sa batong halos madurog na nang pakawalan ko ang malakas na energy ball sa isa pang ulo ng kerberus. Pinuntirya ko ang bunganga nito papasok sa kanyang lalamunan. It gulped the energy ball.

Three...

Four...

Five seconds pagkatapos nitong lunukin ang energy ball ay parang walang nangyari. Shit! I'm out of charge! Lagot na kapag hindi umubra 'to. Kapag tuluyang nanghina ang katawan ko ay pagkakataon na ni Manya para paslangin ako at tuluyan na niyang kunin ang katawan ko! Alam ko 'yon ang binabalak niya kanina pa. Shit naman!

"Hmmm. Mukhang hindi umubra ang una mong pag-atake. Kailangan mo pa ng isang combination." Susol nito saakin. I can sense danger from her voice. Tila sa isang maling kilos ko ay mahuhulog ako sa patibong niya.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon