"Huwag kang ma-pressure, Supreme Elaine. Isipin mo na lang na ang anti-magic barrier ay pawang sarili mong mga kalamnan at ang mana ay ang hangin. Kung mabilis ang paghinga mo, mahihirapan ang katawan mo, hindi ba? Kung mabagal naman, kukulangin ka. Dahan-dahan mong igalaw ang mana tulad sa iyong paghinga. Ituring mo na itong pang araw-araw na gawain mo na kusa na itong gagawin ng katawan mo."

Napadilat ang bata at tumingin sa matanda.

Hangin? Paghinga? Sa isip-isip niya at nawala ang kanyang pokus. Ang anti-magic barrier at mana ay hindi na muling nakabalanse sa kanyang katawan. Kaya ang kanyang balat ay kumirot at ang kanyang kalamnan ay bumigat, na may kasamang init sa pakiramdam. Pabagsak siyang napaupo sa lupa at napahawak sa kanyang tiyan. Namimilipit na siya sa sakit kaya napabaliko na ang kanyang katawan.

"Walang magagawa ang pagpilit mo diyan sa sakit! Ipokus mong muli ang sarili mo sa anti-magic barrier at sa mana! Huminga ng malalim. Isa isip ang mga sinabi ko kanina."

Hinilata ni Zyaniah ang kanyang likod, mga kamay, at paa sa lupa. Nakahiga na ito ngunit napakasakit ng buong katawan niya mula ulo hanggang paa. Pinipigilan niya na lamang ito sa abot ng kanyang makakaya.

Huminga ng malalim, sa isip-isip niya at ito'y ginawa niya. Pinakiramdaman niya ang kanyang mana sa loob ng kanyang katawan at pinagana ang kanyang imahenasyon. Pinikit niya ang kanyang mga mata at bumuga ng hangin. Naging tahimik ang lugar sa mga sigaw sa kanya ni Pinunong Sol at tanging pagsipol lang nang malakas na hangin ang nagpakalma sa kanya.

This is just a theory but what if I imagine my mana as wind blowing in my veins?

Muli siyang huminga ng malalim at pinalawak ang imahenasyon. Unti-unti namang nawala ang sakit at kirot niya, at napanatili ang balanse ng tatlong enerhiya sa looban niya.

Napangiti ang matanda nang maramdaman nasa stable na ang mana at anti-magic barrier nito. Muli siyang naglakad ng pa-clock wise habang nakatingin sa batang nakahiga sa lupa.

"Ngayon, ituring mong parte nang katawan mo ang anti-magic barrier at ituring na parang isang paghinga ang pagkontrol mo sa mana, na kapag hindi ka nakahinga, kamatayan ang iyong mapapala."

Huminga ulit ng malalim si Zyaniah at muling inisip ang senaryo ng paghinga.

Ngumiti muli ang matanda nang maramdaman ang paghina ng anti-magic barrier.

"Ipagpatuloy mo lang iyan. Kailangang mong mapanatili iyan sa loob ng isang oras."

"Ano?!" singhal ni Zyaniah at napadilat. Tatayo sana siya ngunit sumakit muli ang kanyang katawan. Pabagsak na napahiga ang kanyang ulo at pumait ang kanyang mukha.

"Sa isang oras na iyon, alamin mo kung paano mo mapipigilan ang anti-magic barrier na ipawalang bisa ang mana sa iyo. Tandaan mong ikaw na ang may-ari ng anti-magic barrier sa loob mo. Ikaw ang dapat komontrol dito, hindi ang anti-magic barrier," paliwanag ni Pinunong Sol.

Nakayang dumilat ng bata nang marinig niya ang huling kataga ng matanda. Para bang nahimasmasan siya rito.

Mas lalong kumalma ang kanyang nararamdaman nang makita ang napakagandang kalangitan. Rinig niya ang kaluskos mula sa dahon ng mga puno noong lumakas ang hangin. Isang mapayapang senaryo na nakapagpakalmang muli sa kanyang isipan.

Pumikit ito at natahimik saglit. Malalim siyang nag-isip at mayamaya'y ngumiti.

𔓎𔓎𔓎𔓎

"NARITO na tayo," paalala ni  Captain Alaric sa kanyang mga kasamahan nang makapasok sila sa sentrong bayan ng Olga Kingdom. Kasalukuyan silang nasa karwahe na pinapaandar niya.

I'm a Ghost in Another WorldWhere stories live. Discover now