Inakbayan niya ako at nginitian.

"Oo naman Mahal!" Palatak niya. "Masarap ang luto ng Nanay mo kaya mauubos ang lahat ng ito." Positibong saad pa niya.

"Talaga?"

"Oo naman. Basta ipautang mo ang mga ito siguradong ubos ang lahat ng ito!"

Nalukot agad ang mukha ko sa sinabi niya.

"Anong utang?! Bakit ko ipapautang ang mga ito Mahal?" Sikmat ko sa lalaki.

Napakamot siya sa batok.

"E mahal, ganon naman talaga sa negosyo eh. Kapag hindi ka pa nakakabenta syempre pautang mo na." Pahayag ng magsasaka.

Umingos ako at niyakap ang basket na hawak ko.

"Ayaw ko nga!"

"E Mahal, Paano ka makakapaubos niyan?"

"Edi maglilibot sa kabilang barangay kaysa magpautang ako!" Asik ko.

Napakamot uli si Noli sa kaniyang batok.

"Mahal, Konting baba ng pride."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit ba pinipilit mong ipautang ang nga ito? Pinaghirapan lahat ng mga ito ni Nanay tapos ipauutang ko lang Mahal? Nagiisip ka ba?" Simyento ko.

"Mahal nagiisip ako."

"Hindi ka nagiisip! Boplaks ka!" Singhal ko sa kaniya.

"Tunguno! Ako pa ang boplaks?" Manghang sambit niya at napailing.

Padabog akong tumayo at binitbit ang basket.

"Ako nalang maglilibot at magtitinda. Umuwi kana sa inyo!" Wika ko at kinuha ang bilaong nakapatong sa mahahabang binti niya.

"Mahal naman."

"Huwag mo akong mamahal-mahal diyan!" Pagtataray ko at maingat na sinulong ang bilao sa ulunan ko.

"Mahal, Akin na iyang bilao. Ako na ang magdadala."

"Hindi! Ako na! Umuwi kana!"

Napakamot sa ulo nito si Noli.

"Mahal, hindi kita hahayaang magisang maglibot at magtinda sa malayo."

"Kasi ano? Kasi maraming aaligid na lalaki? Selosong magsasaka!" Sikmat ko sa kaniya.

Nalukot ang gwapo niyang mukha.

"E ano kung seloso akong magsasaka? Nagmamahal lang ako Mahal!" Kapagkuwang asik na niya sa akin.

Umismid ako.

"Hmp!"

"Mahal, Sige na. Akin na iyang bilao. Ako na magdadala." Pamimilit pa niya at sinubukan kunin sa akin ang bilao.

Wala na akong nagawa kundi ibigay sa kaniya. Hindi din naman niya ako titigilan. Si Noli ay si Noli!

Naglibot-libot na uli kami ng barangay. Pinuntahan namin ang barangay hall at sinubukan magtinda roon.

"Kapitan Juarez, Bili na po kayo ng paninda namin." Nakangiting saad ko sa matandang lalaki na siyang nakita ko sa labas ng opisina nito.

"O ikaw pala Myrna ineng, Kumutsa ka?"

"Mabuti-buti naman po Kapitan," magalang na sagot ko.

"O kumusta naman ang Tatay mo? Ang nanay at nga kapatid mo? Kumusta din sila?"

"Mabuti naman po sila Kapitan."

Oo nga pala, Si Kapitan Bernardo Juarez ay dating kaklase raw ni Tatay noong elementarya sila. Mabait at matulungin daw ang lalaki ayon kay Tatay. Noon daw kapag walang baon si Tatay ay nagbibigay daw pangmeryenda ang lalaki. Kaya siguro, kahit magkaibang barangay silang dalawa ay nagagawa parin suportahan ni tatay ang matandang dating kaibigan na ngayon ay isang kapitan.

"O siya, Ano ba iyang mga paninda mo at may bodyguard ka pa Ineng?"

Natawa ako ng mahina.

Bodyguard pala ang tingin kay Noli.

Narinig kong tumikhim si Noli.

"Mawalang galang po Kapitan, Maari ko po bang ipakilala ang aking sarili?" Magalang na sabi ni Noli rito.

"Aba'y oo naman balong, Sino ka ba?" Balik na tanong ni Kapitan kay Noli.

Muling tumikhim si Noli.

"Ako po si Nolivares Santillan, Kabarangay po ni Myrna. At kung hindi niyo po mamasamahin...nobyo po ako ng babaeng ito."

Napamaang ang matandang kapitan sa sinabing iyon ng magsasaka. Napatingin pa sa akin ang kapitan.

"Totoo ba Ineng? Nobyo mo ang lalaking ito?"

Nahihiyang tumango ako. Namumula na ang aking mukha. Bakit kasi kailangan pang sabihin ang bagay na iyon ng lalaking ito! Kaasar naman! Nakakahiya tuloy kay Kapitan!

"O-opo Kapitan." Magalang pa ding sagot ko.

"Aba, Tama ang desisyon ng pagpili mo Balong." Maligalig na narinig kong sambit ni Kapitan kaya mabilis akong napaangat ng tingin. Malaki ang ngiti sa mga labi nito na para bang may magandang nangyari.

"Aba oo naman po kapitan! Tama po talaga ang desisyon ng pagpili ko kay Myrna. Bukod po sa maganda na ay masipag pa!" Palatak ni Noli.

Parang biglang nanaba ang puso ko dahil sa sinabi niyang iyon.

Kahit hindi ako matalinong babae...nakikita ko sa kaniyang mga mata na nagsasabing proud pa ding siyang naging nobya niya ako.

Nagyuko ako ng ulo. Bigla akong nahiya.

"Alagaan mo ang anak ng matalik kong kaibigan. Kapag sinaktan mo siya naku dalawa kami ng tatay niya ang makakalaban mo Balong, Tandaan mo 'yan." Narinig ko pang saad ni Kapitan kay Noli.

"Naku po Kapitan, hinding-hindi po iyon mangyayari Kapitan. Mahal ko po ang girlfriend ko. Kaya kahit anong mangyari hinding-hindi ko po sasaktan ang babaeng mas pinili ko sa lahat ng babaeng sumubok na kumuha ng aking puso." Pahayag naman ni Noli na siyang nagpaantig sa aking puso't damdamin.

Nakakarami kana talaga Mahal!

"Aba'y mabuti naman at nagkakaintindihan tayo." Wika ni Kapitan. "O siya sige, Dahil mabuti ang hangarin mo sa anak ng kaibigan ko. Sige bibilhin ko na ang lahat ng paninda niyo."

Napaangat ako ng tingin.

"Talaga po Kapitan?" Gulat na gulat na sambit ko.

Ngumiti ang matandang lalaki at bahagyang sumulyap kay Noli at muli din ibinalik ang tingin sa akin.

Umangat ang isa nitong kamay at ipinatong sa ulunan ko.

"Oo Ineng, Bibilhin ko na ang lahat ng paninda mo at sabihin mo sa nanay mo palagi siyang magluto at magdeliver rito araw-araw ng kakanin niya para may meryenda ang mga kagawad at tanod." Wika pa ni Kapitan.

Nagdiwang ang puso ko.

"Salamat po Kapitan!" Bulalas ko. "Mahal, Halika ibalot na natin ang lahat ng mga ito!" Sabi ko at sinimulan na namin ibalot sa malabong supot ang mga kakanin at ube.

Pagkatapos niyon ay nagpaalam na kami kay Kapitan.

Malaki ang ngiti at nagdiriwang ang puso habang pauwi.

"Mahal," tawag ko sa lalaki habang naglalakad pa rin.

"Oh, Mahal bakit?"

"Salamat ah,"

Nilingon niya ako at binigyan ako ng malaking ngiti.

"Basta para sa 'yo Mahal gagawin ko ang lahat." Turan niya.

Napangiti ako at wala sa sariling dinamba siya ng niyakap.

NASSEHWP

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now