40- Goodbye

82 1 1
                                    

Nagtataka man ako ay dinala ko si Faye dito sa park. Nagkaroon pa nga kami ng konting problema kasi nagsuka nanaman ito at ang kinatakot ko, ang suka ni Faye ay may halong dugo. Natatakot man ako! Pero di ko iyon pinapahalata sa kanya. Gusto kong makita nya akong malakas. Ayaw kong bigyan sya ng problema nang dahil lang sa nakikita nya akong mahina.

Nandito na kami ngayon sa Park. Pina-private ko muna ito kay James. Mabuti at pumayag ang security guard nito. Hindi na makapag-lakad si Faye kaya sa wheel chair sya nakaupo ngayon. Sina Shane naman ay iniwan muna kami. Bibili daw muna sila ng pagkain dahil baka magutom si Faye.

Inupo ko si Faye sa may Bench malapit sa slide kung saan lagi kami nagtataguan. Nagpaiwan muna kami sa private nurse nya.
Tahimik lamang kaming nakatingin sa kawalan. Hawak ko ang kamay nya! Wala sa amin ang nagsisimulang magsalita.

"I still remember this place...we used to play hide and seek, right?" Si Faye. Tumingin ito sa akin. She slowly caressed my face. Ngumiti ito sa akin ng mapait. Pagkatapos ay sumandal ito sa balikat ko. Isiniksik nya ang mukha nya sa leeg ko.

"Minsan naiisip ko. Bakit nakayanan ko pang mabuhay ng halos 3buwan kung alam kong malala na ang sakit ko.....bakit nakakayanan ko pang huminga kung mismong katawan ko ayaw ng mabuhay? Pero alam mo ba?" Hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Dahil sa pagmamahal mo....." she looked at me. "You taught me how to live. Tinuruan mo akong maging manhid para dko maramdaman yung sakit na ito. Sometimes......I'm thinking......what if I give up? Would you forgive me? Mapapatawad mo pa kaya ako kapag iniwan na kita?"

Masyado akong natatakot sa mga binibitawang salita ni Faye kaya niyakap ko ito para di nya makita kung gaano ako nahihirapan at nasasaktan. Dko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

"Thank you for giving me a chance to love you. Para maiparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal. Thank you for making me feel special. Naranasan ko din ang pagmamahal na matagal ko ng pinangarap na ibigay mo....." she whispered. Tuloy pdin ang pagsalita nito kahit na niyayakap ko sya.

"Salamat kasi....kahit alam kong nasasaktan ka. You're always with me, facing this. I can't afford to loose you, Drew. Kaya ginawa ko ang lahat para mahalin mo din ako. I guess, I was lucky that Finally you've love me back."

Maya pa ay naramdaman kong basa na pla ng luha ni Faye ang damit ko.

"I....I....I want to sleep! Gusto ko na magpahinga. Please don't leave me."

I nodded. Ramdam kong napangiti ito.

"I love*sob* i love you." She whispered.

"I love you too. So much!"

Dpa din ako nabitiw sa kanya sa pagyakap. Pero nagulat ako ng biglang lumuwag ang pagkakayakap nito sa akin. Natakot ako! Iniwan na ako ni Faye. Wala na ang mahal ko.

Hinarap ko ito sa akin. Hiniga ko sya sa braso ko. I caressed her face. May luha pang pumapatak galing sa mga mata nya kaya pinunasan ko ito.

"I love you so much. Thank you for everything! I won't forget you. I love you." Bulong ko dito. Pagkatapos ay agad ko syang niyakap.

Salamat kasi pinaranas mo sa akin na mahal mo ako. Hinding hindi kita mkakalimutan, Faye. Antayin mo ako! MAGKAKASAMA ULE TAYO! SA KABILANG MUNDO MAGMAMAHALAN TAYO.

Bestfriends to Lovers (CTM Series #1) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now