13- Meet Shane.

130 4 0
                                    

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni James. Diko alam kung sasaya ba ako dahil finally natagpuan ko na sya? O magi-guilty dahil dko pinagtapat na ako si Pipay. Tama kayo, oo kagaya nya. Nagkagusto ako sa kanya. Iba ang feeling ko nung araw na nagkita kami noon sa EK. Sino bang bata ang magtatangkang ipagtanggol ang kapwa bata nito sa isang Mama. Take note 4year old palang kami noon. Aissshhh.

Nandito lamang ako sa kwarto ko, tutal saturday naman walang pasok.

* tok tok tok *

"Come in." Sigaw ko.

Nagulat ako ng biglang iluwa ng pinto ang isang babae na maputi, suot ang isang blue fitted v-necked dress. Ang mga buhok nito ay nakatali at tila nakatirintas.

"Hey cous." Si Shane. Pinsan ko.

"Whaaa-whaaaat are you doin here?"

"Grabe ka naman. Tagal nting di nagkita tapos yan agad ang isasalubong mo sakin Pinsan?" Then she pouted.

Ang cuuuteeee ng pinsan ko. Magkasing edad lamang kami nito. Lalo syang pumuti, nasa America kasi ito. Dun na nagpatuloy mag-High school. After 2years na di kami nagkita, mpapansin kong malaki ang pinagbago nito.

Umupo ito sa kama at sumandal sa headboard.

"Soo. Kamusta ka?" Sabi nito at ngumiti ng kay lapad.

"Okay lang. Ganun pdin."

"I see." Sbi nito at tumango tango.

"Teka. Kelan kapa dito? I mean. Kelan kapa dumating ha? Sinundo kaba nina Mommy?"

"Kanina lang umaga. Pinasundo lamang nila ako kay Manong Ruben. Busy daw sila sa Kumpanya e. Mamaya nalang daw kami magkita sa dinner."

"Sabi ko nga."

"Ano kaba? Tara mag-shopping." Sabi nito at humarap sakin.

"I'm tired." Sabi ko, sabay humiga at nagtilakbong ng kumot.

Hinila naman agad nito ang kumot.

"MyGosh. Parang ikaw ang bagong dating at nag-iinarte ka dyan. Tara na. Maligo kana."

"Ayaw ko." Matigas kong sabi.

"Ayaw mo? O you want my kiliti power?" Sabi nito. Tinignan ko ito at nakaluhod na sa tabi ko at naka-crossed arm.

"Ano?" She continued.

"FINE FINE." Sabi ko at tumayo na.

Aisssshhh. Ano paba magagawa ko? Sa kulit naman nito alam kong matatalo ako. Tskkk.

"Ako na magreready ng susuotin mo. No worries, I'll make sure mas gaganda kapa." Sabi nito.

Tinaas ko ang kamay ko na parang okay-I-surrender.

After kong Maligo.

Nakita ko na ang damit kong niready nya na nakalagay sa ibabaw ng kama ko. Hmm may taste din tong bruha na to.

Sinuot ko na ang jumper short na pinili nya sa akin. Oo pinag-jumper ako ng gaga, with Sky blue lady sando sa loob. Pagkatapos nun tumingin ako sa salamin at bagay naman sakin. Nakita ko na may Gucci rubber shoes na nakalagay din sa ibabaw ng kama ko. Kinuha ko ito at sinuot. Bagay naman!

Inayos ko na ang buhok ko, blinower at ni-one sided hair ko lamang. Perfect na sakin to. Kinuha ko ang body bag ko na nakapatong sa study table ko. Sabay lumabas na ng kwarto. Bumaba na ako sa living room. Nasan na kaya ang gaga?

"Wow." Sigaw nito.

Tinignan ko ang likod ko sa may gawing Kitchen. Hawak nito ang isang glass of calamansi Juice.

Bestfriends to Lovers (CTM Series #1) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now