33- Day 4 (I know you're sick)

75 1 0
                                    

Haaaaay. Gabi nanaman! Pang-apat na araw na namin dito sa BAtangas. Nandoon sila, malayo sakin. Napagplanuhan kasi nilang mag bonfire habang nag-iihaw ng marshmallows. Anong trip yon diba? tapos Heto ako ngayon, nag-sosolo sa may Lawa. Nakaupo ako ngayon sa mga buhangin habang ang paa ko ay nababasa ng tubig lawa. Masyado na din akong napapagod. Feeling ko lagi para akong nakikipag-karerahan sa mga kabayo kahit hindi naman. Alam nyo yon? Lagi kang pagod kahit wala ka naman ginagawa. Lagi din sumasakit ang ulo ko. Kung minsan sa umaga, nakakaramdam ako ng pag-suka pero pinipigilan ko, baka kasi kung anong isipin nila. paano kung tanungin nila ako? Ano isasagot ko?

Masyado din akong nahihirapan sa setup nina Chelsea at Drew. Believe din ako kay Chelsea ano? Mahal nya talaga ang bestfriend ko kahit papaano? Sina mommy at Daddy. NExt week uuwe, a day before christmas. Okay na naman yon dba? Kahit palagi silang wala, magkakasama pdin kami sa pasko.

"Nandito ka pala." Si James. Umupo ito sa tabi ko. Inalok nya sa akin ang dala nyang inihaw na marshmallow. "I've been searching on you, nandito ka lang pala. Muntikan ko ng languyin yang lawa noh para hanapin ka. Baka kasi naisipan mo ng magpakalunod-- aww.." He continued.

Dami na agad nasabi nito. Batukan ko nga! Masyadong OA.

"OA ka talaga Bakulaw." Sabi ko sabay kagat sa marshmallow.

"Nagsasabi lang ako ng totoo, PAyat." Aba. At bumelat pa. Antipatiko talaga ito.

INirapan ko nalang ito. ISIp bata talaga forever. Tahimik lang kaming dalawa. PArehas namin tinatanaw yung Taal sa may lawa.

"Alam mo bang may simbahan daw dyan sa ilalim ng lawa na yan." Tinuro ko ang lawa.

"Weh? Di nga?" Tumango ako at ngumiti. "Tara nga tignan natin." Hihilahin sana ako nito patayo pero binatukan ko ule ito.

"Aray. Nakakadalawa kana ha." reklamo nito.

"Wala pang nakakasukat sa lawa na yan. Sobrang lalim daw e." Sabi ko.

"Edi may piranha din dyan? Lake yan e."

Teka nga at mabatukan.

"Awww. Tatlo na yon ha."

"SIraaa. Anong piranha? Hoy Michael James Fortalejo, nasa Pilipinas ka. Usually sa ibang bansa lang may Piranha."

"Ahhhh. Sabi ko nga." Sabi nito at tumango tumango.

Umiling nalang ako dito. Ilang minuto din kaming tumahimik dalawa. Tanging alon lang sa lawa ang naririnig namin.

"I want to make you smile every second, every minute, every hour, everyday, and so on and so on. Can you owe me a favor?" Nagulat ako sa sinabi nito kaya napatango nalang ako. Nagkatinginan kami pero agad itong umiwas.

"Can you smile for me, everyday? Let me be the reason why you're happy. Gusto kitang pasayahin."

"W-why?" Walang tunog kong sabi.

Naguguluhan ako.

"It can help you, Ohh. I mean I can help you to ease the pain."

Pain? Pain about Drew? Or.... No way! No fuckin way. Paano nya malalaman e wala naman nakakaalam na nag-papacheck up ako kay Dra. Rivera.

"Alam mo bang someone told me na nakakapag-pahaba ng buhay ang pag-ngiti? Nakakawalan ng problema. Syempre kapag ngumiti ka, it means masaya ka. Pero sana wag kang ngingiti kung plastik lang din. Gusto kitang maging masaya para humaba din yang buhay mo, kasi mas matimbang ang pagiging masaya kesa sa ngiti."

What does he mean about it? Hindi kayaaa. Omg!

"I know you're sick, Faye." Sabi nito.

I knew it. Pero paano nya nalaman?
Nakatingin lamang ako dito. Hindi pdin nag-sisink in sa utak ko ang sinabi nito. Agad akong tumayo at naglakad palayo sa kanya pero sinundan pdin ako nito.

Bestfriends to Lovers (CTM Series #1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon