Kung umasta 'tong animal na 'to ay para bang mas bata pa siya kay Heavenhell. Wala akong tatanggapin na ganiyan umasta maliban kay Vile. Ang daddy ko lang ang papayagan kong umasta ng ganiyan sa harap ko. P--pfftt! Ehem! Ang landi, Carnelia ahh!

Pero in fairness naman dahil ang cute nitong si Clive kapag umaarte siyang ganito. Kung hindi nga lang siya baliw sa isip ko ay malamang ay nakurot ko na ang pisnge niya.

 
"So, what should I call you?" Tanong ko na lang na kinangiti niya na nang malawak.

 
"The name you called me last time is okay. Many people don't call me by that name, so it sounds unique if it's you." Excited niyang sabi na tinanguan ko na lang. So, gusto niyang tawagin ko siyang Clive in public? I see!
 

"Okay! So, Clive, it is." Nakangiti kong sabi sa kaniya na kinangiti niya rin habang tumatango-tango na parang bata. Aiya!

Nang ipagpapatuloy ko na ang pagkain ay tsaka naman sumingit ang isa ring animal. Mukhang ayaw talagang magpatalo sa pinsan niya, kaya agad-agad ding nagsalita.

"Me too! Me too!" Sabi niya habang nakataas pa ang isang kamay na parang magre-recite sa guro. Tsk! Tsk!

 
"What?"

"Just Deyl is okay for me, my love." Nakangisi niyang sabi na kinataas ko ng kilay. Si Clive naman ay agad ding kumilos at binato siya ng kutsara na mabilis naman nitong naiwasan.

"Itigil mo 'yan, Deyl." Banta niya sa pinsan na nginisihan lang siya. Aish! Hindi na ako magtataka kung bakit biglang mawawala sa eksena itong si Deyl, dahil siguro sa ugali niyang mapang-asar. 

Agad na akong nagsalita nang makitang magsasalita pa sana siya. Mas mabuti kung matuturuan 'tong si Deyl na pigilan ang bibig niya minsan kung ayaw niyang mamatay. Geez!

"I will call you Deyl, but stop calling me that." Sabi ko na lang na kinailing niya. Halatang ayaw niyang pumayag dahil sa mukha nitong biglang naging cold.
 

"No way!" Malamig nitong sabi na kinalunok ko na lang. This guy is also scary! Bakit ba ako napapaligiran ng mga nakakatakot na tao aber?!

 
"Then I'll just call you young master." Kunwaring nanghihinayang kong sabi kahit pa sa loob ko ay kinakabahan ako ng konti.

Like duh? Mamaya magulat na lang at tinutok niya na sa'kin ang baril niyang nakatago sa damit niya, edi namatay naman ako agad! Medyo malaki pa naman ang handgun niya. Kaya kung isusubo niya 'yon sa bibig ko at papuputukin, siguradong tatagos ang bala sa likod ng ulo ko.

Nakasulat kasi 'yon sa nobela na ganon pumatay itong si Deyl. Ewan ko kung anong trip niya at kailangan niya pang ipasok sa bibig ng kalaban ang baril niya bago paputukin? Hindi ba't parang nakakadiri naman kung iisipin?

Mabuti na nga lang at kapag ginagawa niya 'yon ay agad niya ring tinatapon ang baril niya at pinapalitan ng bago. Geez!
 

"No!" Dinig kong sabi niya.

Hindi na lang ako nagsalita at tinitigan lang siya. Nang mapansin niyang nakatingin na ako sa kaniya at wala nang balak magsalita ay alam kong alam niya nang hindi na mababago pa ang isip ko.

"F--fine!" Nakasimangot niyang sabi na kinangiti ko na agad. Hehe! Malaking achievement na sumuko itong si Deyl sa'kin.

Sa libro kasi basta gusto niya, gusto niya at wala nang makakapagpabago pa ng desisyon niya. Ganon siyang klase na male character. Yung tipong may isang salita at kahit pa anong mangyari ay maninindigan siya sa sinabi niya.

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now