CHAPTER I hana하나

1K 87 46
                                    

...................................................................................... ............................ ........

Chapter I:Hanya Department

Tanghali na ng maisipan kong magreview sa mini forest.

Bubuksan ko lang sana ang unang pahina ng aking libro ngunit napatigil ako nang makita ang parating na lupon ng mga estudyante.

"Oppa! Oppa! Autograph please."

"Yohan ! Kyu!"

Sigaw ng mga estudyante na hinahabol ang dalawang lalaki na miyembro ng Chosen. Ang Chosen ay isa sa sikat na Kpop group na umani ng maraming awards mula sa music industry at nakapagrelease na rin ng ilang mga albums. Bukod sa sikat sila ay may angking kagwapuhan rin sila na siyang dahilan kung bakit hinahabol na sila ng kanilang mga die-hard fans.

"Girl! Mukhang napakatigas talaga ng bungo ng mga K-pop members na yan. Di ba ilang beses na silang napagsabihan na bawal pumunta sa Hangul Department ang mga tulad nilang sikat ?" inis na wika ni Gi Rae habang humahakay. Napabalikwas kasi siya sa kinahihigaan niyang bench matapos marinig ang sigawan ng mga estudyante.

"Nakakasakit talaga ng ulo ang mga lalaki na yan! Kailangan na natin silang pigilan  bago pa man sila mambulabog ng klase," anyaya ko sa aking kaibigan na nagngangalang Gi Rae. 

Tumakbo kami ng mabilis at nakita namin yong mga lalaki na pinapalibutan ng kanilang mga fans. Buti na lang at nandito kami sa pathway kung saan malayo sa mga classroom ng mga estudyante, dahil kung hindi ay baka magbeastmode na naman yong mga teacher.

Ilang metro pa lang ang layo ko ay napansin agad ako ni Kyu.

"Andyan na yong halimaw na officer!" alarmang sigaw ni Kyu at nasapo ko yong noo ko dahil tumakbo na naman sila.

"Gi Rae! Ikaw na ang bahala sa mga fans ng Chosen." utos ko sa babae kong kaibigan na Koreana.

"Roger Ma'am!" sumaludo sa   akin si Gi Rae pagkatapos ay sinusubukan niyang pabalikin sa klase y'ong mga kasapi ng fans club ng Chosen.

Iniwanan ko na si Gi Rae at nagsimulang habulin ang mga troublemakers ng school.

My name is Andrew de la Costa at isa akong half Pinay and half Korean na maswerteng nakapasok sa Korean University sa Seoul. I am also one of the new appointed peace officers who was selected by the President of the Academic affairs. Gawain ko lang naman na pigilan ang mga nangugulo ,nagcucuting at syempre yong mga hindi sumusunod sa rules and regulation ng school tulad ng ginagawa ng mga lalaking ito. Don't get me wrong pero babae ako. Gusto kasi ng lolo ko na ang ipangalan sakin ay Andrew at hindi ko alam kung ano bang meron sa pangalan na yon para ipangalan sakin.

"Hoy tumigil kayo sabi!" sigaw ko ng makita ko silang lumiko at dumaan sa hardin ng eskwelahan. Wala silang pakialam kung natatapakan na nila yong mga magagandang bulaklak sa paligid.

Ang Korean University ay pinaghati sa dalawang Department. Ang Hanya building na kung saa'y para sa mga sikat na artista at Kpop at ang Hangul building na para naman sa mga ordinary na mga estudyante na tulad ko.

Mahigpit na ipinagbabawal na pumunta rito ang mga estudyante mula sa Hanya Building dahil pinagkakaguluhan sila ng kanilang mga fans. Ang mga taga Hangul Department ay hindi rin pinapayagang makapasok sa Hanya Building maliban sa mga officers na tulad namin.

"Kyu! Ibigay mo na sakin yan!" wika ni Yohan na may kinuhang kung anong bagay mula sa bag ni Kyu. Itinapon niya yon at nagdulot ito ng kulay abong usok na siyang dahilan ng pananakit ng aking mga mata. Napaubo na rin ako kaya nagmadali kong kinuha ang smoke screen protection na araw araw kong dinadala . Naging preperado na ako dahil tinapunan na rin nila ako ng homemade smoke bomb nung nakaraang pagkikita namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Love and Hate Collide(K POP)(Under REVISION)Where stories live. Discover now