Nanlaki ang mga mata ni Amor nang makita ang batang nasa harapan. Napaupo ako sa upuan at yumakap kay ina. Bago magsalita ang batang babae ay  tumingin ito sa'kin at bahagyang ngumiti.

"Paumanhin, ngunit sa tingin ba natin ay pasok ang batang iyan upang pakinggan ang kaniyang sasabihin? maaaring binulungan ang batang iyan upang magsaad ng mga salita—"

"Paumanhin, ngunit hindi namin tinutulan ang iniharap ninyong testigo kaya't sanay hayaan natin ang batang ito na magsalita.... dito sa hukuman ay mahalaga ang tinig hindi ba?!" mahinahong saad ni Kuya Samuel.

Nanlulumong napaupo sa upuan ang abogado ng kabilang panig habang hindi makatingin sa gawi ng batang babae si Amor at ang tagahukom. Lumapit si Kuya Samuel sa batang babae. "Ano ang iyong pangalan at sino ka?" tanong nito. "Ako po si Angelita... limang taon napo ako" tugon nito.

Akmang ibubuka ni Kuya Samuel ang kaniyang bibig nang magsalita muli ang batang babae. "Tulungan niyo po ako....pinatay po nila si itay tapos pinunit po nila yung damit ni ate ko.....tulungan niyo po ako" napaalis ako sa pagkakayap kay ina at napatingin sa batang babae. Hindi ako nagkakamali dahil siya ang batang aking nakita nang mga panahong bumili ako ng suman at tupig.

Lumakas ang hagulgol ng bata at pinagmasdan nito ang buong paligid, mas lumakas ang hikbi nito nang dumapo ang tingin nito kay Don Tolentino. "Siya....pinatay niya itay ko.." nagulat ang lahat dahil sa sinambit ng batang babae.

Nanlaki din ang mata ni Don Tolentino. "Siya...pinatay niya si inay at si itay.....siya ang pumatay.." saad ng bata at napalakas ang hagulgol nito niyakap siya ni Lazaro at sandaling inilayo sa harapan.

Nagitla kami nang biglang tumayo si Don Tolentino. "Di hamak na mas kapani-paniwala ang aming testimonya....ang isang batang katulad niya ay maaaring hindi magsabi ng totoo!" galit na sigaw nito.

Napatikhim si Kuya Samuel. "Mas kapani-paniwala ang mga batang walang gaanong muwang sa mundo ngunit nagsasabi ng totoo. Bakit hindi natin kilatasin ang inyong testigo, bagaman siya nga ay nasa wastong gulang at nasa wastong pag-iisip ngunit tiyak na malaki ang interes nito kaysa sa isang batang paslit" kalmadong saad ni Kuya Samuel.

"Sinasabi mo bang binayaran ng akusado ang testigo upang magkalat ng mga maling testimonya patungkol sa nasasakdal?!" sarkastikong tanong ng tagahukom. Napangiti si Kuya Samuel. "Bakit hindi?" saad  nito. "Hindi ba't ikaw sa iyong sarili hukom Pelayo ay nagpasakal ka rin sa malaking halaga ng salapi" kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga mata ng hukom nang sabihin iyon ni Kuya Samuel.

Sa tingin ko'y ito na ang isang kasulatan na nakuha namin ni Lazaro. Napatingin ako sa aking kanan at mabilisang nagtama ang mga mata namin ni Lazaro habang katabi nito ang batang babae kanina.

May inilabas na puting sobre si Kuya Samuel. "Narito sa sobreng ito ang mga palitan ng liham ni Tolentino Salvacion at ng Punonghukom" saad ni Kuya Samuel at inilabas ang laman ng sobreng puti at inilapag iyon sa lamesa. Napailing-iling si Kuya Samuel.

"Ikaw ay tinuringang punong hukom ngunit napakadali mong malinlang.....at ikaw Don Tolentino dati ka pa man din Gobernadorcillo ngunit hindi ko akalain na pinapadaan mo sa salapi ang lahat at pilit mo pang idinidiin sa kaso ang isang heneral na si David Delos Santos gayong hindi naman niya ito ginawa" mariing saad ni Kuya Samuel dahilan upang mamutla ang tagahukom at napayuko ang nagngangalang si Amor.

"Isa pa kung sinasabi niyong dapat ay patas ang laban ay bakit niyo pinakulong ang nasasakdal sa Sta.Rosario gayong may malapit na kwartel dito....at labag sa batas ang ginawa niyong pambubugbog sa nasasakdal gayong hindi pa ito humaharap sa husgado" saad muli ni Kuya Samuel.

Natahimik ang lahat at kitang-kita ko ang pagkakabigla ni Don  Tolentino.  Naglakad si Kuya Samuel sa gitna at humarap sa kanilang testigong ngayon ay hindi na makatingin sa kanila. "Nais kitang papiliin....nais mo bang manatili sa piitan nang napakahabang panahon o nais mong mabuhay nang matiwasay kasama ang mga madre sa ampunan" mariing wika nito habang nakatingin kay Amor.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Where stories live. Discover now