Napatikhim si ama at nakita kong tinapik nito ang balikat ni Kuya. "May tiwala ako saiyo Samuel....at sana'y hindi mawala ang pagmamahal mo sa akin anak sa oras na malaman mo ang dahilan sa likod ng lahat ng mga ito" seryosong saad ni ama.

Balak ba nitong sabihin na, nakulong si Kuya David dahil sa kaniya dahil sa pumayag ito sa kasunduan nilang dalawa ni Don Tolentino at ang pagkakasundo sa aming dalawa.

"Ano ang iyong ibig sabihin ama?" takang tanong ni Kuya Samuel. "Patawarin mo ako anak....ngunit....ako ang dahilan kung bakit nangyari ito sa iyong kapatid....at pati si Solana ay aking nadamay" malumanay na saad ni ama.

Napakunot ang noo ni Kuya Samuel. "Maaari bang ipaliwanag niyo sa akin ang lahat ama...sa totoo'y ako'y naguguluhan din sapagkat hindi ko batid ang tunay na dahilan kung bakit humantong sa ganito si Kuya David...hindi mo nabanggit ang mga bagay na iyon saiyong sulat sa akin ama" mahinahong saad ni Kuya Samuel ngunit ang tinig niya'y tila humihingi ng kasagutan.

Huminga nang malalim si ama. "Nagalit ang iyong David sa akin dahil sa aking kagustuhan na ipagkasundo ang iyong kapatid sa anak ni Tolentino....maraming beses na akong kinausap ng iyong  Kuya David ngunit sarado ang aking tainga upang pakinggan iyon hanggang sa humantong ito sa ganitong pangyayari" mahinahong saad ni ama.

Nakita ko kung paano pininipigilan ni Kuya Samuel ang kaniyang sarili.  Hinahaplos ni ina ang kamay nito. Napasinghap ako nang magtama ang mata namin ni ina. Dahan-dahan akong napatayo at maingat na naglakad patungo sa aking silid at agad na isinira ang pinto.

Sa tingin ko'y iyon ang dahilan kung bakit balisa ang mga mata ni amang tumingin sa akin kanina. Posibleng hindi nababatid ni Kuya Samuel ang pagkakasundo ko kay Jacinto, dahil nang mga panahong nagpadala kami ng sulat ni Kuya David sa kaniya ay hindi niya na ito nabasa dahil ito'y kasalukuyan nang nasa barko.




KASALUKUYAN akong nasa aking silid habang pinagmamasdan ko ang handog na damit sa akin ni Kuya Samuel ayon sa kaniya ay binili niya pa ito sa Europa. May hinandog din ito sa aking pabango, kwintas, ipit at payneta.

Inayos ko ang mga ito at isinilid sa aking aparador, balak kong tumungo sa aklatan dahil may hiniling ako kay Kuya Samuel na nais kong bilhin na libro. Matapos ang pag-uusap nila Kuya at ama kanina ay hindi ko nakikita ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa, aking masasabi na balisa man ang mga mata ni Kuya Samuel ngunit sa tingin ko'y hindi ito magtatanim ng galit kay ama, lalo pa't nakikita nitong nagsisisi na siya.

Bumababa ako sa aking silid at nagtungo sa asotea. Maagang nagtungo kanina sina ama, ina at Kuya Samuel sa bayan, sapagkat ngayong araw ang simulang pagninilay nila ng kaso kasama si Kuya Samuel. Sa isang araw na ang pagdinig sa kaso ni Kuya David at hindi ko maiwasang hindi kabahan.

Ilang sandali lamang ay nakarating na ako sa aklatan, ibig kong yayain si Anna ngunit aking nakikita na tila abala ito kaya sa kaniyang trabaho kaya't ako na lamang ang nagtungo roon.

Nais kong pakiusapan ang taga-pamahala ng libro dahil nais kong mabili ang aklat na may kinalaman kay Susmitha. Namumuo ang konklusyon sa aking isipan na si  Lazaro ang manunulat ng librong iyon. Ayon kay Susmitha ay hilig ni Lazaro ang bumuo ng mga tula at maikling kwento kaya't malaki ang aking hinala na siya ang manunulat sa librong iyon.

Pagkababa ko sa aming kalesa ay saktong may kalesa ring bumaba sa tapat ng aklatan, napatigil ako sa paglalakad. Nagitla ako nang bumaba roon si Donya Victorina at sa likod nito ay si Jacinto.

Nagulat si Jacinto nang makita ako nito, ngumiti ito ng matamis habang hindi ako binaling ng tingin ni Donya Victorina. Ramdam ko ang mga kakaibang titig nito na tila ba isa akong nakahahawang sakit.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Where stories live. Discover now