Kabanata 18

Mulai dari awal
                                    

Nagtungo kami sa gitnang bahagi ng daanan habang hinahabol ang ugong ng kalesang aming narinig. Ilang sandali pa'y halos kapwa kami mapatigil nang masilayan namin ito.

Agad naming sinalubong ang kalesa at agad namang huminto ito. Humarap sa akin si Lazaro. "Sumakay kana rito sa kalesa" wika nito, nais kong magtanong at tumutol sa kaniya ngunit mabilis na ako nitong hinila.

Palapit pa lamang kami sa kalesa nang bumaba ang sakay nito, halos manlaki ang aking mata nang makita naming bumaba roon si Jacinto.

"Binibining Solana?" Takang tanong nito at patakbong tumungo sa amin. "Anong ginagawa niyo rito?" Tanong muli nito at ibinaling ang tingin sa aming dalawa ni Lazaro. Kapwa namin hinahabol ang aming hininga.

Nagitla ako nang hawakan ni Jacinto ang aking balikat. "Ayos ka lamang ba?" Gulat akong napatingin sa kaniya. Naramdaman ko ang pagbaling ng tingin sa akin ni Lazaro at mahigpit nitong hinawakan ang aking kamay.

Napatikhim ako at agad binawi ni Jacinto ang kaniyang kamay sa aking balikat. "Magandang gabi Ginoong Jacinto kami'y nagpapasalamat at nagtagpo ang ating landas...maaari bang ibalik mo ng ligtas si Binibining Solana sa San  Igancio" saad nito.

Napabaling sa kaniya si Jacinto at tumango. "Makakaasa ka Ginoong Lazaro" saad nito at tumango. Binitawan ni Lazaro ang aking kamay at tumingin ito sa akin. "Kailangan mo nang makabalik" wika nito.

"Hindi ka sasama sa amin?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya ng may pangamba. Umiling ito, "Ako'y may kailangang balikan...sumama kana kay Ginoong Jacinto" wika nito at tumango sa akin. Tumingin din ito kay Jacinto at tumango sa kaniya.

Nangungusap ang aking mga matang nakatingin sa kaniya. Bago ito tuluyang tumalikod ay lumingon muli ito sa akin ng panandalain at patakbong nagtungo sa isang nakataling kabayo.

Kinalas niya ang pagkakatali nito at mabilisang sumakay roon. Pinalakad niya ang kabayo papasok sa gubat. Nais kong sumigaw sa huling pagkakataon sa kaniya ngunit hindi ko na iyon nagawa.

Napatingin ako kay Jacinto nang ipinatong nito ang kaniyang kapa sa aking balikat. "Malamig na... kailangan na kitang maibalik sa inyo" wika nito at hinawakan ang aking palapulsuhan at inaalalayan akong sumakay sa kanilang kalesa.

Sinimulan nang palakarin ang kalesa nang makasakay si Jacinto. Habang binabaybay namin ang daan patungo sa San Ignacio ay wala akong imik. Tila ngayon ko lamang naramdaman ang pagod at pangungulila.

Hindi ko maiwasang mangamba kay Kuya David at kay Lazaro. Hindi ko nagawang pasalamatan si Lazaro bago ito umalis kung hindi dahil sa kaniyang tulong ay hindi ko makakausap si Kuya David at hindi namin makikita ang tunay na kalagayan nito.

"Batid kong pinuntahan niyo si Ginoong David" wika nito, "Ako'y humihingi ng paumanhin....sa ginawa ng aking ama sa iyong kapatid Binibining Solana.....kaninang umaga ko lamang nalaman iyon at hindi ko lubos akalain na si ama ang dahilan nang pagkakakulong sa iyong kapatid" wika nito.

Nanatili lamang akong tahimik at nakatingin sa harapan. Wala akong nararamdaman na poot kay Jacinto dahil wala itong kaalam-alam sa ginagawa ng kaniyang ama.

"Aking naulinigan kanina sa usapan ng iyong ama at ng aking ama na...pinutol na ng iyong ama ang pagkakasundo sa ating dalawa" halos mapatingin ako kay Jacinto dahil sa sinambit nito.

Pinutol na ni ama ang pagkakatali ko sa kaniya. "Wala iyong kaso sa akin dahil matagal ko nang hinihiling iyon kay ama....batid kong napagdesisyunan na iyon ni Don Roman dahil sa nangyari sa iyong  kuya David" saad nito.

Nanatili lamang akong nakatingin sa kaniya. Sa tingin ko'y unti-unti nang pinuputol ni ama kasunduan nito kay Don Tolentino dahil sa ginawa nito kay Kuya David. Dapat ba akong maging maligaya dahil sa unti-unti nang namumulat si ama sa katotohanan?

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang